news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1577 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

"Kaya sa sama ng loob ko, naparami ang pinamili ko!" sabay tawa ng misis ni Pacman. "Hindi ko namalayan kasi galit nga ako kaya kuha lang ako nang kuha. Hindi lang naman sa Chanel 'yon kundi sa ibang stores din. Kaya pagbalik namin sa hotel, nagulat ako sa dami ng binili ko. Parang pinag-initan ko ang mamili kasi nagalit nga ako. Naku, ayoko nang magalit kasi napapagastos ako!"

Pero ngayong dumating na si Krista mula sa U.S. at nagsu-shooting na ulit sila ni Manny ng Wapakman, ano ang pakiramdam ni Jinkee? Threatened ba ulit siya sa presence ni Krista?

"Ay, walang gano'n. Nabalitaan ko ngang dumating na siya, kaya welcome back!" tawa niya. "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin, di ba? Pero hindi naman ako ang tipo na magbabantay sa set. Hindi ako gano'n ever since. Kahit na na-link si Manny before kay Ara Mina, never nila akong nakitang nagbabad or nagbantay sa set.

"Ipinapakita ko kay Manny na may tiwala ako sa kanya at alam kong alam niya kung ano ang makakabuti at makakasama sa samahan namin. Ang sinabi ko lang naman kay Manny, saktan na niya ako, pero huwag ang mga anak namin. Importante sa akin ang mga nararamdaman ng mga bata. Ayokong magalit sila sa kanya o sa ibang tao dahil pinalaki namin silang mababait at may respeto sa matatanda."

Maliit lang ang mundo ng showbiz at hindi maiiwasan na bigla silang magkasalubong ni Krista sa isang event o sa isang simpleng araw lang. Ano ang gagawin niya kung mangyari 'yon?

"Wala lang siguro. Pero kung talagang nagbanggaan kami, babatiin ko naman siya. Hi at hello. Babatiin ko pa siya ng Merry Christmas!" tawa ulit ni Jinkee.

Pero paano kung si Krista ang unang bumati sa kanya?

"Hindi ko alam... okey lang 'yon. Kung siya ang unang babati sa akin, hindi ko siya babastusin. Hindi ako pinalaki ng magulang ko na bastos. Kung siya ang lalapit at kapag naramdaman ko na sincere ang pagbati niya, bakit ko naman siya tatanggihan?

"Pero pakiramdam ko, hindi pa mangyayari 'yan," patuloy niya. "Though hindi ko sinasara ang sarili ko sa ganyang sitwasyon. Kung mangyari man 'yan, bahala na ang Diyos."

THANKFUL TO GINA & MOMMY DIONISIA. Gusto ring ipaabot ni Jinkee ang kanyang pasasalamat sa aktres na si Gina Alajar dahil sa suporta na ibinigay nito sa kanya. Kahit hindi pa raw sila magkakilala ay naramdaman niya ang sinseridad nito.

"Nagulat nga ako sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin at naramdaman ko ang pagmamahal niya. Gusto ko siyang makilala at maging kaibigan. Lahat ng mabait sa akin at sa pamilya ko ay gusto kong maging kaibigan. Kaya sana, someday, ay magkita kami at magkuwentuhan," saad ni Jinkee.

Isa pang gustong pasalamatan ni Jinkee ay ang kanyang mother-in-law na si Mommy Dionisia Pacquiao. Hindi raw siya nito pinabayaan at magaganda lahat ng payo nito sa kanya tungkol sa pagsasama nila ni Manny.

"Si Mommy naman, siya ang kakampi ko sa lahat ng mga nagiging problema namin ni Manny. Ako ang kinakampihan niyan parati. Natuwa nga ako nang sabihin niya sa akin na huwag akong patatalo dahil ako ang nag-iisang reyna sa buhay ni Manny. Naiyak nga ako sa sinabing 'yon ni Mommy kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa pagmamahal na ibinibigay niya sa pamilya namin ni Manny.

"Kaya bilang regalo ko kay Mommy, binalatuhan ko siya. Di ba, nagpapagawa si Mommy ng bahay niya sa General Santos? May pinapagawa siya na ang worth ay eight hundred thousand. Sabi ko, dagdagan ko na 'yan para maging one million para wala na siyang maging problema. Kaya binigyan ko siya ng P200,000 para mas okey ang ipinapagawa niya. Natuwa naman si Mommy sa pagtulong na binigay ko sa kanya," lahad ni Jinkee.

CHRISTMAS PLANS. Usually ay sa General Santos City nagpa-Pasko sina Jinkee at ang kanyang pamilya. Pero dahil sa marami silang bahay, ang mga bata raw ang papipiliin nila kung saan nila gustong mag-spend ng Christmas.

