news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1557 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 252  909100

    12/10/2009 | 01:41 PM
    Lalakihan ko pa naman ang pusta kay Manny sa laban nila ni Mayweather. Eh kung hindi ni Jinkee pagbibigyan sa pagka-inlove kay Krista eh baka matalo yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 251  909100

    12/10/2009 | 01:39 PM
    wawa naman si Jinkee sa material things nalang ibinabaling ang galit at panahon. Kahit anong paawa na sila na ni Manny nang mahirap pa sila, hanggang ngayon eh walang mangyayari hanggang hindi ni idol Manny na-a-appreciate yan kasi siya ang nambababae. Tsaka si Jinkee halatang dahil lang sa pera nila kaya siya nagsasalita. Lagi syang feeling close friends ng kung sinu-sinong artista na hindi naman sila papansinin kung wala silang pera.

    Bakuran nya kasi si idol, o kaya pagawan nya ng doll na exact copy ni Krista para matigil na, inlove daw kasi talaga si idol kay Krista, kaya walang magagawa si Jinkee basta ginusto ni idol. Siya kasi ang lumalaban sa ring at nagpapasuntok,hahahha. Kaya ibalato nya nalang si Krista para sumigla, baka matalo tuloy yan ni Mayweather pag hindi nya napagbigyan. Ganyan ang mga inlove,hahahah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 250  mysay

    12/10/2009 | 01:07 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 249  gossiphungry

    12/10/2009 | 01:06 PM
    palaging sawi ang maging MISTRESS.. kaya sana wag nang sumabit pa sa mga may asawa... in the end, ang mistress ang huhusgahan at ang masama palagi.. kaya wag ilagay ang sarili sa ganung posisyon kahit na gaano pa kamahal na bag ang kapalit... =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  girlyme

    12/10/2009 | 12:45 PM
    Gagawin lahat ni Krista sumikat lang.
    She doesn't care if maging Cavet or Fokfok sha. Importante ay makuha ang mga material things na deprive sya.



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  toinks_boinks

    12/10/2009 | 12:43 PM
    manny nasa huli ang pagsisisi. krista paepal ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  girlyme

    12/10/2009 | 12:42 PM
    ginagaya ni Krista si Maricar Reyes na off limit ang press, no interview.

    Her next projects are May Bukas Pa, MMK and ASAP. Maricar is pretty and artistahin and she can act. Si Krista rumampa lang eh parang BAKLA.

    I don't think gaganda ang career nya like Maricar Reyes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  datuputi

    12/10/2009 | 12:27 PM
    go Jinkee, tama yang ginagawa mo! Ikaw ang tunay na asawa, ikaw ang may karapatan. Well, kay manny naman, sabi nga ng Lola ko, ang pinoy daw pitpitin mo man ang toott.. ay hindi aamin, kahit pa mahuli mo sa akto, idedeny pa rin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  avenging_angel

    12/10/2009 | 11:58 AM
    wheee!! Go Jinkee!!

    Mabuhay kay!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  EmilyB19

    12/10/2009 | 11:50 AM
    Just observe Manny's behavior and demeanor when around Jinkee during interviews. He protests too much, and makes fun of the rumor, defense mechanism yon. I wish he would do what Kobe B did, or even Tiger W though Tiger has yet to personally appear and apologize, and di lang sa website.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 242  EmilyB19

    12/10/2009 | 11:45 AM
    Hindi syempre aaminin ni Manny ang affair with Krista, although yon ang tamang gawain at mag-public apology. Hindi kasi ganon ang culture natin. Parang wala pa atang celebrity or nakapwesto na naging humble enough to admit and apologize. Hinayaan kasi natin na bumaba standards natin lalo sa mga leaders, kaya paulit ulit lang. Catholic country tayo, pero balot ng hypocrisy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 241  starqueen

    12/10/2009 | 11:42 AM
    mironmiron

    Maawa si Jinkee kay Krista? Are you serious?

    Hindi ba naawa si Krista sa mga anak ni Manny sa pinagagawa nila? Kahit pa itanngi niya hanggang hukay - no one will believe her - dahil Jinkee would not have said na iniyakan niya ito kung hindi totoo.

    Not because wife na si Jinkee- wala ding kahihiyan ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 240  puckerlips143

    12/10/2009 | 11:38 AM
    hindi pwedeng tumahimik ni jinkee kc makapal ang mukha ng nalilink sa asawa nya kaya kailangang ipahiya in-public. buti pa nga misis ni tiger wood eh nakatikim si tiger ng ultimatum sana gawin din yan ni jinkee umbagin nya si krista at manny kapag d pa tumigil sa kanilang pagigigng im-mo-ral.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 239  pipay_keisha

    12/10/2009 | 11:37 AM
    very well said.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  mironmiron

    12/10/2009 | 11:34 AM
    Mga sagot ni Jinkee ay sobrang showbiz. Bira sya ng bira at kung ano-ano sinasabi na pa-sunshine-sunshine pa,eh dba sinabi na ng asawa mong walang relasyon? Kaya humahaba ang usap dahil pa-mysterious pa mga sagot nya. Maawa ka naman kay Krista. Ikaw ang naninira ng puri.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  LosAngeles

    12/10/2009 | 10:43 AM
    MANNY OUT, TIGER IN!! WALA LUMA NA 'TONG STORY NA 'TO..JINKEE JUST MAKE SURE YOU ARE FINANCIALLY WELL OFF IF EVER IWAN KA....FOR THE SAKE OF UR CHILDREN...BETTER NGAYON PA LANG MAGALING LEGAL COUNSEL MO...GOOD LUCK TO YOU!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 236  love16

    12/10/2009 | 09:58 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 235  pepster1013

    12/10/2009 | 09:56 AM
    WELL SAID :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 234  love16

    12/10/2009 | 09:52 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 233  enrileme

    12/10/2009 | 09:32 AM
    Tama Yan Jinkee, IPAGLALABAN mo ang karapatan mo at mga anak mu.
    Tama lang naman na maaga pa ay ma stop na nag mga ganyan pangyayari sa pinas lalo na para sa ikabubuti naman nang bawat isa.At para naman matututo na ang bawat isa ay may respeto.
    Leksyon yun sa mag tauong mahilig kaumapit sa mga taken na.
    Kaya guys, get ready for your cellphone,whenever someone is making dikit sa mga may asawa.Lalo na wala naman shooting or di kasama sa function.
    Bakit andun so dapat report agad para masupil ang bawat babae o lalaki na kumakaringking, lalo eh may asawa't anak na.
    Jinkee, fight for your right.
    You are a very devoted wife to manny kaya dapat sila ang mahiya sayo.
    Tama naman ang mga sagut mu.
    Bata pa naman ang girl dapat sa single pumatol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About