news

Jinkee Pacquiao: "Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin."

by Ruel J. Mendoza posted on December 9, 2009  STATS: 1579 Views | 352 Comments

 

"Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin," says Jinkee Pacquiao.

Photo By: Ruel J. Mendoza & Belo Medical Group

Game na game ang misis ni Manny "Pacman" Pacquiao na si Jinkee sa pagsagot ng mga tanong na may kinalaman sa tunay na estado ng relasyon nilang mag-asawa, at maging sa muling pagbabalik sa bansa ng nali-link sa kanyang mister na si Krista Ranillo.

Inakala ng lahat na iiwas na si Jinkee sa media pagkatapos nitong magsalita sa kanyang mga naunang panayam. Pero marami ang natuwa sa press dahil sa pagiging prangka niya at pagiging tunay na palaban.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jinkee sa dalawang okasyon kahapon, December 8. Una ay sa opening and ribbon-cutting ng kanilang boutique na Team Pacquiao by Manny Pacquiao sa Robinson's Midtown sa Ermita, Manila. Pangalawa ay sa Christmas and victory party na ibinigay ni former governor Chavit Singson para kay Pacman sa Corinthian Gardens residence nito sa Quezon City.

Sa parehong okasyon ay masayang-masaya at walang ipinakitang pagkailang si Jinkee sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Manny.

"THERE IS SUNSHINE AFTER THE RAIN." Sa blessing ng kanilang boutique ay sabay na dumating sina Manny at Jinkee at magka-holding hands pa sila. Inaalalayan din ni Manny si Jinkee dahil sa maraming tao ang dumalo sa event na ito.

"Nagpapasalamat kami ni Manny dahil nandito na naman sila para suportahan ang bagong business venture namin," simula ni Jinkee. "Dapat lang na nandito kaming dalawa dahil negosyo namin ito at nakakahiya sa mga taong sumusuporta sa aming pamilya.

"Wala naman na kaming problema ni Manny, e. Lahat maayos na. Hindi puwedeng magkaproblema kami ng mabigat dahil maaapektuhan ang mga bata at ang ibang mga taong malapit sa amin. Nag-uusap naman kami parati at alam ko na malaking pressure ang nasa balikat naming dalawa ngayon. Lahat kasi, gustong malaman ang mga nangyayari sa amin. Para tuloy kaming may TV show na lahat nakatutok.

"Pero nasabi ko nga na there is sunshine after the rain. Paboritong quote ko 'yan ngayon. Kahit na gaano katindi ang lakas ng ulan, bagyo man siya, pagkatapos ng lahat ay lalabas din ang araw. Magiging maayos ulit ang lahat," nakangiting pahayag ni Jinkee.

PINAKAMATINDING BAGYO. Inamin ni Jinkee na ang pagkaka-link ni Manny kay Krista ang pinakamatinding bagyo na dumating sa buhay nilang mag-asawa. Hindi nahiyang sabihin ni Jinkee na iniyakan niya nang husto ang pangyayaring ito.

"Kahit sino naman, di ba?" sabi ng misis ni Pacman. "Tao lang naman tayo na nakakaramdam na may nangyayaring hindi tama. Babae ako at malakas ang pakiramdam ko sa ganyan. Talagang iniyakan ko siya nang husto at talagang sumama ang loob ko.

"Pero nagdasal ako sa Panginoon at sinabi ko na ipaglalaban ko ang pagsasama namin. Walang ibang taong puwedeng sumira ng matagal na naming pagsasama ni Manny. Hindi pa kilala si Manny sa buong mundo, kami na ang magkasama. Sabay naming pinagdaanan ang hirap at sakit ng buhay noong maging mag-asawa kami. Hindi nila alam ang mga pinagdaanan naming hirap kaya wala silang karapatan na sirain ang pamilya namin.

"Tulad nga ng sinabi ko, ipaglalaban ko ito nang patayan. Walang makakasira sa amin at kung ipagpipilitan nila, hindi sila magwawagi. Kakampi ko ang Diyos at ang mga taong nagmahal sa amin sa simula't simula pa."

CHANCE MEETING WITH KRISTA. Pinakumpirma rin ng PEP kay Jinkee kung totoong nagkasabay sila ni Krista sa Chanel boutique sa Los Angeles, California. Ito ay noong kainitan ng mga issue tungkol kina Manny at Krista.

"Totoo 'yon," mabilis na sagot ni Jinkee. "Noong pumasok ako sa Chanel, nandoon na siya. Naka-side view lang siya, pero may nagsabi na sa akin na si Krista raw 'yon. At siya talaga 'yon.

"Wala naman akong ginawa sa kanya. Nandoon siya para mamili at nandoon din ako para bumili rin. Pero aaminin ko na parang nasira ang araw ko noong araw na 'yon. Kasi 'yon yung kainitan ng tsismis, di ba? Tapos makikita mo pa siya doon.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

352 Comments

  • 192  misskopinas

    12/10/2009 | 01:26 AM
    Hahaha, Kayo naman mga kappeps. Pag uwi seguro niyong si Manny, na third degree di lang ng nanay niya, ng mga anak niya, ng buong angkan nila. Imagine mo naman yung muha ni Nanay D pag magalit. Kayang kaya nun tirisin si Pag at di iiwas yun. Sa isang interview ke Jinkee eh pinapalinis daw niya ng bahay si Pacman at kahit daw magmop yun ng buong bahay ay di niya pinapatawad ng ganun ganun lang. Imagine niyo naman feeling nung si Pacman pag umuwi na ng bahay at alam niya he has to face the music. Walang entourage, sila sila lang. Hanggang at a point lang ang pagka Tiger Woods. It comes to a point where lust and madness and your actions come to collect from you. Hehehe. Naiimagine ko si Pacman nagmomop, si Nanay D pinapagalitan siya't lahat lahat. sabi ni Nanay D. eh 'binabakol' niya si Pacman noong bata pa. Hehehehe. Galing niyo Pepsters, kayo ata konsensiya ng bayan from Pardos to Ampatuans and to Fakvets.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  jamelo

