Cristine Reyes admits sending hate text message about Heart Evangelista before

Glen P. Sibonga
Friday, December 18, 2009 @ 12:14PM  |  97031 views

 

"FYI [for your information], nung time na yun kami pa [ni Dennis] noon, di ba? So, may karapatan talaga ako. Pero ngayon wala na kami, wala na akong karapatang gawin yun. Kaya hindi totoong ako yung nagte-text ngayon," says Cristine Reyes about the hate text message she sent to Rufa Mae Quinto about Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal













"At least klaro," nalinawang sabi ni Cristine. "E, kasi nakakairita yung isyu. Matagal na nga kasi. Ang alam ko, okay kami. Parang ang gusto ng mga tao pag-awayin kami. E, okay na nga kami noong magkita kami sa birthday ni Tita Annabelle. Nag-shake hands kami, nag-smile kami sa isa't isa."

Ano ang magiging reaksiyon niya kapag nagkita sila ni Heart ulit halimbawa sa 2009 Metro Manila Film Festival Parade o sa Awards Night? Pareho kasing may entries sa MMFF sina Cristine at Heart. Si Cristine ang leading lady ni Vic Sotto sa Ang Darling Kong Aswang, samantalang kasama naman si Heart sa Mano Po 6 at sa Nobody, Nobody But Juan.

"Okay naman kami. Wala naman akong galit sa kanya o whatever. Okay lang kung magkita kami. Nasa same business kami kaya hindi maiiwasan na magkita kami. Nakakahiya na ito, sobrang naiisyu kami na wala naman kaming ginagawa sa isa't isa."

Ano na lang ang message niya sa mga nang-iintriga sa kanila ni Heart.

"Huwag niyo naman pong pag-awayin ang mga artista, magpa-Pasko na. Okay naman po kami ni Heart," sabi ni Cristine.

Kasama ba sa New Year's resolution niya sa 2010 na hindi na mang-aaway ng babaeng nali-link sa kanyang boyfriend?

"Siyempre, kung foul na yun, bakit hindi mo aawayin, di ba? Pero kung wala naman dahilan para awayin, bakit ko aawayin? Siyempre,  ipaglaban mo rin ang sarili mo. Hindi puwede yung tatahimik ka lang sa isang tabi," sagot ni Cristine.

ANG DARLING KONG ASWANG. Mas gusto ngang pag-usapan ni Cristine ang pelikula niya with Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang, na entry ng M-Zet TV Productions, OctoArts Films at APT Entertainment sa 2009 Metro Manila Film Festival.

Mabait na aswang ang role ni Cristine dito na magiging asawa ni Bossing Vic. Dahil nga mag-asawa sila kaya hindi maiwasang magkaroon ng kissing scene. Nailang ba siya kay Bossing noong kinunan ang eksenang ito?

"Siyempre, kinabahan ako. Kasi bata pa lang ako, pinapanood ko na si Bossing, hinahangaan ko na siya. Nate-tense ako noon, pero hindi ko pinapahalata. Sobrang tahimik lang ako noon. Nakikinig lang ako kay Direk [Tony Y. Reyes]."

Ano ang mga bagay at ugali na hindi niya makakalimutan sa pakikipagtrabaho kay Vic?

"Marami. Kasi first time ko lang siyang nakatrabaho ng ganun katagal and lagi ko pa siyang kaeksena. So, hindi ko makakalimutan yung mga kuwento niya tungkol sa before kung paano sila sa showbiz. Siyempre dahil doon sa mga kuwento niya, may mga matututunan ka rin. Madalas din siyang magbiro. Hindi ko rin makakalimutan kung paano siya makisama sa mga tao."

Nauna nang gumanap si Cristine na aswang sa pelikula niya with Richard Gutierrez na Patient X. Ano ang kaibahan ng pagiging aswang niya sa Ang Darling Kong Aswang?

"Sa Patient X kasi, seryoso siya at saka medyo dark yung story. E, dito naman sa Ang Darling Kong Aswang, asawang ako pero may pagka-comedy. Masaya siyang gawin actually. Hindi nga mahirap gawin dahil wala kaming prosthetics dito, pangil lang. Tapos magga-growl ka lang nang magga-growl. Mahirap nga lang sa boses namin dahil madalas kaming nawawalan ng boses, lalung-lalo na kapag madaling-araw na. Pero at least yun  lang, kaysa sa iba na may prosthetics ka na tapos growl ka pa nang growl, ang dumi-dumi mo pa. Ang hirap lang mag-dialogue pag may pangil kasi pag nagsasalita ako, para akong ngongo."

Ito na ba ang pinaka-wholesome movie na nagawa niya?

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

304 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name