Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.
Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.
Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.
Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.
"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.
"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.
"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.
"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.
PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.
"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.
"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.
"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."
CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.
"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.
"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
232 sammm888
231 starqueen
Grabe meron pa diyang mukhang ipinagdadasal na may kasunod pa si Walang K sa buhay ni Manny!
Well all I can say - mahirap talaga ang napasukan niyong duty- to pretend and defend the God fearing, Krista.
Try this - get a piece of paper and write 10 things that this woman is worth praising for in order for you to be able to carry out what you have been contractred to do so. Having Salamat Po doctor body parts should not be part of that list - ok? Haay the nerve of some people here - humihirit pa para lang maisinggit ang Walang K!
Yun namang walang ma-i-hirit about Krista pilit na pinatatahimik si Jinkee para hindi na mamaho ang kanilang bagong client - haay what money can do nga naman...
230 starqueen
Oh yes - house on the finger..usong uso iyan sa mga nabubuking.
At least si Manny isang daliri lang - si Tiger - he has to buy for 11 fingers...ano iyan - pati toe nails?? LOL
I dont understand bakit yung mga taong maayos na ang buhay - pilit ginugulo pa... Si Kobe Bryant - ang nagpa-uso nito.Actually si Michael Jordan noon pa - kaya alng ibang klase ang wife ni Jordan - noong divorce doon siya na-ngolecta....
229 puckerlips143
anyway goodluck jinkee kulang pa nga yan eh dapat inumbagan mo si manny at krista ng parehong natauhan lol.
228 NOZED
227 lightningbug123
226 lightningbug123
google Kobe Special if you don't know the meaning.
225 girlyme
Jinkee: Saka tayong mga Filipino, conservative tayo. Pangit sa atin ‘yung parang makiki-APID ka, ‘di ba?”
Sinundan ni Butch ng tanong ng: “Bakit, may ginawa ba siya?”
Sagot ni Jinkee, “Hahaha! Eh kasi ‘yun ang ano. Basta ‘yun lang ang masasabi ko, baka may thinking siya na ganu’n. So, pangit sa isang babae na ganu’n eh ang ganda-ganda pa naman niya.
“Marami pa siyang makukuhang iba na single, ‘yung mga professional.”
224 girlyme
sinabi rin ni Jinkee na may thinking si Krista na maki join sa family nila hahahahaha! Wala daw opening Krista kaya maghanap ka na lang ng mga professional na SINGLE!
Ayaw ni Mommy Dionisia at Jinkee kasi sya ang reyna ng Pacquaio, Chanel,Hermes at mga Diamonds.
223 girlyme
Kaso hangang Cavetenya na lang sha forever. Rumampa akala ko bakla yon pala babae. Pag naka side view flat lahat pati butt buti na lang nagparetoke sa dibdib.
222 exmaldita
221 buildmeupbuttercup
220 heybaams
219 heybaams
218 girlyme
strawberry_ch
eesecake
oo nga. panuorin ang whole interview dun nyo maririnig na talagang yong babae ang may intenstion. Kaso natunugan ni Misis hehe..
BTW, Nanghihinayang si Bianca King dahil hindi siya nagtaray nang ilabas ni Suzette Ranillo ang kanyang mga gamit mula sa tent ni Krista Ranillo sa set ng Wapakman.
217 strawberry_cheesecake
hahaha! Kinabog ni Jinkee ng todo si Krista dun sagot nya ha. Bull's eye! Hole-in-one! Ringless shoot! hahaha. Let us see if there is still the denial in the part of Krista, mag-dedeny pa ang Ranillos, o hayan na ginamitan na ng word na nakikiapid pa. Nalaglag ako sa upuan ko. Winner si Jinkee.
216 girlyme
Jinkee: Saka tayong mga Filipino, conservative tayo. Pangit sa atin ‘yung parang makiki-apid ka, ‘di ba?”
Sinundan ni Butch ng tanong ng: “Bakit, may ginawa ba siya?”
Sagot ni Jinkee, “Hahaha! Eh kasi ‘yun ang ano. Basta ‘yun lang ang masasabi ko, baka may thinking siya na ganu’n. So, pangit sa isang babae na ganu’n eh ang ganda-ganda pa naman niya.
“Marami pa siyang makukuhang iba na single, ‘yung mga professional.”
215 saharal
214 starqueen
Grabe meron pa diyang mukhang ipinagdadasal na may kasunod pa si Walang K sa buhay ni Manny!
Well all I can say - mahirap talaga ang napasukan niyong duty- to pretend and defend the God fearing, Krista.
Try this - get a piece of paper and write 10 things that this woman is worth praising for in order for you to be able to carry out what you have been contractred to do so. Having Salamat Po doctor body parts should not be part of that list - ok?
Haay the nerve of some people here - humihirit pa para lang maisinggit ang Walang K!
213 stockton74
more comments