news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1570 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 92  Astig_OFW

    12/09/2009 | 03:53 PM
    wow, pinahanga mo kami JINKY - you are an example of a perfect wife - kaya manny ingatan mo si jinky

    and for krista - isa lang ang description ko sa kanya - who-daz siya!!! yun na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  coteazur

    12/09/2009 | 03:49 PM
    minsan c jinkee naging overreacting na..selos agad hindi na prove nya ,kaya sabi ni boy alamin mo ang totoo,that means alamin nya muna bago mag drama dramahan dyan,takot ka no na makakita c mamnny nang iba;;;pera dhay paano nalang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  buildmeupbuttercup

    12/09/2009 | 03:48 PM
    dapat talaga matakot sa yo jinkee ang mga babae ni manny...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  mogudoll

    12/09/2009 | 03:48 PM
    Way to go, Jinkee. You have my utmost respect and support. You love your children very much and they are the reason why you want your family intact. You are so selfless and giving. I admire you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  girlyme

    12/09/2009 | 03:48 PM
    83
    darnita

    oo naman, malayong mas maganda si jinkee kay krista. napanuod mo yong video sa tv patrol na rumampa si krista? parang lalaki kumilos tapos ang legs maiksi at parang sa lalaki.

    pagtabihin mo si jinkee at krista na naka mini skirt talbog si krista. hindi lang mahindian ni manny ang mga palay na lumalapit sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  darnita

    12/09/2009 | 03:36 PM
    mas maganda namang di hamak itong si jinkee kaysa kay krista ranillo. tama iyan jinkee, ipaglaban mo nang patayan ang marriage niyo ni manny. kapag nahuli mo si krista na nilalandi ang asawa mo, banatan mo agad. sa pinas naman, kaya mong lusutan iyang panggugulpi mo kay krista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  beachbum

    12/09/2009 | 03:36 PM
    Jinkee,gayahin mo yung asawa ni Tiger Woods. Gamitan mo ng number 8 na boxing gloves si Manny tapos habulin mo rin pag tumakbo at mabangga yung SUV ninyo sa puno ng malunggay sa kapitbahay ninyo. Siguradong magtatanda siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  madeleine_ysabelle

    12/09/2009 | 03:35 PM
    basta jinkee,..palagi mong isasaisip,..ikaw ang asawa-legal at moral,.ang kerida,pagbaligtarin man ang mundo,kerida lang sya forever sa mata ng batas at ng Diyos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  buildmeupbuttercup

    12/09/2009 | 03:28 PM
    dyan castillejo aka jinkee pacquiao
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  khikkai

    12/09/2009 | 03:24 PM
    sana lng miss jinkee hwg ka masyadong martir. tip lng po, kung meron kang unang babae na sisirulin walng iba un kundi si ara mina! pramis, malakas humuthot sa asawa mo iyan, pati bahay nyan si manny ang bumili!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  almond143

    12/09/2009 | 03:21 PM
    read between the lines. this just confirms may relasyon si manny and krista. why would she react sa chanel shop kung walang relasyon and why say itong ang pinakamatinding problema nila? may sexual encounter ito. money can buy anything hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  goldenswanny

    12/09/2009 | 03:14 PM
    two thumbs up to ate jinky!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  chinaeyes711

    12/09/2009 | 02:56 PM
    Go Jinkee!!!! daming sumusuporta sayo!!! tama ka, kaya lang nila nilalapitan at dinidikitdikitan ang asawa mo dahil kilala siya at tumatabo ng limpak-limpak na salapi, mga linta yang mga babaeng dumidikit-dikit sa kanya, mga pulubi, mga hampaslupa. nag aantay ng ganansiya galing sa asawa mo. marami kase silang mahihinata sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  keepondreamin

    12/09/2009 | 02:50 PM
    medyo makapal din si krista huh, my mukha pang iharap sa staff and crew ng wapakman.. parang pinaninindigan na lang nya, cguro sa isip nya, total sira na ako sa mata ng tao di ituloy ko na, right krista?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  madam01

    12/09/2009 | 02:42 PM
    67
    grandy

    hahaha...takot na lang ng lalake na ma-link kay jinkee...isang sapak lang sya ni manny at syempre pa...andyan ang alagad ni chavit na susugod sa kanya... at may aling dionsia pa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  strawberry_cheesecake

    12/09/2009 | 02:40 PM
    go Jinkee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  shaiako24

    12/09/2009 | 02:35 PM
    my sense tlagang mgsalita c kumareng jinky! in fairness! hoy krista tsupi ka na kc mrami k ng naharbat ke manny!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  bani

    12/09/2009 | 02:32 PM
    korek k dyan aminango..dapat sa mga babae na p-u-t-a eh, bibabalatan ng buhay...tapos iniihaw ang makati nilang p-u-k-e....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  delicioso

    12/09/2009 | 02:30 PM
    go jinkee!!!!!!!!! sana makita ko yang krista na yan pg uwi ko ng pinas. mabato ng bulok na kamatis. khit isang piraso lang pero sapul sa mukha. 5M is too much para sa isang mumurahing babae. buti kung c manny ang nkauna.. ayos tong mga Ranillo. full support! malamang nkakuha din.. sirang sira na ang pangalan nila. papano pa cla makakabangon? sabagay laos na din cla. isang krista lang pala ang makkasira sa pangalang ranillo.. pweh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  bpaidoilnog

    12/09/2009 | 02:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About