news

Ms. Susan Roces prefers to celebrate special occasions privately

by Glen P. Sibonga posted on December 19, 2009  STATS: 12265 Views | 18 Comments

 

Movie icon Susan Roces is enjoying the challenges of playing a character with senile dementia in Sana Ngayong Pasko. "Not everybody will want to do a story on the life of an old lady. [Pero] very rich yung character, very rich yung emotion. Para sa isang artista, hindi mo sasabihin na ayoko na at mahirap gawin ang isang project na very interesting ang isang character na pino-portray."

 

 

Photo By: Glen P. Sibonga

Noong December 14 ay ginunita ang ika-limang death anniversary ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. na namatay noong 2004. Kaya nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang asawa ni FPJ, ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces kahapon, December 17, sa Paombong, Bulacan, sa taping ng Sana Ngayong Pasko, ito ang agad naming inusisa.

Ano ang naging activities ni Ms. Susan noong araw na yun?

"Well, ako I preferred to celebrate after two or three years... I preferred to celebrate privately. That is how I celebrate. Anything that is special to me, birthday, death anniversary, wedding anniversary, Christmas, akin na lang yun," pahayag ni Ms. Susan.

Bago pa raw sumapit ang araw na iyon ay dinalaw na ni Ms. Susan ang puntod ng asawa. Kaya hindi na raw siya pumunta noong December 14 mismo. Tanging ang anak niyang si Grace ang humarap sa mga tao at media na dumalaw din doon.

"Gusto ko naman paminsan-minsan kami lang kahit wala na siya. Pero nandiyan siya."

May kuwento nga si Ms. Susan tungkol sa kaugnayan ni FPJ sa pagtanggap niya ng Sana Ngayong Pasko.

"Kasi October 28 dinalaw ko siya. Tapos nagtanong ako doon sa caretaker, 'Gigi, nagpaparamdam ba rito si Mr. Poe from the time na namatay siya.' Wala naman po, Ma'am,' sagot sa akin. So, sabi ko, 'Ako rin e, sa bahay wala rin.' Anyway, umuwi na ako... Noong 30th sabi sa akin, 'Ma'am, manood daw kayo ng GMA news, 24 Oras, meron ho tungkol kay Mr. Poe.'

"Yung isang babae na may hawak na portrait... yun naman ang madalas nangyayari doon. Pag naglibing sila doon, dadalaw sila kay Ronnie [palayaw ni FPJ], tapos magkukuhanan sila ng picture. E, siya nakakuha na siya ng picture, tapos bumalik pa siya, kinunan niya ng video. Pagdating niya sa bahay, excited pa siyang ipakita sa nanay niya. ''Nay, di ba fan kayo ni FPJ? Nakunan ko yung libingan niya. Pliney daw niya. Tapos yun nga, may lumabas na image daw sa video. Tapos in-analyze nga nila, di ba?

"Sabi ko, 'Gigi, yun na yata ang paramdam ni Mr. Poe.' After a few days in-offer sa akin itong Sana Ngayong Pasko. Sabi ko kasi, 'Ron, ang lungkot naman. Ang tagal-tagal, hindi ka bumabalik. Ang tagal-tagal kitang hinihintay.' Sabi ko magpapasko na naman, malungkot na naman. Anyway, siguro sabi niya, 'O sige, para huwag kang malungkot keep busy.' At dumating na nga itong Christmaserye," mahabang kuwento ni Ms. Susan.

ENJOYING ACTING AGAIN. Nag-e-enjoy daw si Ms. Susan sa taping ng Christmaserye, na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad. Kaya nga kahit malayo ang location nila sa Paombong, Bulacan, ay walang complaint si Ms. Susan. Ginagampanan niya rito ang pangunahing role na si Remedios, isang inang gustong buuin ang kanyang pamilya matapos mahiwalay sa kanyang mga anak.

"Talagang ganun naman ang taping ngayon, e. Noong nakaraan sa Antipolo naman kami. Kasi wala naman dubbing dito, live sound. At least, controlled ang noise dito, pati magkakatabi yung mga kailangang location, yung ancestral home, hospital, police station, church. Itong bahay na ito [ancestral home], ang may-ari yung art director ng GMA, si Chito Sumera,"  ani Ms. Susan.

Sinusunod pa rin ba niya ang 12 midnight curfew niya sa taping?

"Ang request is up to 12. Pero kung bitin naman ang eksena, hindi mo naman puwedeng basta iwanan. Kung kakayanin, sige. Kung hindi, yung lighter scenes na lang ang kinukunan."

Hindi niya raw masyadong napapansin ang takbo ng oras at pagod dahil masaya lagi sa set nila.

"Okay, masaya kami, e. Parang dati na ring magkakakilala. Masarap kasama at kaeksena sina Gina [Alajar], Boyet [Christopher de Leon], Dante [Rivero], Eddie [Gutierrez] at saka yung mga bagong artista natin. Yung mga staff mababait at maasikaso. Wala kang poproblemahin."

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  roachan_park

    12/21/2009 | 03:41 AM
    nka2-iyak xa tlga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  truthiefruitie

    12/21/2009 | 12:49 AM
    great acting from the powerhouse cast! thanks gma7 for including tj trinidad in this well worth watching show!keep it up SnP team!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  truthiefruitie

    12/21/2009 | 12:48 AM
    we love this teleserye - yeah they should put this in an earlier spot so that majority can watch it. there's so much lessons to learn here.


