Hindi itinatanggi ni Mart Escudero na pagkatapos nilang mag-break noon ni Jennica Garcia ay sinubukan niyang muling ligawan ang dating girlfriend.
"Pareho naman naming sinubukan, pero yun nga, hindi na rin siguro kinaya, or mas maraming ibang bagay na importante na mas dapat unahin. Ganun yung nangyari," sabi ni Mart nang makausap siya ng PEP sa press conference ng Shake Rattle and Roll XI last Sunday, December 13.
Pero noong sinubukan ba niyang ibalik yung dati nilang samahan ay tinanggap ito ni Jennica o hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon?
"Siyempre, tinanggap niya. Wala namang negatibo sa aming dalawa. Maayos naman siya," sagot ni Mart.
Ano ang pakiramdam niya na magkasama at magkatabi sila ni Jennica, tulad na lang noong presscon?
"Okay naman, wala namang bago. Matagal namang nangyayari ang mga ganito. Okey naman, masaya pa rin," sabi niya.
Pero inamin ni Mart na magiging plastic siya kung sasabihin niyang wala na siyang nararamdaman para kay Jennica.
"Siyempre, nandoon pa rin yun, pero siguro hanggang dun na lang yun. Yung pagkakataon noon, hindi ko naman sinayang. Pero kung hindi naman ipagkakaloob ng Diyos, nandiyan na yun, Siya na ang bahala sa amin."
Marami raw siyang nami-miss sa ex-girlfriend ngayong wala na sila.
"Kukulangin tayo ng limang oras!" natatawang sabi ni Mart. "Hindi, marami... marami. Siyempre, malambing siya, mabait, maasikaso. Siyempre, sa mga araw na ako lang mag-isa, parang yun lang ang hinahanap-hanap ko."
JENNICA & RAYVER? Pareho sila ni Jennica na consistent sa pagtangging magsabi ng real reason kung bakit sila nag-break. Pero ayon kay Mart, definitely raw ay walang third party involved. Kaso, may isyung nanliligaw o may namamagitan kina Jennica at sa Kapamilya talent na si Rayver Cruz, na kasama rin nila sa Shake, Rattle & Roll XI.
Ano ang reaksiyon niya rito? Nagseselos ba siya?
"Hindi, kasi... 'saka wala naman akong dapat ipagselos. Alam ko naman ang mga nangyayari. Siyempre, itong showbiz, alam naman natin na may mabalita lang na ganito, sasabihin nila ganyan. Sanay na 'ko," ani Mart.
Sa palagay ba niya ay hindi totoo yung kina Jennica at Rayver?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
15 princess_18yahoocom
14 nxtbase
sino kaba????? harap ka muna salamin bago ka satsat!......ek! ek!
13 t_e_s_s_a
12 elizabethramsee
11 geraldethel
10 beall
he's really a good actor..
Anyway, that's true uncle ni Mart si Chiz, coz' nung birthday niya, nag greet si Chiz at may naka lagay na Mart's uncle.
9 mac_guy_ver
8 model_beauty
wala ka bang sariling identity MART?
dont rely on Jennica kung gusto mo mag stay sa showbiz!
kaya ka lang naman may project dahil package deal ka kay marian and dennis trillo because of your manager POPOY! magpasalamat ka!
7 winadoo
6 ericksonmanuel
5 elizabethramsee
4 dreamer
3 blue_butterflybelle
2 luvko2
1 kagandahantalaga