Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.
Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.
Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.
Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.
"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.
"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.
"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.
"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.
PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.
"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.
"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.
"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."
CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.
"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.
"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
272 EmilyB19
Malas ang ganyan. Kelan ba naging mabuti ang mali? Nakaka-insulto naman yan sa Diyos. Sadya mo atang binabaluktot eh, para maging interesting comments mo. Pero ok lang, may freedom of expression naman tayo. Wink, wink...
271 misskopinas
270 misskopinas
269 buildmeupbuttercup
268 buildmeupbuttercup
267 misskopinas
OMG talagang IF ever me magbabato ng mga kamatis sa kanya hehehehe sobrang entertainment yun. Hehehehe. Sino ba sa inyo gagawa nun? Ala ako sa Pinas eh. Pero if me movement na 'Batuhin ng Kamatis ang Pakbet' eh magdodonate ako!
266 misskopinas
If that indeed is true. Ay carambula at talaga namang nagmimina ang mga Ranillo. Sisirain mga buhay buhay dahil sa pagkasilaw sa salapi. Eto naman si Pacman ay bugbog sa pangagaral, galit at pagkokonsensiya ng Nanay, asawa at kahit di magsalita ng mga bata, sa pagtingin at pagtanong nila sa ama. Kawawa naman ang batang yan if ever. Dehins iiwanan ni Pac si Jinkee - yun ang gate, utak at controller ng kanilang nestegg kasi siya ang marunong sa buhay kaya abala sa pagpapalago. Eh ano yun, yung bata eh parang magiging atm card, everytime na magwiwithdraw sa Bank ni Pacman, parang pinapasubasta yung bata. Bad yan, ano kayang childhood at identity magkakaroon yun? Pagsisihan ni Pac katangahan at kahinaan niya habang buhay. He will hurt all who look to him as a husband, father, and son.Keber naman ng mga Ranillo? Pero pag yung konsensiya na nila maningil, not all the chanel bags in all the world can make them feel better.
265 sassy9477
264 braquelita
263 mai_chan
262 misskopinas
261 braquelita
I agree with you both. there are rumors na preggy si kristapok. she's out to get lots of money from pacman. So to jinkee, tell manny na wag irecognize sa birth certificate ang quot;sin childquot; nila ni krista. At least pahirapan si kristapok na iprove ung identity ng tatay ng bata. Get the best lawyer in town - the one specializing in legit and illegit children cases. pag nirecognize yan ni pacman, yari ka jinkee, me karapatan din yan sa batas at family code natin. kung ituloy yan ni kristapok - malaking problema dahil d court can compel pacman to submit to a DNA test para patunayan na dugo nya yong bata. habang buhay kayong guguluhin ng kristapok at ng mga ranillo sa hati o parte ng quot;sin childquot; nila sa yaman ng mga pacquiao - pati mga bahay at billiones. umaatikabong gulo at kasuhan ito. jinkee - prepare for another big storm in your married life. we pray for you and your family.
260 FrancisKo
Nakakalimutan ya kung ano ang meron silang tinatamasang buhay at lalo sa Financial, katas ito ng bug-bog sarado at nasa alanganin na pweding ikamatay at di tulad ng isang negosyo lang na naimpudar, na lumago at yumamam.
259 misskopinas
whether or not the Pacman realizes it, Jinkee is sticking true to her promise to him, witnessed by God, in sickness and in health, for richer or for poorer, till death...If she could despite all that pressure from gold miners whether from showbiz or otherwise in the form of wolves in sheep's clothing or out and out proven toxic individuals Chavit, for example, its her commitment that keeps her composure, its that one surety she has about who she is. With that she protects her children. If Manny cannot see that for what it is, his Mom does, having been a victim herself. Manny knows, an insider tells. They say he is making up for the youth he lost in the ring and all but he won't in a million years let go of his family. He is very sorry. Plus, she is the one with the mental aptitude handling MOST of their finances. He has his freedoms but just...
258 zama_jap
257 misskopinas
any angle that they can try to get away with, to 'justify', they'll take. Sadly, like Jinkee said - she's in the right. Society's rules are in place because that is what's necessary to keep order, never mind the deviants. Be they in power or the kanto boy, they are wrong, hence they will always walk around with the weight of their deviance against them because if not, what for are the rules in place. What of morality and ethics? Granted, its rooted in culture and ours is deeply Christian. So if you break that which the church and state protect legally and spiritually, what in the world that does make you? While we all have our flaws, we work towards being better versions of ourselves and are guided by this sense of morality. Lucky are the people who see things for what they are and not blinded by PR stunts. Protect the children, protect the family.
256 moviecritique
255 palenkera
254 EmilyB19
253 mingyi315
yang krista na yan mukhang pera lang yan...kaya nakikisakay sa kayamanan ni manny.....
bil mo ko kasi ang babaeng yan
noon ko pa nabasa ang blind items na yan na mahilig magpabili ng mga mamahaling gamit sa bf nya...
oh kaya kay manny nalang sya didikit
para magkaroon ng mamahaling gamit ngeeeeeek
more comments