news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1573 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 352  RLO69

    12/30/2009 | 06:00 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 351  RLO69

    12/30/2009 | 05:44 AM
    Marami siguro ang aayon na ang talagang sinisira ni Jinkee sa wala niyang tigil na kakadaldal ay ang asawa niyang si Manny. Sa bawat interview niyang binibigay nagmumukhang engeng ang asawa niya. Ilang beses na sinabi ni Manny na walang katotohanan ang tsimis na yan. Paulitulit na binubuhay ni Jinkee ang issue. Si Kristra hindi sumasagot! ayaw patulan ang probinsiyanang nakapagasawa ng pambansang kamao. Walang pinagaralan,walang kultura,na kahit bihisan ng mamahaling gamit eh aamoy parin ang baho ng pinanggalingan. quot;Ang kambing kahit tadtaran mo ng alahas na galing kay annabelle rama, kahit Si CHanel ang mag bihis EH! Kambing parin. Jinkee lumalabas ang pagka babaeng kalye mo sa kadaldalan mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 350  prettymaniac

    12/17/2009 | 08:03 PM
    sa totoo lang maswerte na rin si manny sa asawa niya. sa totoo lang kasi hindi naman gwapo sa manny para pagkaguluhan. hay naku, may hati pa sa gitna ang hair niya dati, hindi naman bagay... kaya manny stick ka na kay jinkee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 349  love16

    12/16/2009 | 04:11 AM
    Jinkee wag ka ngang matakot sa mga babae ni Manny kasi kay manny ka dapat matakot dahil kung hindi ka hihinto sa kaka share ng personal life nyo ni Manny sa mga Sowbiz Friends mo kuno,si Manny mismo ang iiwan sa'yo..dun ka maSCARED, dahil ang asawa NAPALITAN
    lalu na kung taking advantage ka sa FAME and Famous ni Manny.INGAT ka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 348  cris525

    12/16/2009 | 01:51 AM
    Ang lalaki kapag nga-hahanap pa ng iba... ibig sabihin hindi mo mapaligaya.... you should re-think how you handle your husband....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 347  liwayway

    12/15/2009 | 08:36 AM
    pero si manny, hindi takot kay jinkee. womanizer na siya noon pa man, according to jinkee's prior PEP interview, up to the present with krista ranillo.

    jinkee, deal with manny's womanizing ways, bago mo ikondena ang mga mis.tresses. unless manny mends his ways, krista will not be the last. there will be more to come.

    it will be deja vu for you all over again.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 346  909100

    12/15/2009 | 06:10 AM
    Ganon ba Jinkee eh hanggang dito rinig ko ang kabog ng dibdib mo sa takot. Threatened ka masyado kay Krista kaya kinu-compensate mo sa kaka-interview at sa sobrang pagba-brandish ng mga branded mong gamit. Ang chaka mo, kaya si Manny nahuhumaling sa iba, kasi wala kang ginawa kundi mashock sa material things.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 345  1truepep

    12/14/2009 | 08:57 PM
    tama naman na ipaglaban niya karapatan niya kasi asawa siya eh pero sana wag siyang maging OA ha kasi nahahalata ko na rin ang kaartehan niya ha! for sure di rin naman niya kayang mawala si Manny noh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 344  purpleland

    12/14/2009 | 12:35 PM
    ISA KA PA JINKEE...LINGON KA NGA BAKA KA MADAPA. MAGLAGAY KA NAMAN NG KONTING HUMBLENESS...YOU ARE NOT PERFECT!!!i'm..mammaamatterial girl!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 343  jamson68

    12/14/2009 | 11:38 AM
    Jinkee, slow down... remember where you came from.

    KUNG MAG-INASTA KA....

    hay nku!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 342  yuck54

    12/14/2009 | 02:49 AM
    boycott!!!
    wag bumili ng mga produkto na ini-endorso ni krista...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 341  red_azalea

    12/13/2009 | 09:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 340  prettymarian

    12/13/2009 | 06:22 PM
    Jinkee ur very blessed...Keep on loving ur family..u are a very strong woman and just pray for these people who are trying to destroy ur family...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 339  kiyemestrykc

    12/13/2009 | 03:14 PM
    mapupunta eventually ang sympatya ng masa kay Krista dahil sa proteksyong ibinibigay ng ABS dito. promise babaliktad ang pangyayari at maiinis ang tao kay Jinkee at sisisihin pa sa nangyari. ganyang trumabaho ang ABS maski mali kayang gawing tama diba JOBERT?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 338  buildmeupbuttercup

    12/13/2009 | 02:25 PM
    kasawa na mag comment dito..si jinkee at aling dionesia lang naman ang nandito,, kambal tuko,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 337  buildmeupbuttercup

    12/13/2009 | 02:15 PM
    basta si aling dionesia ay ang katandaan version ni jinkee pacquiao,, bow..or let me say si ji kee pacquiao ang younger version ni aling dionesia , alam mo naman si manny mamas boy kaya kinuha niya esposa kamukha lang ng maderaka niya..o di ba.. AMININ....!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 336  buildmeupbuttercup

    12/13/2009 | 02:12 PM
    majority wins,,, si jinkee kahit dpat lang mglagay ng 5 karats up to 10 karats ng diamonds sa katawan kasi un na lang papansin in sa knya ksi magkamuka lang sila ni aling dionesia..lol, di ako nakapansin marami dito pinapatotohanan to see is to believe mgkamuka ang mag biyenan,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 335  yuck54

    12/13/2009 | 09:02 AM
    bisaya me
    buildmeupbuttercup is not tsimay ng mga ranillo

    guardiandevil lang naman siya ng mga ranillo.
    kulang sa pansin kaya nagpa-attention sa maling paraan.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 334  yuck54

    12/13/2009 | 08:46 AM
    asawa na inaapakan di masarap, yung ipagsisiksik ang sarili para mang-agaw ng asawa ng may asawa masarap ba yun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 333  proudtobepinoyako

    12/13/2009 | 07:16 AM
    ayyy!!! na-notice mo rin pala buttercup.. nagiging kamukha na niya c mommy dionesia
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About