Masayang nakipag-bonding with her friends na entertainment writers ang magandang anak ni Dra. Vicki Belo na si Cristalle Henares sa Music 21 kamakailan. Nakipagkuwentuhan si Cristalle at nabanggit niya kung bakit wala siyang boyfriend hanggang ngayon.
"Nag-umpisa yun nung nagpunta kami nina Willie [Revillame] sa Las Vegas nung 2007, September. 'Tapos, yung mga kabarkada niya, ni Kuya Willie, talagang inaano ako, sinasabi nila, 'Huwag ka nang mag-boyfriend.' Alam mo naman, mga B.I. [bad influence] 'yan, e. 'Ang bata-bata mo pa. Dapat hindi ka dikit sa isang lalaki. Kailangan mag-date ka pa ng ibang boys.'
"E, pagbalik ko, four years na rin kami nung guy, matagal na rin. So, pagbalik ko nag-break kami ng boyfriend ko. So, kanina nagpunta ako sa Wowowee. Tinanong ako ni Willie, 'O, sino'ng boyfriend mo?'
"Sabi ko sa kanya, 'Alam mo, Kuya Willie, wala pa akong boyfriend dahil sa inyo. Kasi nung 2007 sinabihan ninyo ako. Ako naman, nakipag-break ako. Kaya since 2007 wala pa akong boyfriend.'
"Last boyfriend ko matagal din kami. Pero hanggang ngayon close pa rin kamin ng ex-boyfriend ko. May communication pa rin kami. So, puwedeng magkabalikan. Nagtayo rin siya ng company. So, naging stress sa kanya yun. Sabi niya, 'Mas okey na rin na hindi tayo together. Kasi hindi ko mabibigay sa 'yo yung full attention.' Nagwe-website siya, gumagawa siya."
IN PAPI SHE TRUSTS. Impluwensya rin ba ni Willie na makipag-break ang kanyang ina na si Dra. Vicki sa dati nitong boyfriend na si Hayden Kho?
"Oo, kilala mo naman si Papi, lahat ng mga babae, gusto niya walang boyfriend, ganyan-ganyan. Kapag may dinadala kang boyfriend, kunyari, bibisita ka sa Wowowee, nagseselos yun."
Nadala rin ba noon ni Dra. Vicki si Hayden kay Willie?
"Hindi, never. Kaya hindi siya dinadala doon ni Mommy," sagot ng dalaga.
Sa takbo ng pananalita niya tungkol kay Willie, mukhang naniniwala talaga siya sa Wowowee host.
"Oo, nakikinig ako. Good girl ako. Ang tagal ko nang walang boyfriend, 'no? Okey lang yun. In God's time dadalhin Niya yun sa akin."
THE YOUNG ONE WITH MOM. Hindi ba sila nung escort ni Dra. Vicki sa Star Awards for TV?
"Hindi. Friends talaga kami ni John David Young," mabilis na sagot ni Cristalle at pagpapakilala na rin sa lalaking kasama nga ng mommy niyang beauty surgeon. "Kasi yung mommy niya, 'Young', yung daddy niya 'Cruz'. Ginagamit nya yung 'Young' para may American citizenship. Model siya, 'no, kapatid siya ni Ira Cruz [gitarista ng bandang Bamboo]. Friends lang kami at meron siyang girlfriend. Ano lang talaga, nasa Bukidnon ako nung Star Awards. Hindi ko kasama si Mommy.
"Kumakain kasi kami nung time na yun. Sabi ko kay Mommy, hindi ako makakapunta sa Star Awards. Nagpaalam ako na pupunta ako sa Bukidnon. 'Tapos, ayun, 'andiyan si John, 'Samahan mo naman si Mommy, o.' Para walang malisya."
Hindi sila mag-boyfriend?





Ang guwapo din, saka ang bata, mukang mas bata pa kay Hayden.
forgiven mo na si hayden ibig sabihin lang ok sayo ang panloloko ni hayden sa mommy mo .pangotot ng pera,pagdala ng babae videoan ni hayden sa condo ni vicki,pagsira sa pangalan ni vicki dahil k hayden.nako day kakahiya na gawain ng mommy mo sabihin mo sa mommy mo wag ng ma g lan di matanda na siya kakadiri.
Now Crystalle has grown to be a more sophisticated swan. Hope those siblings won't change by the kind of showbiz environment they are in now.
at kng ikaw ang nsa kalagayan ni katrina..madali mo kyang masasabi n patawarin c hayden..khit kasalanan n kath n nkiapid cya sa mommy mo pero ung katotohanan n nakita ng buong mundo ang scandal n un..tingin mo ganun kadaling lumimot ang tao..hanggang mamatay cya..ultimo kaapo apuhan nya dala nya ang batik na un..sau kya gawin un..
sabi mo bigyan ng second chance c hayden..bkit pra sa mommy mo ayaw mo..dahil alam mo ang totoong kulay n hayden..kya ayaw mo na magkabalikan pa cla..
sinasabi nya mukha naman daw remorseful si hayden at bigyan daw ng second chance. so how come ayaw pa rin nya kay hayden for her mom. there must be a reason. alam na alam nya kung ano at sino si hayden