Laking pasasalamat ni Zoren Legaspi kay Mother Lily Monteverde dahil dalawa ang regalo niya mula sa big boss ng Regal Films ngayong Pasko.
Una, ang partisipasyon niya sa Shake, Rattle & Roll XI, kung saan gaganap siya bilang asawa ng dating kasintahan na si Ruffa Gutierrez. Pangalawa, kasama rin siya sa Mano Po 6 bilang asawa ni Kris Aquino. Parehong official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival ang dalawang pelikula.
"Matagal din na wala akong pelikula na ginawa kaya blessing sa akin this Christmas na kinuha ako ni Mother [Lily], at nakagawa ako ng movie sa kanya—hindi lang isa, dalawa pa," masayang bungad ni Zoren sa presscon ng Mano Po 6 na naganap kagabi, ika-15 ng Disyembre, sa Imperial Palace Suites.
Anu-ano pa nga ba ang mga ipinagdasal niya sa taong ito?
"Ano lang...nagpapasalamat lang ako sa buong taon na walang naaksidente sa amin, nakakakain kami three times a day, minsan four times pa nga, e. Kaya yun, medyo blessed kami for the past ano, e...Basta simula nung pumasok yung kambal, wala akong naging problema sa sarili ko, ganun din si Carmina [Villarroel, mom of his twins.] Kaya mapapansin ninyo na wala kaming kaintri-intriga...Happy lang kami to be together," nakangiting pahayag ng aktor.
CARMINA GOING BACK TO ABS-CBN? Kasabay ng pagpo-promote ni Zoren para sa dalawang entries niya sa napipintong MMFF, nabanggit ang balitang pagbabalik ni Carmina sa ABS-CBN.
"Ano kasi 'yan, e. May mga offer kasi both sides [networks]. Isa itong pagpapatunay na meron pa silang nakikita kay Carmina. That's maybe the reason kung bakit may offer left and right.
"Pero pinag-iisipan kasi 'yan, e. Hindi lang basta pera. Kung saan ka siyempre masaya, kung saan ka komportable, ayun...kung alin ang mas makakabuti," paliwanag ng 37-year-old actor.
Nang usisain namin kung napag-usapan na ba nila ito ni Mina (palayaw ni Carmina), aniya, "Ako rin naman ang nagde-decide, e."
Siya na ba ang bagong manager ni Carmina?
Ang sagot ni Zoren, "Hindi, si Tita Dolor [Guevarra] ang manager niya. Pero at the end of the day....Hindi muna sa akin, si Tita Dolor muna, well, final opinion...Ako yung pinaka-final opinion with regard to any matter, kahit commercial niya. Ako pa rin ang final say.... But marunong naman si Tita Dolor, normally, kung ano ang desisyon ni Tita Dolor nag-se-second the motion ako kasi may nakikita akong tama naman."
May balita rin na hanggang December 31 na lang daw ang morning show ni Carmina with Gelli de Belen and Janice de Belen, ang SiS.
"Well, it's ano...It's still a rumor," ang mabilis nitong sabi. Dugtong niya, "It's still a rumor, kasi ang SiS, marami nang na-knock out, e. They're there for seven years."
Napag-uusapan daw ang pagkawala nito sa ere, pero "it's a still a rumor kasi, hindi pa guaranteed na wala. Wala naman, e..."
Kung rumor lang iyon, paano ito nagsimula?





bakit rumaket mag-isa si lloydie? matindi ba pangangailangan?
di ba sumweldo? heheheheheh! paano ako naging loser eh di naman ako ang na-deny entry.baka si john lloyd ang loser!or ang nagpapasweldo sa kanyang kapams network,walang pondo. hahahaha!!
I think the fact na wala silang exclusive contract eh, medyo i-na-anticipate na nila ang pag lipat ni Clau.
Wala naman kayong narining na maaanghang na salita sa executives di ba? Kasi they don't burn their bridges. Para in the future pwede pa ring magkaroon ng working relationship.
..
..sobra ata ang natanggagp mong bonus baka nmn 15mons ung natanggap mo...
..OMG! talaga ang mga pinagsasabi mo..kahit si DD ang compare mo kay JLC lamang na lamang si JLC pagdating sa lahat ng matatawag mo sa showbiz...OMG ka magsalita..
..
..panget mo siguro sa personal at insicure ka lang kay JLC!
at ung bout ke jolina..sa totoo lng maraming mas magaling at magaganda sa ABS..mas bata at mga talented ...kng ako sa knya mag stay na lng cya sa GMA kc jan wala cya masyadong kalaban..eh sa kbila andami daming mas bata..bkit pag lumipat b cya sa kbila maibabalik ung kasikatan nya?malabo na un..hnd nman n cya pede sa loveteam nho..khit serious actress malabo na...my juday..tin-tin dun..isama mo pa cna maja..bea..well opinion ko lng toh ha...
..
..walang pera..baka ikaw un!
..kung walang pera ang ABS BAKIT hanggang ngaun eh tumatakbo pa ang mga campany nila...
..wala ka bang maisip na ibang dahilan..comment ka lang pero ung mga comment mo eh alam mo nmng WALANG KATOTOHANAN....LOSER!