news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1567 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 212  Fabe

    12/10/2009 | 05:54 AM
    para gumagwapo nga si Manny baka naman sa pera ako natingin. Pero kung nagpapa Calayan siya o Belo dapat mag isip isip siya kasi sisirain din ang mukha niya kapa anung point pa ng retoke. Retoke pag retired na siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 211  Fabe

    12/10/2009 | 05:52 AM
    ang bilis nilang yumaman dahil lang sa bosing anu? Yung story ni Ali parang hindi ganito kadali. Kahit na meron nang napatunayan si Ali pobre parin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 210  surreybcca

    12/10/2009 | 05:39 AM
    so ok na naman pala kayo ni Manny d pogi eh..lol...pero eto na lang payo ko sa iyo cguruduhin mo lang na mahigpit ang studded ring diamond na suot mo kasi baka may makipag-hand shake sa iyo di mo alam natangay na ang iyong ring na milyon2 ang halaga...hahaha ingat lang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 209  gutsykg

    12/10/2009 | 05:35 AM
    That's the spirit, Jinkee, fortify yourself with prayer...God be with you always!

    Filipinos are still forgiving, Tiger Woods is getting the backlash from his commercial endorsements where he gets the big bulk of his billion. He is struck where it hurts...oh well. The use of money is still the root of all evil.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 208  enfalac

    12/10/2009 | 04:48 AM
    eto ang babaeng may breeding! i admire jinkee for her intelligence..di katulad ng iba jan sa ateneo pa daw kuno nag aral e napaka mumurahin namn ng kalidad..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 207  909100

    12/10/2009 | 04:46 AM
    Goodness, masyadong puro material naman itong si Jinkee. Niluluko na't lahat ng asawa eh puro material na bagay pa rin ang nasa utak. Pero sa dinami dami ng material eh P200,000 lang naman pala ang binalato kay Mommy D,bwahhahah! Grabeng barat naman nito at pinagyabang pa,hahahha!

    Pero Jinkee, tama ka,lahat meron na si Manny, kaya ang magandang regalo at magugustohan talaga ni Manny eh si Krista,bwahahahha! Give mo yan sa kanya, kahit blow up doll na gawa sa picture ni Krista, para maging kumpleto ang Pasko nya,heheheheh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  StocksAndBonds

    12/10/2009 | 04:45 AM
    bakit daw nagse-selos si jinkee, sobrang oa daw.

    never nagsalita si jinkee against ara mina before, in fact nagka-kachikahan pa sila dahil alam ni jinkee na talagang chismis lang yung kay ara. pero itong kay pakbet krista ay talagang totoo. dapat lang magselos at maalarma sya kung kahit wala nang shooting ay buntot ng buntot pa rin si krista sa asawa niya. kumakandong kay manny at sinusubuan pa. krista was really F L I R TING big time kaya nga naging honorary member ng team pacquiao, eh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  kawawa

    12/10/2009 | 04:44 AM
    Oh my goodness, Jinkee should keep her mouth shut..stop talking about your marriage problems in public.. no wonder Manny keeps looking around.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 204  lolay

    12/10/2009 | 04:20 AM
    Baka kaya si Jinkee ang Atenista kasi mas may utak kung sumagot. I'm impressed. She is beauty and wisdom. Go Jinkee, Go!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 203  hearthyjhoe27

    12/10/2009 | 04:16 AM
    totoo nga daw ang kasabihan, kahit bihisan mo pa ng ginto ang isang babae like K. hindi pa rin kikinang ang kanyang beauty. heheh. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 202  hearthyjhoe27

    12/10/2009 | 04:14 AM
    asan kaya si krista. siguro pagkatapos ng movie nilang wapakman dun lng sya lalabas. all out ang support ko kay miss jinkee. i hate K-bit talaga. kahit kelan naman hindi naging magandang halimbawa sila eh. =]]
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 201  pepreader123

    12/10/2009 | 04:00 AM
    Sana ako rin, pag nabubuwisit, naidadaan ko din sa pamimili ng chanel, gucci, versace, hermes etc etc...dinadaan ko na lang kasi sa tulog...hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 200  pepreader123

    12/10/2009 | 03:58 AM
    ta-kut ako!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 199  mindzap

    12/10/2009 | 03:50 AM
    i luv jinkee's answer..

    ang may tinatago eh nagtatago. kaya neva nyo makikita si Krista. haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 198  pepticulcer

    12/10/2009 | 03:35 AM
    Beyond riches, a loving and loyal wife is far more precious. Kaya dapat pangalagaan at galangin ni Manny ang kanyang mabuting may-bahay at maging tapat siya sa asawa niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 197  pepticulcer

    12/10/2009 | 03:31 AM
    Akala ko nag-fly-now-pay-later mga Ranillo....eh bakit nagsho-shopping sa Chanel si Krista kung pamasahe lang eh di ma-afford? These Ranillos keep on contradicting themselves not only in word but also by their actions......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 196  sapulasaputi

    12/10/2009 | 02:31 AM
    thumbs up ako sa iyo jinkee... Cheers
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 195  kikay75

    12/10/2009 | 02:29 AM
    Aba nagkita pala sila sa Chanel boutique afford pala ni Krista ang mag shopping dun..kanino galing ang pera nya hehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  jen80

    12/10/2009 | 02:00 AM
    guilty ata tong c pacbet krista kc tinataguan ang media kung wla kang ginagawang masama db alive k sa mga interviews so 22o tlaga na money lng ang hanap nya katawan ang pambayad tsk tsk tatay nman b----w ng anak nku mga ranillo god fearing p nman kayo db baka sa susunod n bagyo ang bahay nyo lng ang wawasakin..kung pera nga nman masisilaw k talaga d belng mawalan ng dignidad bsta may pera db Krista
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  dongdai

    12/10/2009 | 01:29 AM
    kamukha sila ni aling dionisia!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About