news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1580 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 132  starqueen

    12/09/2009 | 05:53 PM
    For Jinkee to admit na talagang iniyakan niya ito - well we can safely conclude na totoo. She wont say that to the media kung kutob kutob lang ang drama niya.

    Wow - si Pacman nag ala Kobe Bryant with the ring ha. Hay Manny swerte mo talaga hindi ka kinasal sa US !

    The mere fact na binigyan ni Manny si Jinkee ng diamond ring as a peace offering - well we can only surmise na talagang may namagitan between the former BFF...

    So Krista - lumayas ka na ha - please lang - maganda na ang ending ng tele novela na ito. Dont be a pest - move on and vanish - forever. Well paid ka na naman - so mission accomplished ka na rin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 131  snowdrop3

    12/09/2009 | 05:49 PM
    Hala Madam Jinkee Fight for your right.Kahit kaming mga Team Jinkee ipaglaban ka namin kc Kayo ang pamilyang idolo ng karamihan from rags to riches kaya kailangang mamulat si Manny na di dapat sya gumawa ng bagay na ikasasakit ikakabagsag at ikakagulo ng pamilya nya nya kc lahat ng kilos ninyong pamilya ay nasa mata ng publiko at galit ang publiko pag may naging masama sa pagsasama nyo.Idol kayo ng Pilipino sa boung pilipinas.Kaya yung mga BABAE DYAN NA NAGPAPLANO NA MANGUWARTA AT INGGITIRA WATCH OUT!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  foiegras24

    12/09/2009 | 05:47 PM
    Gusto ko ring mapanood ang modeling niya..... kasi hindi pa ako tumatawa today.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  starqueen

    12/09/2009 | 05:41 PM
    brad_peet

    I dont know where the tweet came from. Galing daw sa scoop box here. Unika sent me something about this. It is raining everywhere and I hope you can understand this.

    Where did you see the ramp modeling thing ni Walang k? Retail Therapy is at its best when you are spending your own money as it is a sign of financial independence - to be able to afford something through your own efforts. Well - for decent women that is. And not those women who belong to the For Hire or Bilmoko gang!

    Teka muna – Mr. Webmaster – bakit ang hirap mag post dito – please please fix. Thank you.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  girlyme

    12/09/2009 | 05:37 PM
    118
    pepticulcer
    December 9, 2009
    17:29 PM
    please share what Bianca King posted in her Twitter account.....
    ---------------------------------
    I wonder what feels worse, to be accused of being a gold digging home wre-cker or have ppl see you doing the nasty w/someone else’s guy.

    i granted jun lalinabante an intrview this morning abt wat happnd at the wapakman shooting. pls post a link if u find one. i wana read it.

    before i sleep, im sending this out to the universe via twitter i believe in karma. good, but most especially BAD! so do unto others...

    really getting excited 4 wapakman to come out! pls watch! i hope jinkee doesnt get mad abt the kissing scene. i wana b on her good side. =
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  paulinbai

    12/09/2009 | 05:36 PM
    this is a reminder to jinkee to be humble. After all pinag-uusapan ka because of your husband. Not because of you alone. Tama yan magpaganda ka pa, kasi lapitin syempre ang asawa mo kasi me pera. care na sa fez.

    be humble. kasi di kanaman kagandahan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  sammm888

    12/09/2009 | 05:33 PM
    whoa, galing talaga magdala ni Jinkee.. galing sumagot... GO GO GO!!! at the height of the controversy hindi sya nagsalita,all she did was let her emotions out w/out exactly elaborating the reasons and everybody believed her and symphatized w/ her w/out asking the public to do so. ngayon namn shes talking na, very straightforward, POSITIVE, and CONFIDENT w/out being bastos! :- IDOL!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  akopinayski

    12/09/2009 | 05:33 PM
    Go Team Jinkee!

    Go Bianca!!

