Zoren Legaspi on negotiation with big networks regarding Carmina's next project: "Kung sino na lang ang mauna..."

Trisha Alvarez
Wednesday, December 16, 2009 @ 08:48PM  |  125 views

Carmina Villarroel's rumored transfer to ABS-CBN started a few months ago. A source told PEP (Philippine Entertainment Portal) that her friendship with SiS co-host Gelli de Belen was one of the reasons why it didn't materialize.

 

Fast forward to December 2009, Zoren Legaspi (in photo)—the dad of Carmina's kids—admitted that negotiations are underway and both offers seem lucrative. But there's no decision yet. "Napakahirap," he said.

Photo By: Noel Orsal













"Hindi ko alam," ang sagot ng daddy nina Maverick at Cassie. "Pero baka palitan lang yung  oras. Puwede rin siyang mawala. So, until now, lahat nasa negotiation table pa rin."

Gaano katotoo ang balitang inalok daw si Carmina ng isang talent show kapalit ng SiS pero hindi niya tinanggap?

Medyo safe ang sagot ni Zoren: "Hindi pa kami tapos mag-usap ni Carmina, e. Yeah, nag-uusap kami tungkol diyan. Yun ang hirap talaga. They're [ABS-CBN and GMA-7] offering both good shows, good projects, good opportunity. Napakahirap talagang mag-desisyon. Normally ang talagang...kasi, mahirap magkamali, e. Hindi porke lumipat ka, it's the right move. It can be a bad move."

Ano na ang status ng negosasyon?

 "Kasi nagbabago araw-araw. May mga pagbabago araw-araw. Pero kami, wala naman, e...Wala namang nagmamadali.  Wala namang expiration date. Wala namang kontratang mag-e-expire....," sabi ni Zoren.

But what about the network na may deadline rin para makuha ang "oo" nila sa proyekto?

"Wala naman, kasi ever since si Carmina, maraming offer 'yan, e—left and right—because she's a very talented artist. Puwede siyang mag-talk show, puwede siyang mag-drama, puwede siyang mag-comedy, sitcom. So, napaka-versatile niya," ang tinuran niya nang may kaakibat ng pride.

Pero hindi raw nakadepende sa klase ng show o proyekto ang desisyon nila ni Carmina. Aniya, "It's not the opportunity, e, it's the importance na nabibigyan siya."

KIDS GOING SHOWBIZ? May mga usap-usapan na yung offer daw ng ABS-CBN ay naka-pakete ang kambal nila ni Mina, pati na ang pagdi-direk ni Zoren. Sa mga nauna nitong interbyu sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XI, nabanggit niyang kung sakaling mag-aartista sina Cassie and Maverick, gusto niyang siya ang magdi-direk. Magiging factor ba ito sa desisyon na gagawin nila?

"Well, isa yun sa mga dream ko talaga—it's either kasama ako sa show or ako ang magdi-direk ng show. So, ganun yung, well, ang ano naman, e...I don't want to call it na package deal. Kasi wala namang nagpa-package  deal, e.

"Nagkakataon lang na gusto nila ang family namin.  For example, sa  mga commercial, wala naman 'yang negotiation na kapag kasama ang kambal, kasama ang nanay. Pagkatapos kasama yung nanay, kasama yung tatay, walang ganun...Lagi ang offer, buong family agad. 

"Kasi you know, they feel safe dahil ang family namin nakikita nila na very intact, very close, very happy, so, kami walang tinatago, walang intriga sa katawan  namin, clean living, yun ang nagugustuhan nila. So, nagkakataon lagi kapag may kinuha, nakukuha yung buong team," paliwanag ng anak ng beteranong aktor na si Lito Legaspi.

Okey lang ba na pakyawin ang pamilya niya sa isang show?

"Wala naman. Okey din sa amin," nakangiting sabi niya.

Ibig sabihin ba nito ay may posibilidad na tanggapin nila ang offer ng ABS-CBN?

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

124 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name