Pinaiimbestigahan ni Sen. Bong Revilla Jr. kay Senior Superintendent Alfred Corpuz ang diumano'y cover-up sa insidente na nangyari noong December 3, 2009, sa Lalaan 2nd, Silang, Cavite na kinasangkutan ni Hayden Kho Jr.
Si Sr. Supt. Corpuz ang provincial director ng Cavite at siya mismo ang nagkumpirma kay Bong na totoo ang sinasabi ng mga residente ng Silang na tumulong kay Hayden nang matagpuan ito na wala sa sarili sa taniman ng mga pinya, isang pangyayari na itinanggi sa Showbiz Central staff ng mga pulis sa presinto ng Lalaan 2nd.
Sa interview ng Showbiz Central, sinabi ng mga pulis na walang insidente na nangyari dahil hindi ito nakalagay sa police blotter.
Nagdamdam ang mga saksi sa pahayag ng mga pulis dahil lumabas na nagsisinungaling sila. Ang mga pulis ng Lalaan 2nd precint ang tinawagan ng mga saksi para matulungan sila na dalhin si Hayden sa Estrella Hospital, General Emilio Aguinaldo Highway, Silang, Cavite.
Hindi lamang ang mga pulis ang nag-deny dahil sa guesting ni Hayden sa Tweetbiz ng QTV 11, pinabulaanan din niya ang insidente. Baka raw ibang Hayden ang sinasabi ng mga saksi na nakapanayam ng Showbiz Central.
Ang isyu tungkol sa denial ni Hayden at ng mga pulis ang sinagot ni Bong Revilla sa presscon kanina ng Ang Panday, ang pelikula na kanyang pinagbibidahan at official entry ng GMA Films at Imus Productions sa 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF).
HAYDEN IS LYING. "Idinenay ba ni Hayden? Sa madaling-salita,he's lying! Kausap ko yung provincial director ngayon lang at sinasabi niya na may nangyari na ganoong insidente. So,merong ganoong insidente at huwag niyang palabasin na sinungaling ang mga kababayan ko sa Cavite," nanggagalaiting lahad ni Senator Bong.
"Yun nga ang paiimbestigahan natin ngayon. Katulad ng nagkakaroon ng cover-up. Bakit, what for?
"At kung wala naman dapat itago, bakit kailangan itago? Yun lang ang puntos natin diyan. Ako, nothing personal. Ako naman, naka-focus sa kaso ni Katrina Halili at yung mga nabiktima ni Hayden. This is a different case. Kumbaga, nothing personal sa pangyayari na 'to pero huwag naman nating gawing sinungaling yung mga tao na nandoon.
"Bakit kailangan nila na itago? According sa provincial director, totoong may ganoong insidente," patuloy pa ng aktor na tubong-Cavite.
PRC'S RIGHT DECISION. "Sa tingin ko, tama ang naging desisyon ng PRC (Professional Regulation Commission ). Siguro, lalong naging masama kung ang naging desisyon ng PRC, e, absuwelto siya, hindi siya tinanggalan ng lisensya.
"Mas masama ang magiging tingin sa PRC kung hindi siya natanggalan ng lisensya. So, sa pangyayaring 'yon, sa mata ko, sa mata ng lahat ng tao, dapat lang siyang tanggalan ng lisensya.
At yung kaso sa kanya, hintayin natin ang sentensya ng husgado. Nasa korte na yan, naka-file na yan. Harapin niya 'yan," pahayag pa ni Senador.
Sinagot din ni Bong ang pahayag ni Atty. Lorna Kapunan, ang legal counsel ni Hayden. Sa recent interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kapunan, ikinuwento nito ang kanyang nabalitaan na na-pressure diumano ang PRC na i-revoke ang medical license ni Hayden dahil sa diumano'y banta ni Bong na 1-peso budget para sa nabanggit na government agency kung hindi babawiin ang lisensya ng kontrobersyal na doktor. (CLICK HERE to read article)
"Yung pressure na sinabi nilang 'yan, minsan may binitawan na salita na kung hindi nila gagawin yung trabaho nila ng tama, dapat nga na bigyan sila ng piso budget.