« Prev  1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 52  sable

    12/09/2009 | 01:56 PM
    palaban ang hitad!!! direct kung sumagot..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  queenlatifah

    12/09/2009 | 01:55 PM
    Kay Team Jinkee ako!
    ha!ha! Inggit lang ang iba dyan!
    Merry Christmas sa lahat!
    Peace on Earth.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  gala

    12/09/2009 | 01:53 PM
    if jinkee was thanking Gina, then i guess there was substance and some truth in what Gina said. even jinkee didnt think gina was nakikisawsaw. whatever other ppl say, i still think the bigger offender here is the buzz. kala okay na ang the buzz since wala na yung isang asungot na host ahemferminahem. pero un pala ganyan pa rin sila. hindi komo lahat ng hosts nila eh englishero ibig sabihin eh ma-class na. ang cheap pa ngang tingnan eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  level_up

    12/09/2009 | 01:51 PM
    sana naman hindi buntis si KR noh!naku, hindi lahat ng atenista ay matalino...
    that's right Jinky, fight for ur right. In the end the righteous will prevail...yang si KR after lang nyan is money from MP. hmp! inis tlg ako sa mga babaeng mang-aagaw at mapanira ng pamilya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  alimango

    12/09/2009 | 01:50 PM
    jinkee...ikaw p rn ang legal wife!

    pero bkit my mga legal na bumitaw? dhil hindi kasing sikat at yaman 2lad ni MP??? or as simple as hindi lng tlga worth ipaglaban?

    ah ewan... bsta ang wish ko lng, 2 all the single ladies,,, wag nio n ambisyunin ang mga lalaking my asawa at pamilyado na... pwede b!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  girlyme

    12/09/2009 | 01:48 PM
    42
    madam01

    5 milyon kabayaran ng P-U-R-I nya? pati sa baby if totoo na buntis. yong naanakan ni Manny na taga Cebu ba yon 10 milyon ang ibinayad. ayon tumahimik at deadma na ni manny ang bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  eklatbelat

    12/09/2009 | 01:46 PM
    sakto
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  madam01

    12/09/2009 | 01:40 PM
    naku dapat lang matauhan si krista sa mga pinagagagawa nya...tama yan, si jinkee ang asawa kaya mga kalahi ni krista ang matakot sa kanya...kapal ng mukha, magpapabuntis pa...e syonga naman si manny kung bubuntisin nya si krista...

    but read from one of the online papers, abante yata that jinkee paid krista 5M para layuan si manny. the check was deposited in one of the timog, QC banks...at yun daw ang usap-usapan ng mga bank employees...well...well...well
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  melancholic_ghost

    12/09/2009 | 01:34 PM
    Wow Mrs. Pacquiao realy knows how to answer.

    Simpleng patama pero tagos! hahaha.

    Team Jinkee!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  rosen

    12/09/2009 | 01:32 PM
    go jinky ... thats the girl !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  unika

    12/09/2009 | 01:32 PM
    38girlyme-malamang si 21yayayay ang ka uri ni krista,mahilig pumatol sa may asawa,aba si jinkee pa daw ang insecure,naloloka na ata itong si yayaya sa mga pinagsasabi nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  keepondreamin

    12/09/2009 | 01:29 PM
    hala lipat na mga peps, pag ka tapos mag bangayan ng 2 networks sa agb, itong 2 ladies naman hehe, kawawang krista sawsaw suka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  girlyme

    12/09/2009 | 01:28 PM
    21
    yayayaya
    December 9, 2009
    13:02 PM

    kapalmuks ng Team Krista, after palayasin si Bianca sa tent andito naman sa pep nagkalat.

    sino team leader nyo? si tita nyang laos? basahin mo twitter ni bianca 'have ppl see her doing the nasty w/someone else's guy.'
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  unika

    12/09/2009 | 01:27 PM
    21yayayaya-malamang pareho kayo ni krista,mahilig pumatol sa may asawa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  cartridge

    12/09/2009 | 01:24 PM
    Nakita pala ni Jinkee si krista sa isang Chanel store, naku! pera yon ni manny pinamili ni krista sa branded store na iyon. Tapos nakita pa siya ni Jinkee.!!! hanep talaga ang kristang iyan..KAPAL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  unika

    12/09/2009 | 01:23 PM
    Aray ko,mag asawang sampal naman ang binigay kay krista.hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  unika

    12/09/2009 | 01:23 PM
    Aray ko,mag asawang sampal naman ang binigay kay krista.hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  00chloe004

    12/09/2009 | 01:22 PM
    paid a lot of people oooppss sorry. past tense pala kasi meron na ngang isa oh! hahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  00chloe004

    12/09/2009 | 01:19 PM
    beachbum

    yeah i heard it too, plus the fact that her manager was paying a lot of people to defend krista here on pep. yuck how cheap...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    12/09/2009 | 01:19 PM
    galing ah! ganda ng flow ng interview.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About