Nauna nang naisulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-amin ni Cristine Reyes na totoong nagpadala siya ng hate message sa text against kay Heart Evangelista. Ito ay kaugnay ng pagkaka-link ni Heart sa ex-boyfriend ni Cristine na si Dennis Trillo. At matapos paliwanagan ng ilang kaibigang press ay nalinawan din si Cristine na wala namang intensiyong mang-away ni Heart. Lumalabas na may nananadya lang manira sa kanilang dalawa. (CLICK HERE to read related story.)
THE BREAKUP. Last Sunday, December 20, sa live guesting ni Cristine sa The Buzz para sa promo ng 2009 Metro Manila Film Festival entry niya with Vic Sotto na Ang Darling Kong Aswang, muling nagsalita si Cristine tungkol sa isyung ito sa panayam sa kanya ng host na si Kris Aquino.
"Wala na. Hindi na po kami," kaagad na sagot ni Cristine sa unang tanong ni Kris kung sila pa rin ba ni Dennis hanggang ngayon.
Ayon kay Cristine, June of this year lang daw sila tuluyang nag-break ni Dennis. Pero May pa lang daw ay nagkakalabuan na sila. Itinago raw nila ang kanilang relasyon dahil na rin sa utos ng ilang tao.
"Kasi siyempre, yun po ang utos nila, e, huwag akong umamin. Hindi lang naman sa side niya, pati rin sa side ko. Kasi siyempre, pareho kaming merong career. So, parang hindi siya makakatulong sa career namin kung sasabihin namin na magkarelasyon kami," paliwanag niya.
Tuluyan daw silang naghiwalay dahil sa maraming isyu sa pagitan nilang dalawa. Mahirap daw i-handle ang isang relasyon kung maraming bagay na pumipigil. Sa kanilang halos dalawang taon na relasyon, masasabi ni Cristine na si Dennis ang kanyang first serious love. Naging maligaya naman daw siya sa piling ng Kapuso heartthrob.
JEALOUSY. Nagsimula raw gumulo ang relasyon ng dalawa dahil sa pagseselos ni Dennis sa mga leading men ni Cristine sa mga soap nitong ginawa sa ABS-CBN, gaya ni Jericho Rosales sa Kahit Isang Saglit, Jason Abalos sa Eva Fonda, at Joross Gamboa sa Eva Fonda rin at Your Song.
Ayon kay Cristine, nagseselos daw si Dennis lalo na sa mga matitinding kissing scenes niya sa nabanggit na mga aktor na pawang nagsisimula sa letter J ang pangalan. Tanging si Jake Cuenca lang, na nakasama ni Cristine sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers at ngayon sa My Cheating Heart, ang hindi pinagselosan ni Dennis dahil magkaibigan daw ang dalawa.
Sino naman sa mga babaeng na-link kay Dennis ang pinagselosan niya?
"Siyempre si ano, si Carlene [Aguilar, kung kanino may anak si Dennis]," tugon ni Cristine. "Kasi siyempre pinupuntahan niya lagi yun sa bahay palagi para dalawin yung baby nila, e. Si Carlene talaga yung pinakapinagselosan ko, sobra."
Pero kaagad bumawi si Cristine sa pagsasabing magkaibigan na sila ni Carlene ngayon.
"Pero friends na kami ni Carlene ha. Magka-BBM [Blackberry Message] pa nga kami, e," banggit niya.
Happy rin daw siya para kay Carlene, lalo na't meron na itong ibang boyfriend ngayon.
"Oo. Masaya ako sobra, happy ako for her. Minsan nag-status ako. Nag-BBM siya sa akin, like kunwari lalabas ako, sasabihin niya, 'Oy, sino ang date mo?' Ganun."
THE HATE MESSAGE. Sumunod naman nilang pinag-usapan ang tungkol sa kontrobersiyal na hate message sa text na ipinadala ni Cristine kay Rufa Mae Quinto at finorward naman ng huli kay Heart.






christine fans reacted the way their idol did!..
so cheap!
Heart lang!
at least cristine is very honest inamin nya talaga..kasi kung ibang artista yon talagang deny to death..
at matagal na ang issue..kaya patayin na...i feel very sorry for her...
as for dennis, kelan naman naging lalaki yan..eh duwag yan eh!
Anong problema niyo? Inaano ba namin kayo at ni Dennis? Ang kikitid ng utak niyo..
Alam niyo, kung mababasa ni Aa yang mga comments niyo kay Dennis, malulungkot yun.. Pwede ba, may pinagsamahan yung dalawa at ok na sila kaya please, manahimik na kayo. Daig niyo pa si Cristine ah? May the Good Lord bless you all nalang,
please stop being judgemental kasi di noyo naman talaga kilala ang tunay na pagkatao ng mga artista... napaka crab mentality ng ibang fans dito... pulling down one artista na kung magcomment ang iba dito na sobrang napakasama na ni dennis trillo or heart evangelista... di nyo kilala sila sa tunay na buhay kaya please don't judge them... nakakahiya lang kayo sa mata ng Diyos na tunay na nakakakilala sa tunay na ugali nila... magbago na kayo kasi bagong taon na!!
and please move on na from those past issues of dennis... he has already repeatedly said in interviews how much he has learned from his past and wants to move forward wiser and richer in knowledge... ang mga MAKIKITID MAG-ISIP na fans lang ang hindi maka move forward.
tama lang na huwag na magsalita si dennis about past issues kasi lalo lang pinapahaba ng reporters... peace na lang and move forward to a birghter future.
career daw muna bago aminan ng lovelife kasi baka daw mawala career nya, kaya tuloy di umaangat angat...
kaya siguro di makaangat angat ang career ni dennis kasi parrang baklita sa lovelife...