Kamakalain ay may ginawa raw masamang biro ang Vice Mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista sa isang social gathering. Tinawag daw niyang "tamad" at "walang nagawa" sa kani-kanilang distrito sina Konselaha Aiko Melendez ng District 2 at Lala Sotto ng District 3.
Pulitika ang puno't dulo ng hidwaan, ayon sa mga nakakaalam, lalo na sa pagitan ni Aiko at ng Vice Mayor na popular sa pangalang "Bistek," ang palayaw na nakuha niya noong siya'y nag-aartista pa. Direktang magkakabanggaan sina Aiko at Bistek sa darating na halalan.
Si Herbert ay tatakbo para mayor sa ilalim ng Liberal Party, at si Aiko naman ay tatakbo para vice mayor sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino, kung saan ang kanyang running mate para mayor ay si Congressman Mike Defensor.
"I'm still considering na ka-industriya ko siya [Herbert]," sabi ni Aiko. "Hindi man kami magka-ticket, I will run my campaign as individual na I'll focus on my campaign. Hindi ako yung kampanyang pang-bulok na maninira na personalan...
"When I heard that I felt bad. So ngayon I'm triggered na. Kung hindi naman ako kinanti nang ganito, hindi ko papakita ko sa inyo ang mga proyekto at meron akong ginawa sa Kyusi...
"Hindi ako 'ma-tarpaulin' na tao, na left and right, 'Ay, si ganyan may picture.' I will let my people speak for itself na, 'Ay, si Konsehala, sa budget niyang yun may dalawang multipurpose hall na pinapagawa, 'Ay, si Konsehala, sampung kalye na pala ang napagawa niyan...' These are actual projects, ha, not ghost projects," pahayag ni Aiko.
BAD JOKE. May pinag-awayan ba sila ni Vice Mayor Herbert?
"Wala nga, e... Kaya nga nagtataka ako kung bakit may mga birong hindi naman nakakatawa, e. Ang biro may hangganan. Kapag nakakasira ka ng kredibilidad ng tao at pangalan... nakakasakit ka na, hindi na magandang biro yun.
"Kasi ako, kung gusto ko lang gawing biro ito, sasabihin ko sa kanya, 'Vice, saan ba napupunta every year yung P300 million na budget?' Kung gusto niya ng ganun, yun, itanong ninyo sa kanya yun.
"Ako, maipagmamalaki ko na may proyekto ako. Magugulat kayo na sa liit ng budget ko na yun, may multi-purppose hall ka na dalawa na pinapagawa and to think na ang district ko is the biggest in Quezon City... Hindi naman ako si Superman na magagawa ko lahat ng problema nila. But sa akin, I see to it that I do my job."
ODD COUPLE IN CITY HALL. Paano kung sila ni Herbert ang manalo? Paano sila magkakatrabaho?
"I can set aside naman whatever I'm feeling right now, e. Di ba, sabi nga nila time heals all the wounds. And for politics and for public service, I'm willing to set aside that. Pero let's handle our campaign not on personal attack. Let's handle the issues in Quezon City and let's find a solution. Hindi yung titirahin mo ako nang personal kasi hindi naman kita tinitira nang personalan.
"In fact, if eventually he becomes mayor, I will support all his projects but I will make it a point na being the vice mayor of Quezon City, I will ano, make my own identity and not only as a shadow of the mayor. Ako, magkakaroon ako ng proyekto ko na sarili ko, na makikita ninyo talaga na from vice mayor Aiko Melendez. Hindi yung nakakabit lagi sa mayor lang."
Hinarap din ni Aiko ang tsismis na may ghost employees siya.
"Patunayan nila. Ako, I have all the documents there... Hindi ako makakatingin sa inyo nang diretso kung wala akong ginawang proyekto, wala akong sinusuwelduhan na mga tao... It's a public document. You can easily get that in COA [Commission on Audit] whether I had a project or ghost employees...





Wag mo ipagmalaki yang crash course, crash course na yan. Dude, you just crashed and burned. Di ka na lang sana nag react.
Grow up!
puro kaperahan din nasa utak gaya ni aiko
palibhasa kase may lalake binubuhay lols
hindi naman sa kasi artista kaya boba.Relevant naman ang iba. Nagmamalaki ka ng experience,studies and after those struggles and effort you've made... ganito ang remarks mo. sorry QC, your soon to be VC is just a cutie with big toungue
at sna mtalo lhat ng artista na gustong tumakbo gya ni bong r.
useless lng puro yabang!