Regarding: PLS. CALL THE ATTENTION of S.S.S./ Phil.Health./ Pag-ibig /D.O.L.E. /B.I.R. AND PRESIDENT BENIGNO AQUINO III
IMPORTANT!!! IMPORTANT!!! PLEASE HELP US!!! PLS HELP US!
ATTENTION HEAD OFFICE OF S.S.S.!!
Ang Agency n FIRST PACIFIC MANPOWER,with tel. 6366880 amp; Located at 6Floor,Unit 607 Cityland Shaw Tower Mandaluyong City and owned by MS. ANABELLE C. ALVARO ay hindi p din po kami hinuhulugan ng contribution sa S.S.S. 27 Months n po or two years amp; three months n.pero panay n panay lang po ang kaltas. at un panahon n may hulog ay wl naman po s tamang bracket or underpay pa po.nagsampa n kmi ng kaso s sss mandaluyong branch pero until now wl p din nangyayari.PATAPOS N PO ANG CONDONATION PROGRAM PERO UNTIL NOW AY PANAY LANG ANG KALTAS. PERO DI KAMI HINUHULUGAN S S.S.S. KAWAWA NAMAN PO KAMI AT WL KAMI MAASAHAN N BENEFITS. PLS. PAKI-TUTUKAN O BIGYAN NG PANSIN ANG KASO N
Regarding: PLS. CALL THE ATTENTION of S.S.S./ Phil.Health./ Pag-ibig /D.O.L.E. /B.I.R. AND PRESIDENT BENIGNO AQUINO III
IMPORTANT!!! IMPORTANT!!! PLEASE HELP US!!! PLS HELP US!
ATTENTION HEAD OFFICE OF S.S.S.!!
Ang Agency n FIRST PACIFIC MANPOWER,with tel. 6366880 amp; Located at 6Floor,Unit 607 Cityland Shaw Tower Mandaluyong City and owned by MS. ANABELLE C. ALVARO ay hindi p din po kami hinuhulugan ng contribution sa S.S.S. 27 Months n po or two years amp; three months n.pero panay n panay lang po ang kaltas. at un panahon n may hulog ay wl naman po s tamang bracket or underpay pa po.nagsampa n kmi ng kaso s sss mandaluyong branch pero until now wl p din nangyayari.PATAPOS N PO ANG CONDONATION PROGRAM PERO UNTIL NOW AY PANAY LANG ANG KALTAS. PERO DI KAMI HINUHULUGAN S S.S.S. KAWAWA NAMAN PO KAMI AT WL KAMI MAASAHAN N BENEFITS. PLS. PAKI-TUTUKAN O BIGYAN NG PANSIN ANG KASO N
magiging no.1 ang PANDAY kasi maganda nag pagkakagawa at ang market nito ay mga bata na wala pang pakialam sa mga madadramang nandito. mag-enjoy muna tayo sa PANDAY ngayong PASKO!
GOOD JOB SENATOR REVILLA.. AND GOODLUCK SA PANDAY..
oisst...nagbabasa ka ba? FYI...kaya nagagalit si Senator Bong sa incident ng kay hayden kasi dndeny nya yung nangyari sa cavite, ginagawa kasi ni hayden na sinungaling ang mga kababayan nya...yung kay Richard G naman eh wla naman pagddeny na nangyari so bkit sya magagalit...naku, halata naman na may personal lang kayo na galit kay Bong...naiinggit lang kayo kay Senator!!!
Sen. Bong, wag mo na lang pansinin ang mga taong ito, sadyang walang alam kundi ang manira lang ng kapwa ang alam nila...tsk tsk tsk...
hindi porke't binibigyan nya ng pansin si hayden hindi ibig sabihin wala na syang ibang ginagawa sa gobyerno.. isa lang to sa maraming nyang kayang gawin.. kung hindi kayo pabor sa ginagawa nya eh hindi lahat ng tao katulad nyo mag isip..mga makikitid ang utak..mga katulad nyo ang mga taong nasa panahon ni JESUS.. walang ibang alam gawin kundi punahin ang ibang tao..punahin ang isang taong gumagawa ng mabuti sa kapwa.. mga hindi nasisiyahan at naiinggit sa kayang gawin ng ibang tao..mahiya naman kayo!! tama ka artistahin ka ba..susuportahan si SENATOR BONG ng mga taong naniniwala sa kakayahan nya bilang senador at bilang MABUTING TAO.