    I support na rin Bianca. masyado naman siyang kinawawa, parang pinalayas sa tent. Ang bastos kaya ng gumawa non. sama ng ugali. yong auntie ba? siyempre kasabwat sila ni pamangkin. alangan namang desisyon lang ni auntie kung hindi iniutos ni pamangkin. tapos gagawin pang sinungaling ang security guard. parang merong napaka-secret sa loob ng tent. si auntie na ba pumalit sa tatay ngayon? si tatay nagtago na ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  pepticulcer

    12/09/2009 | 05:29 PM
    Totoo nga ba yon na ex-BF ni Krista yung nagbayad ng kanyang tuition? And please share what Bianca King posted in her Twitter account.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  pepticulcer

    12/09/2009 | 05:27 PM
    Hindi tipo ni Jinkee ang gumawa ng gimmick para lang sa showbiz kaya there is truth to the rumors. Why else would she let out those words? Best thing to do is boycott the movie of Krista and Manny. Manny has nothing to lose if it flops. Krista has everything to lose as an actress kung langawin sa takilya ang movie niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  00chloe004

    12/09/2009 | 05:25 PM
    starqueen

    hahaha natawaako sa comment mo. humingi ng isangdaan eh no? para balato man lang... hahaha...

    don't worry gagawin ko yan sabay bato ng kamatis sa mukha niya. ang kapalkasi eh, baka sakaling numipis kapag nalagyan ngkamatis. hahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  adoboabogado

    12/09/2009 | 05:23 PM
    Go Jinkee Go! We are all on your side!
    Pag nangyari ulit yan, i dare mo si Manny na tanggalan ng pera, tingnan mo kung mamahalin ba talaga ng tapat yan ng ibang babae. Tingin ko hinde! Pera lang ang habol diyan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  pepticulcer

    12/09/2009 | 05:19 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  pepticulcer

    12/09/2009 | 05:16 PM
    Best way to make Krista drool out of envy is for Jinkee to shop till she drops.....inggit lang ni Krista
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  pepticulcer

    12/09/2009 | 05:13 PM
    Sa lahat ng bumatikos kay Gina Alajar, eat your words. Galing na mismo kay Jinkee na she appreciated Gina's sincere support kahit hindi sila magkakilala kaya gusto na niya itong maging kaibigan.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  rachel_1967

    12/09/2009 | 04:54 PM
    naman.........

    ok next pls......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  foxylady

    12/09/2009 | 04:47 PM
    GO..GO...GO...Jinkee....ata girl!!! That's the attitude..!!! Ms. Gina's comment is very correct...KRISTA RANILLO IS NOT ALL WORTH IT!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  sarurimejos

    12/09/2009 | 04:44 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  brad_peet

    12/09/2009 | 04:38 PM
    with reference to post 99, of cagayan 2, ano ba ang bread and butter ng mga ranillos? how is suzette ranillo earning income? Ano ang means of income ni Matt Ranillo? Ni Linda Tupas? If they are the generic BUSINESSMEN, what business? Ano na ang nangyari kay Suzette Ranillo and Matt Ranillo, in terms of their showbiz career? Did they just quit showbiz, o hindi na nagpick-up ang careers nila?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  starqueen

    12/09/2009 | 04:34 PM
    Jinkee - kung galit ka dahil marami kang nagastos dahil sa masama ang loob mo when you were in Chanel - wala ka bang ibebenta na naka sale from Chanel - LOL...

    Seriously - though its bad to shop when you are mad - I think in this case tama lang Jinkee - sa bawat ginastos mo - isang bugbog ang inabot ni Manny during the fight. I know ayaw nating masaktan si Manny - pero he should realize na kahit mayaman kayo bago siya kumita nagpapabugbog pa siya and for what - para gastusan lang ang mga parasites...thats wrong...

    Kaya Jinkee - hala bira - punta ka pa sa Paris Chanel headoffice - sa Atelier niya sa Rue Cambon - para lumuwa ang mata ng mga gustong pumalit sa kinatatayuan mo! Sabi nga ni Ivana Trump - dont get mad - get even!

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About