Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.
Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.
Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.
Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.
"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.
"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.
"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.
"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.
PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.
"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.
"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.
"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."
CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.
"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.
"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
152 palenkera
151 palenkera
150 starqueen
Krista Ranillo, will soon grace the calendar distribution trucks all over the Philippines and people can see her vital stats in almost life-size monthly flavors as she turns into 2010 calendar girl for Ginebra San Miguel. Watch out for the release!
Well at least may trabaho siyang darating otherwise - baka kung ano na naman ang maging pagka-abalahan ng babaeng ito.Bagay na bagay sa kanya ang kanyang next project.Yun lang.
149 beca3677
148 alaska_dor
147 transformer
146 piaganda
145 seikolang
144 bola2mo
143 EmilyB19
142 rictos
141 starqueen
I know we all have to earn a decent living - but please dont insult the readers by condoning the behaviour that the whole nation has frowned upon for over a month.
Anyway which you try and sanitize it - bottom line - it stinks !
140 starqueen
The person is merely a repeat offender. And unfortunately, repeat offenders always learn the hard way.
139 starqueen
I sincerely hope it is purely your thoughts that you represent and not the interest of the other people who are desperate to be cleansed from their past acts.
No one forced them to lead the lives they led. I think no one should be forced to clean up their mess even if the one trying to clean is just trying to perform his job.
138 starqueen
Like everyone, I was born with a conscience and I follow it where it leads me. If by chance, you are affected by what you have read then I guess somehow you have not followed yours. I can sleep very well at night knowing I never contributed to anyone committing an act that as human beings - God has forsaken us to do. Just like everyone else- I had my share of karma - but nowhere near the level some people involved in this drama have and will experience.
As I have said - the truth will set you free. Unfortunately it hurts and will hurt most especially when karma comes with it. I am not forced to say anything but what my thoughts are. I sincerely hope it is purely your thoughts that you represent and not the interest of the other people who are
137 b0ynxtdoor
Be careful of the words that are saying. And Diyos, hindi mapanghusga but a Forgiving God. Hindi Niya hahayaang mapasama ang mga anak niya, and Krista is still His adopted daughter just like any one of us.
No one should wish for Karma for any person dahil isa itong sumpa na pwedeng bumalik sa atin.
Love God with all your heart, with all your soul and with all your mind, and love your neighbor as you love your God.
Instead na magalit ka kay Krista or kahit na sino pa man, you have to pray for them. Ang galit ay gawa ng kaaway at hindi ng Diyos.
May God bless us always!
136 marrhedge
135 starqueen
I also want to see the modeling thing...kasi for sure mas malala pa sa piniritong isda na masakit sa mata - na sinabi mo kahapon.
Alam natin lahat ang mom niya former model at ang tatay niya former actor. May namana naman kaya sa talent si Walang K!
134 starqueen
Ladies- lock up your HUSBANDS.....
Sorry masyado ko lang na- visualize si Walang K while typing the post!
133 starqueen
It is hard to fight off and contain a self destructive woman who really does not care if the world thinks nothing of her and her family as being the lowest form of life one could imagine.
There is no dignity in what you have done to the families of Gina and Jinkee. There is karma for you and your family though. And God I wish you and your family get it soon!
more comments