"Meron na... sa Cebu... Kasi, parang nagpunta kami dun, nagbakasyon at nag-enjoy kami. So, baka ganun... basta isa yun sa option."
Kailan ba niya ito ipapakilala?
"Yung hindi planado... yung nandiyan siya... Kasi ang hirap, e. Nakakapagod na pag-usapan yung wala rito, beside you."
Kung noon ay very open si Rufa Mae pagdating sa kanyang lovelife, bakit ngayon ay very secretive siya?
"E, kasi, napagod din ako sa kaka-share. So, para wala nang involved, ako na lang," paliwanag niya.
Happy naman siya?
"Oo naman, super-happy kami. Parang this time lang, gusto ko munang sarilinin."
Natawa naman ang mga entertainment press kay Rufa Mae when asked kung ang boyfriend ba niya ay isang negosyante or politician. Aniya, "Jack of all trades!"
Dagdag niya, "Pinoy na may halo rin na Kapampangan din."
Kahit daw ang mga kasamahan niya sa Showbiz Central ay hindi pa rin daw nami-meet ang kanyang non-showbiz boyfriend.
"Hindi pa... Dapat one time, kaya lang, kung saan-saan kami napunta. Pero meron naman nang mga naka-meet sa kanya, mga close friends."
Gaano na sila katagal?
"Matagal na 'to. Di ba, dati pa, dati pa kaming magkakilala?" aniya.
Parang binawi niya ang sinabi niya noong lie-low na siya sa showbiz dahil magse-settle down na siya?
"Well, unang-una sa lahat, hindi naman talaga kailangang sabihin yun. Na-excite lang ako masyado," sabi niya.






Talaga bang mahirap na ang buhay sa atin - at dumarami na sila?? Ang masama pa nito - parang they dont seem to mind the reputation they get basta pera ang kapalit...
=================
tanong ko lang, si mikey ba kapangpangan?
Ang sakit yata noon.
Trulili, nkita ko rin siya sa Vegas,kasama si mekeni Congressman MA.