    12/10/2009 | 01:24 AM
    Kung swerte c manny sa boxing mas swerte din pala cya kay jingke sobrang tatag.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  jamelo

    12/10/2009 | 01:19 AM
    tama ka jingke.Proud ako sayo bilang asawa ni manny matatag,matapang,mapagkumbaba,at mapagmahal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 189  misskopinas

    12/10/2009 | 01:14 AM
    Question lang -
    why in the world are they still trying that build that second-class kavi tenya up? Aight, she has established notoriety but for what? Men might wanna see her doing all sorts of things with men or similarly inclined females. Money to be had? There are way more talented actresses out there, with the talent and face value to boot. What a waste. Here you can see good socialization and parenting manifest themselves - ke Jinkee positively, ke PK, kahit anong brand pa susuotin, kahit saang school pa mag-aral, negatively. Mga magulang, alagaan at palakihin ng husto ang anak. Mga anak wag masutil baka mag ending sa pinyahan. Merry Christmas Pepsters!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  misskopinas

    12/10/2009 | 01:09 AM
    Her intelligence is innate, she grows everytime she survives a blow. Her values and beliefs remain intact. Maganda pagpapalaki sayo ng mga magulang mo. Filipina women of values, strength and courage, I salute you all. Maligayan Pasko. Pacman knows how valuable you are to him, how much you have done, your sacrifices. He will be a fool to let you go and to hurt you again. But men are fools, when occassion rises. Check out Tiger Woods. End of the day though, as long as they were raised well, if they have strength of character, they will realize. Yours is the throne Jinkee, and all you women who hold on to your position in a marriage. Kayang kaya niyo yan. Maligayang Pasko!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 187  foiegras24

    12/10/2009 | 01:06 AM
    Ginebra San Miguel 2010 Calendar Girl??? Siya ba yung nadapang tutuhugin ng malaking tinidor? At si Jinkee ang anghel?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 186  caboodles28

    12/10/2009 | 12:43 AM
    very smart answer, jinky. direct to the point at walang kiyeme kiyeme. as gusto pa nga kitang sumagot kesa kay kris aquino noong machismis si james kay hope centeno.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  escee_q

    12/10/2009 | 12:35 AM
    you really need not fear jinkee cz you're the real deal. the original. genuine. authentic. while pacbet the leech is nothing but a faux damaged goods. kumbaga, pang rodeo drive ka. ung isa pang 168 lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  jula69

    12/10/2009 | 12:16 AM
    heller kaya nga napabili si jinkee ng todo todo..dahil sa inis niya kay krista nag shopping sa chanel via pacmans money... weeeee kapal mo krista,, very smart si madam jinkee kaya dapat lang wag kanang magsalita krista coz its obvious... pinipilit mo sarili mo kay money... eh si manny naman goo rin, so madam..gulpihin mo rin yang si manny but anywayzzz im happy for both of you so merry christmas!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  Opinyon_Ko_Lang

    12/10/2009 | 12:00 AM
    In your FACE KRISTA!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  Opinyon_Ko_Lang

    12/09/2009 | 11:59 PM
    In your FACE KRISTA!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  mysay

    12/09/2009 | 11:59 PM
    Sabi ni Manny Pacquiao sa isang interview : Alam namin na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay sa kabutihan.

    Kaya , kayong mga kampon ng kadiliman..lumayo kayo ke Manny Pacquiao.Pacbet,humanap ka ng binata, o sa Brunei o sa Japan ka na lang magtrabaho.Hindi ka pa makakasira ng pamilya.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  pangitkopangitkarin

    12/09/2009 | 11:51 PM
    go Jinkee go........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  DimplesAndPanda

    12/09/2009 | 11:39 PM
    t-nga na lang ni manny if pakawalan niya si jinkee... very smart answers! jinkee showed grace even when faced with this storm which everyone is glad na tapos na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  unika

    12/09/2009 | 11:38 PM
    In your face Krista ano kayo mga Ranillo ngayon lalo na sila anti n lola,may mapa god fearing n smart pa kayo nalalaman,pahiya kayo no,bleh,hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  fanhan

    12/09/2009 | 11:38 PM
    Ate Jinkee, hindi naman pwedeng ang mga babae nalang sisihin mo parati. Alam naman ni Manny kung ano ang tama at mali diba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  GorGonia

    12/09/2009 | 11:32 PM
    Totoo pala na kapag matagal na mag-asawa, nagiging magka mukha no? Tignan mo pic ni Jinkee dito, may hawig na sya kay Mommy Dionisia.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 175  LARA

    12/09/2009 | 11:27 PM
    Hang in there Jinkee,don't let any b--ch steal your Pacman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 174  bostongirl

    12/09/2009 | 11:26 PM
    Jinkee Pacquiao: quot;Hindi ako dapat makaramdam ng takot kasi ako ang misis ni Manny. Sila dapat ang matakot sa akin.quot;
    _______________________________________
    By qouting that, that does not mean that Manny will stop from fooling around.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 173  Volupta

    12/09/2009 | 11:15 PM
    I am very proud of you, Jinkee! I have been sending you positive thoughts and have been praying that you have the strength to weather the storm. Knock-out ang kalaban, winner ka talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About