Marian Rivera denies humiliating a fan in Japan

Rose Garcia
Sunday, December 13, 2009 @ 09:22PM  |  104783 views

 

While on a promotional tour in Japan for Darna, Marian was supposedly presented with three magazines by a fan, one of which featured boyfriend Dingdong Dantes and his Stairway to Heaven co-star, Rhian Ramos. Marian was allegedly rude when she refused to accept the magazine with Rhian on the cover. Witnesses were quick to rush to her defense.

 

Photo By: Courtesy of GMA-7













Tulad noong nakaraang taon, muling nagbigay ng Christmas party sina Marian Rivera at Dennis Trillo at ang manager nilang si Popoy Caritativo para sa ilang miyembro ng entertainment press.  Isang paraan ito ng pasasalamat nina Marian at Dennis sa ibinigay na suporta sa kanila sa buong taon at pagbabahagi na rin ng mga blessings na natatanggap nila.

Masayang natagpuan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa Annabel's restaurant kunsaan idinaos ang press party kagabi, December 12, dahil kare-renew lang daw ng halos lahat ng endorsements niya. Isa sa binanggit niya ay ang SM Residences.

Ngiti lang ang isinagot ni Marian nang may nagbirong may bago na naman siyang condo unit.

"Siguro wala naman taong wala nang kulang, pero masaya ako, maayos naman lahat. So, masaya ako sa lahat ng nangyayari sa akin at sana sa susunod na taon, magtuloy-tuloy lang," sabi niya.

Posible raw na nasa bahay lang siya sa araw ng Pasko, kasama ang pamilya niya.

"Siyempre, kapag Pasko naman, alam naman nating lahat na 'yan ang time for family na magkasama-sama. So ako, siguradong sa bahay lang, kasama ko lola ko, mama ko, family ko."

ALL SHE WANTS FOR CHRISTMAS. Ayaw nang magbigay ng plano ni Marian kung kailan naman daw sila magkikita ng ama niya.

"Last year sinabi ko rin 'yan, kaso naudlot, e. So kapag nangyari na lang, ise-share ko sa inyo... Pero mas malabo na siya ang makauwi rito, mas may chance na ako ang magpunta sa Spain. Kakatayo lang niya ng bagong restaurant. Hindi niya maiiwan talaga."

At kung sakali ngang makahanap ng time si Marian na mapasyalan ang ama niya, malaki ang posibilidad na kasama raw ang rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

"Sabi naman niya, kung pupunta raw ako, gusto raw niyang sumama. Alam niya kasi na yun din ang pinakahihiling ko sa buhay ko, ang magkita kami ng papa ko. So, gusto rin siguro niyang maging bahagi siya nun, na nandun siya."

Naikukuwento raw niya sa papa niya si Dingdong.

"The usual... yung tipong, 'Special siya sa akin, sana ma-meet mo siya. Kasi palagi siyang nandiyan para sa akin. Pinoprotektahan niya 'ko. Happy ako sa kanya.'"

Nagkausap na ba ang dalawang lalaking masasabing malapit sa puso niya ngayon?

"Minsan naririnig niya papa ko [sa telepono], ibinigay ko sa kanya. Kaso, natatawa siya [Dingdong] kasi hindi niya maintindihan. Marunong din namang mag-English si Papa, pero barok-barok talaga. Literally merong Tagalog, me Spanish, mix-mix na siya."

NO GIFT YET FOR DINGDONG. Ilang araw na lang at Christmas na. Nakaisip na ba siya ng Christmas gift para kay Dingdong?

1  2  3  Next »

Related Articles

757 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name