news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1581 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 72  luvko2

    12/09/2009 | 02:22 PM
    bagay kay tsabit
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  zama_jap

    12/09/2009 | 02:22 PM
    You go girl!!...yan ang dapat gawin ng nga tunay na asawa PALABAN!!..hindi yung magmumukmuk na lang sa isang tabi at iiyak!..kita mo si erap na realize lang nya na ang asawa nya nasa tabi nya ng sya ay makulong..marerealize din ni manny ang kahalagahan mo pag me nangyari sa kanyang masama..wag naman sana...kung kelan naghihingalo at matindi na yung sakit saka lang maiisip na ang aking asawa ang nasa tabi ng akoy naghihirap..teka si manny pa ba kinukuwento ko o si tatay na salawahan?..LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  Grandy

    12/09/2009 | 02:20 PM
    paano kaya kung may malilink din kay Jinkee? Sino bagay dyan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  luvko2

    12/09/2009 | 02:18 PM
    siguro mabigat din ang push n pull ni manny ano? parang bigat ng kanyang suntok. bwi hi hi..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  bigfoot12

    12/09/2009 | 02:17 PM
    kapag ikaw ang legal wife talagang malakas ang loob mong lumaban... kasi kahit san daanin talo si manny.. lahat ng properties nila ngaun conjugal, pero ung anak nila eh mas may karapatan si jinkee kc maliliit pa... kaya dapat kay manny magtino kc matalino asawa nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  nimenkaoyao

    12/09/2009 | 02:16 PM
    hay naku huwarang asawa to si jinkee... idol na kita...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  luvko2

    12/09/2009 | 02:14 PM
    gusto kong magpabuntis kay manny.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  zama_jap

    12/09/2009 | 02:14 PM
    Ako ok lang sana kung mag-asawa lang sila at wlang anak na madadamay..Ika nga sa movie na gone with the wind..frankly my dear I dont give a damn,..lol...pero my bata kc sa pagitan nila manny at jinkee eh..yun ang unang masasaktan kung ano man mangyari sa nga magulang eh..Sabi nga ni Jinkee malakas ang instinct ng nga babae..hindi mo na kailangang mahuli ka sa akto..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  ambitiousfroggy

    12/09/2009 | 02:12 PM
    sapul na sapul si krista nito, di na niya maikakaila yan.

    kudos jinkee!!

    sana walang identical ring si krista tulad ng binigay sa iyo ni manny.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  level_up

    12/09/2009 | 02:12 PM
    kahit kinaliwa pa siya ni Manny, ok naman sila ngayon.alangan naman di niya patawarin noh...saka bumalik naman si Manny sa kanya...

    nakakabobo talaga ang pag-ibig at salapi...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  fasyon

    12/09/2009 | 02:11 PM
    i dont think pera lang ang dahilan kung bakit hindi iniiwan ni jinkee si manny. i think she's looking out for his best interest. alam naman natin na hindi nakapag-aaral si manny, kaya hindi niya nare-realize na these girls are just after his money. if jinkee let's manny do what he wants, the girls will leave him with nothing and it will break him.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  mindurown

    12/09/2009 | 02:08 PM
    palaban - that's more I like it! Go Jinkee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  archeryrich

    12/09/2009 | 02:06 PM
    Mother Go Go Go lang! Team Jinkee ata ito,haha ipaalam mo sa kanila na ikaw talaga ang nagturo kay Manny magboksing para magkaroon naman ng takot at kahihiyan. Sapakin mo mader! Biro lang!~

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  zama_jap

    12/09/2009 | 02:06 PM
    naiyak naman ako..sana sya na lang nanay ko!..LOL...yan ang sinasabi ko palagi dito sa pep na ang nga bata ang palaging naaapektohan kapag me relasyong nasisira..haaaaayyyy nabubuhay na naman ang galit ko sa aking amang salawahan!..LOL..hindi kc naiintindihan ng nakakarami kala lang nila bata yan wlang alam yan..oo bata puro laro iniisip yun ang akala nyo, nagmamasid yan, nakikiramdam sa nga magulang kung ok ba ang nanay at tatay nya..been there done that ikanga ni lolo Jose..LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  dakilangina

    12/09/2009 | 02:04 PM
    Bingo! bulls eye si KR. Galing mo jinkee. Tama yan ipaglaban mo rights mo for manny. Korek ka naman, di pa sikat si manny ikaw na nasa tabi niya, at ngayung sikat at mayaman na siya iba makikinabang? No no no, ano sila masaya. Hay naku, nakakatuwa dati nga naman 2 nertworks pinagtatalunan, ngayun 2 girls naman ang pinagsasabong. Ganda nito nakakaaliw nakakabawas ng stress ang ganito. Hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  alimango

    12/09/2009 | 02:03 PM
    ako naniniwala ako na karamihan s mga matatalino,,, boobing pagdating sa usapin ng puso,,, ahahaha! pero sa dulo... mare-realize dn nla un kamalian ng ginagawa nila... wala sa skul, religion, o estado ng buhay yan... lahat tau, nagkakamali at ngkakasala... pro pag paulit ulit mo ng ginagawa at hindi ka natututo... hala nman! at alam mo p n may masisira ka at masasaktan... naku nman!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  tilty

    12/09/2009 | 02:03 PM
    bravooooooooooo wagi sa linya si ate jinky
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  prettyasian

    12/09/2009 | 02:00 PM
    yes she's right.. she still the legal wife of Manny but the point here is - kinakaliwa ka pa din ni Manny! gets mo??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  nila_zael

    12/09/2009 | 02:00 PM
    Go Jinkee! Walang kaplastikan tong babaeng toh and I love her for that. Sana you will forever stay grounded and real.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  FrancisKo

    12/09/2009 | 01:56 PM
    alam ni kris aquino yan, pinagdaanan ya yan, ganun pinalaki sa KABANALAN, O ASAN ANG TALINO DUN. Kaya Krista, tao kalang sa lupa,ang mga humuhusga sa'yo at may FaceBook ekek pa, sila ang mga di MAKATAO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About