news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1561 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 292  strawberry_cheesecake

    12/11/2009 | 08:10 AM
    Even if you say that Jinkee is not that pleasing to the eye and all, sya pa din ang pinakasalan, sya ang sandigan ng career at image ni Manny. Sya lang, me pera man o wala. Hindi sya nakiapid. Get the word APID.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 291  strawberry_cheesecake

    12/11/2009 | 08:10 AM
    Even if you say that Jinkee is not that pleasing to the eye and all, sya pa din ang pinakasalan, sya ang sandigan ng career at image ni Manny. Sya lang, me pera man o wala. Hindi sya nakiapid. Get the word APID.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 290  strawberry_cheesecake

    12/11/2009 | 08:09 AM
    Starlet. Kailangan pang makiapid para mapansin ng press. That is what Krista Minera is just a plain starlet. Bali-baligtarin man ang mundo, k-a-b-i-t pa din sya. Always the number 2 but never the number 1.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 289  buildmeupbuttercup

    12/11/2009 | 07:48 AM
    sabi nga ni krista sa mga press people CATCh ME IF YOU CAN...im full of bodyguards provided by my papa manny,,hu hu hu hu.. mamatay kayo sa ngitngit... di ninyo ako mababato ng kamatis..he he he.ganda sexy bata si krista,, di gurang na matapang askad na face na pinagpapalit ng asawa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 288  buildmeupbuttercup

    12/11/2009 | 07:46 AM
    krista untouchable 500meters away ang press kailangan gumamit ng ultra high tech zoom camera para maka gets kahit glimpse lang ng pinananabikan sexy krista,,yan ba starlet? tinalo pa mga big stars ng hollywood ala britney spears angelina jolie hinahabot ng paparazzi,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 287  buildmeupbuttercup

    12/11/2009 | 07:39 AM
    khit anu pa sey ninyo ke krista di kau mkakapagbato ng kamatis ang dami2 nya bodyguards ang nagbabayad of course nman si papa macho man papa manny pacman,,now inggit lang kau lhat despite mg si ne sey ninyo masasama panglalait sa tao ay bumubuhos ang mga projects nya di kgaya binyo diyan lang kau sa internet shop ngbabayad ng 15php makapanlait lang,,ha ha ha ha,inggit mga pangit ooops tamaan wag magalit,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 286  buildmeupbuttercup

    12/11/2009 | 07:36 AM
    walang ngawa biyon milyon pera ni jinkee sa pagreretoke ng muka niya just merely looking at the pic compare to young krista ang sagot ni manny sa sarili niya--di ninyo ako masisisi madlang pipol im the pipols champ eh champion din ang taste ko pagdating sa sexy at batang si krista... he he he. sorry jinkee e2 diamond ring isuot mo suhol ko sa yo, ang isip ko nman ay na kay krista na my short unforgetttable love affair. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  buildmeupbuttercup

    12/11/2009 | 07:33 AM
    ang bagsik ang tapang ng pagmumuka ni jinkee tingnan nyo mabuti at hindi lang ako ngsasabi kamukha kamukha siya ng biyenan nya si aling dionesia..kaya si manny nabighani ke krista.. tsalap tsalap lambing lambing me sense of humor smart di mabagsik na gurang gaya ni jinkee.. ho ho ho...merry xmas manny and krista,,,,wapakman,,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  coteazur

    12/11/2009 | 04:18 AM
    wahhhhh jinkee looks like aling dionesio sa picture na ito.jinkee kung hindi ka natakot bat ka nagwala nung nakipagkita c manny kay krista the nyt beofre the fightwag ka kasing overreacting dyan alamin mo muna ang totoo,hindi ka guapohan husband mo no.ikaw naging feeling maganda..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  mysay

    12/11/2009 | 03:22 AM
    Read Ricky Lo's article today -Phil Star...Krista should do a Tiger Woods!

    Mahirap pa bang intindihin iyon ng mga tao? Kailangan pa ba ng ebidensiya na magkapatong sila ni Manny?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  ConstructiveCritic

    12/11/2009 | 02:28 AM
    Pls correct me if I'm wrong-Jinkee here in this picture has a resemblance with Aling Dionisia. Sorry huh, but honestly they look like each other here in this photo.Do they have the same make-up artist? Peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  strawberry_cheesecake

    12/11/2009 | 12:55 AM
    Team Jinkee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  puckerlips143

    12/10/2009 | 11:01 PM
    jinkee mas masarap ingud-ngud pagmumukha ni krista sa putik haha doon masasatisfy nako sa ka-lan-dian nyang ginagawa lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  puckerlips143

    12/10/2009 | 10:59 PM
    basta jinkee kapag d pa yan tumigil sa kabu-buntot buntot sa asawa mo kahit patago umbagin mo si manny lalo na si krista in public gayahin mo misis ni tiger wood kc ang mga ka-bit makakapal mga mukha nyang mga yan kelangan mapahiya sila sa maraming tao....mas maganda nga eh kapag merong yang live show doon mo umbagin hehe hindi yun maeedit malamng hindi na yan magpakita ng mukha lol. kayang kaya mo naman jinkee magbayad ng abogado kaya mo pang tapalan ang batas satin tutal nababayaran naman dyan sa pinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  paulinbai

    12/10/2009 | 10:40 PM
    enough of this girl.. nag-iinarte na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 277  rockasia1

    12/10/2009 | 10:28 PM
    Go gurl...mag-aral ka na rin ng boxing para lalo silang matakot sa yo....hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  critic89

    12/10/2009 | 09:58 PM
    Hoy Krista! Este buttercup! Manahimik ka nga jan..kung makapagsalita ka parang...hehehehehe

    sige lng sabihin mo lng gusto mo..may freedom of speech tau. Magkano na ba nahuthot ni pacbet kay pacman? May balato ka ba?

    I M M O R A L S!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 275  jeweltones

    12/10/2009 | 09:44 PM
    very well said, mrs pacquiao, nag iisa ka talaga.

    ikaw ang may tunay na karapatang mamili sa chanel.

    bakit yung iba, allegedly naghihirap na daw and may financial problem, pero kaya pang magtingin sa chanel?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 274  jhigger214

    12/10/2009 | 09:22 PM
    go jinkee! sana lng wag kang mgpaapekto sa mga intriga. sabi nga ni mami D ikaw ang reyna, ikaw ang pinakasalan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 273  00chloe004

    12/10/2009 | 07:33 PM
    hayaan niyo na yan si buttercup aka krista. hahaha....

    oh sige palit ka ulit ng username para magmukha kaung madami. lolz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About