    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  jomydiaz

    12/20/2009 | 10:10 AM
    mabuti naman at narealize mo na hindi worth it makialam at magtaray sa pulitika. u are a well respected actress and it would be nice for you to stay in your field.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  offshore

    12/19/2009 | 11:05 PM
    may kurot sa puso ang teleseryeng to
    ang galing ni miss Susan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  pinkarabear

    12/19/2009 | 11:03 PM
    i love this series. really touching. pasok ang kwento sa bawat pamilyang filipino. im sure may nakakarelate sa isa sa mga character. at jusko, siyempre pag usapang nanay, nakaka-iyak talaga. ganda ng mga lines. hindi OA, hindi pilit na talaga. normal mong maririnig yung mga conversations na ganun sa isang bahay lalo na sa isang dysfunctional family. kaso gano man kaganda ang kwento, kaasar ang timeslot kasi late night. yung mga followers ni ms susan na age group niya eh bed time na ng ganitong oras. tapos ang dami dami pang commercials! attention gma! helller! baka naman puwedeng pagpalitin muna ang full house at sana ngayong pasko? tutal isang buwan lang ito baka puwedeng pakiusapan sila anabil na mag-giveway. christmas gift nyo na lang sa mga viewers. saka di naman kagandahan ratings ng full house no!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  futyakmod

    12/19/2009 | 08:55 PM
    maganda daw ang estorya nitong Sana Ngayong Pasko

    pero GMA naman... Xmaserye pero pang hating gabi yong airing...
    hello.. sinayang nyo lang yong efforts ng mga batikang actors.

    mas maganda kung itapat nyo yan sa May Bukas Pa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  mauicutie_32

    12/19/2009 | 05:15 PM
    ang ganda ng sana ngayong pasko naiiyak ako lagi lalo na pag sina susan gina at boyet sometimes nakakatawa din tatawa ka luluha ka ang sarap ng feeling ako lang ang binabantayan ng asawa ko. mas lalo kong pinapahalagahan ang pamilya ko lalo na sa pasko. superb sila
    Sa GMA congratz sa mga makabuluhang programa na binibigay nyo sa manonood lalo na pala sa pasalove ang ganda feel mo ang pagmamahal ngayong kapaskuhan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  beauty_lies18

    12/19/2009 | 04:50 PM
    i sooo love ms. susan roces.. superb acting in sana ngayong pasko.. galeeeng.. thumbs up! this is the kind of show na may sense and mkakarelate talga mga pilipino.. thumbs up.. kudos to the staff.. and i hope hindi sila mnghinayang sa ratings.. because marami naman nanonood ng SNP na mas may sense na mga tao.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • canadian_montrealer

    12/19/2009 | 03:02 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ladiv2k

    12/19/2009 | 02:31 PM
    bravissimo! ms. susan roces, you are really a great actress..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • florenz13

    12/19/2009 | 01:37 PM
    i'm enjoying watching sana ngayong pasko.. magaling ang cast at maganda ang kwento.. kay jc tiuseco lang ako nakukulangan.. overall maganda..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • landstown

    12/19/2009 | 12:32 PM
    ang ganda ng sana ngayong pasko nakakaiyak ang husay nila pero si jc konting workshop pa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • vianne29

    12/19/2009 | 11:52 AM
    sana ngayong pask0?
    ktpat lng eh double up hihihi
    bir0 m0 bgatin ung mga artista taz ung mga ktapat nila eh hndi mga artista lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • nethguzman

    12/19/2009 | 11:28 AM
    Super ganda ang Sana Ngayong Pasko. Si JC Tiuseco lang ang di magaling doon, parang ewan lang. Tsaka si Ynna, bumilib ako sa portrayal niya as retarded child doon sa Dear Friend, aba kahit normal siya dito sa serye, parang retarded pa rin ang acting! Ano ba yan. Buti na lang super ganda ng story at super galing nila Miss Susan, Boyet, Gina!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • alter_ego

    12/19/2009 | 11:06 AM
    another first from GMA. sana talaga gumawa pa ang GMA ng masa maraming innovative at entertaining shows para sa sambayanang pilipino. yong may values at di masyado nagrerely sa ratings!! GMA7 Up Up UP UP
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • zama_jap

    12/19/2009 | 10:43 AM
    congratz po sa teleserye nyo na sana ngayong pasko grabe nakakarelate ako sa drama ni boyet na may puot sa puso sa magulang pero hindi naman ganon katindi ang galit ko..konti lang!..LOL

    Ang galing ni ms.gina maglokalokahan..wish ko lang yung nga anak nya kasing gagaling nilang mag-asawa pagdating sa acting..si JC naman kailangan nya ng bonggang bonggang acting workshop..hindi ko marawi yung acting nya na para bang palaging naghihingalo sa pagsasalita..pero all in all ang gagaling ng lahat ng artista dito..congrats sa lahat ng bumubuo ng sana ngayong pasko..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • el09154331646

    12/19/2009 | 09:43 AM
    una aq panis!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About