news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1569 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 172  mysay

    12/09/2009 | 11:14 PM
    Sa parada, dapat batuhin itong si Krista ng kamatis!!! Maghanda na tayo ng marami. Ako nasa second floor ako ng building ..sure na tatamaan siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 171  mysay

    12/09/2009 | 11:11 PM
    So, nagsalita na si Jinkee.

    Pahiya ang mga RANILO!!Mga God fearing kuno na gustong sumira ng isang magandang pamilya!!!So, inilaglag kayo ni Manny.

    Bakit hindi sumalubong si Zapata noong umuwi si Krista?Baliw na lang si Zapata kung tatanggapin pa niya si Pacbet.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 170  lissy_me

    12/09/2009 | 11:09 PM
    si pacbet ba window shop lng or bumili tlga sa chanel? inoperahan sister nya d b? dami nmn nila pera....or baka dami pera bigay ni pacman...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 169  amee_usa11

    12/09/2009 | 11:07 PM
    im proud of her. So knows where she stands in there relationship.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 168  pilipino800

    12/09/2009 | 11:05 PM
    mankee hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 167  shakshark

    12/09/2009 | 11:04 PM
    sino ba magina?
    si jinkee at aling dionesia ba??

    hahaha

    team MANKEE!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 166  joyze

    12/09/2009 | 11:04 PM
    atenista rather
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 165  joyze

    12/09/2009 | 11:02 PM
    o ano PACBET este krista naintindihan mo na kung saan ka dapat ilagay? tigilan mo nlng yung pa dikit2 kay manny asawa na mismo nagsabi.mahiya ka nman day sayang atenesta ka nman.hanap ka nlng ng single marami dyan o.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 164  steffi18

    12/09/2009 | 10:49 PM
    jinkee is one heckuva girl!!!!!!kakampi nya ang Diyos kaya ano kayo ngaung mga K????pwede ba????mas lalo mo akong napahanga jinkee....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 163  rhiamags

    12/09/2009 | 10:43 PM
    winner ang sinabi ni jinkee! buti naman at nagpakita na siya ng pangil.

    at di porke't graduate ka ng ateneo may breeding ka na. talbog!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 162  ilokanang_harot

    12/09/2009 | 10:41 PM
    You go GIRL!!!

    Ipamukha mo sa madla na kahit di ka atenista smart ka... the Original is still the best... AT may karapatan sa lahat lahat...LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 161  rhiamags

    12/09/2009 | 10:40 PM
    winner ang sinabi ni jinkee. sa wakas at nagpakita rin siya ng pangil niya. he he he.

    goes to show na di porke't graduate ka ng ateneo may breeding ka na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 160  camigurl08

    12/09/2009 | 10:35 PM
    Dapat ang mga kabits ang matakot sa asawa..hindi ang asawa matakot sa mga kabits pero sa ngayon ang mga kabits pa ang astig kesa sa mga asawa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 159  landstown

    12/09/2009 | 10:30 PM
    bravo jinkee,hanga din ako kay gina alajar.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 158  ianchin

    12/09/2009 | 09:52 PM
    super yaman niyo na sana mas madami pa kayong matulongan...daming naghihirap sa atin... sana hwag lng puro luho
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 157  careermuna

    12/09/2009 | 09:50 PM
    well,...sabi ko nga,.ang daming blessings na bibigya ni god kay manny tapos sisirain nya nag pamilya nya sa isang babae lang,...wala pa naman tlagang relasyon si krista at manny e,...possible palang,..hehe....pero nakakapagtakang babae si krista,galing sa maayos at maka dyos na pamilya tapos ganyan...sus!!i think,nag rerebelde sya!!!!.......kay GOD,lang lagi jinkee,...kukunin nya lahat yan pag nag kakasala si manny kay god....lahat yan ,..limas!!!!kaya iwas sa tukso at stay wid god lagi;...at wag kaseng pagamit sa showbiz o pulitika...masisira kayo jan...tamnag work lang at uwi..hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 156  czeska221

    12/09/2009 | 09:49 PM
    wow VONGGA ang mga sagot ni jingkee! go jingkee! go go go lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 155  mazayaako

    12/09/2009 | 09:32 PM
    hayyyz pag ako s jinkee pag itanong kng anong message k ky krisa sbhin k. quot;bata k p neng hwag mong ibenta katawan m para mgkapera. pag walang pera s manny papatulan m kya? hekhekhek
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 154  palenkera

    12/09/2009 | 09:22 PM
    kawawa naman si Bianca king, sa kawalan ng projects e pumayag na pumatol sa movie kay Pacman, mabuti sina Rufa Mae at Krista, mga magdalena, haha. si Bianca--Katorse ang dating. kahit na wild sya, hindi pa rin sya bagay na gawin yong mga ginawa ng 2 hitad, unless patulan nya si Ted Failon sa totoong buhay so talagang ka-level nya sina Krista. dapat si ara mina ang nasa movie, at talagang kikita ang movie na to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 153  pepato

    12/09/2009 | 09:10 PM
    KORAK!

    =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About