"As a colleague and bilang kaibigan... Kasi friends naman kami ni Hayden, wala kaming bad na anything or ano na tampuhan niyan. Kapag nagkikita nga kami sa Rockwell or kung saan man, nagkukumustahan kami. Bilang isang doktor, as a colleague, nalulungkot din siyempre ako sa nangyari, of course, as a friend and as a colleague.
"Kasi alam ko naman ang pinagdaanan ni Hayden, kung paano mag-aral at magtapos bilang isang doktor. Kaya yung nangyari, ang sakit nun. Hindi biro ang hirap para makatapos ng pagdo-doktor kaya nakakalungkot. Alam kong masakit yung nangyari sa kanya," saad ni Dr. Calayan.
Sa tingin ba niya, tama ang naging desisyon ng Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalan ng lisensiya si Hayden dahil sa sex video scandal na kinasasangkutan nito?
"Hindi ko masabi kasi hindi naman ako ang nag-judge. I mean, hindi ko alam kung ano ang mga naging basis nila, so I cannot speak about that."
Sa tingin ba niya, may nilabag si Hayden bilang isang doktor?
"Alam mo, madalas kasi wala ako dito kaya hindi ko alam ang mga detalye ng lahat ng mga nangyayari," iwas ni Doc Manny.
Lately kasi, madalas ay nasa U.S. si Dr. Calayan para asikasuhin ang branch ng kanilang Calayan Surgicentre sa Beverly Hills.
"Kakakarating ko lang, hindi ko alam ang lahat ng mga nangyari kaya ayokong mag-comment."
Kahit sa napabalitang (muling pagtatangkang) pagpapakamatay diumano ni Hayden ay ayaw magkomento ni Dr. Calayan dahil hindi naman daw niya alam kung totoo yun o hindi.
Kung hihingan siya ng advice ni Hayden, ano ang sasabihin niya dito?
"Ano ba ang sasabihin ko... E, hindi naman siguro ako hihingan nun ng advice, e."
If ever?
"Ano lang naman kasi 'yan, pinaka-safe na yung sundin or gawin lang yung Hippocratic Oath, basta 'yon lang. Iyon lang, pag ginawa mo yun, walang problema... Sa lahat ng doktor 'yan, hindi lang kay Hayden, para sa lahat 'yan ng mga doktor."
Ayon sa Wikipedia, ang Hippocratic Oath ay "an oath traditionally taken by doctors swearing to ethically practice medicine."
Parehong naging contestants sa first season ng Celebrity Duets sina Doc Manny at Hayden.






baket kaya daming lumabas na balita na Dra. Pie is in hiding coz na-disfigure ang face nya?
Can someone pls clarify this?
Thanks
babalik sya sa GMA 7!!!
XYEMPRE MAY ENCANTADIA pa xya!!!
kaya si KARYLLE NA umalis!!! HINDI SYA kawalan NG 7.. kawalan NYA NA HINDI SYA masasama sa mga REYNA NG ENCANTADIA!!!! hehe
tapos baka si MARIAN pa pumalit!!! SAKIT NUN!!!