Sa naging panayam ni Hayden Kho sa Tweetbiz, ang showbiz talk show ng Q Channel 11, sinabi nito na kung galit daw sa kanya ang Startalk host na si Lolit Solis, siya raw ay hindi walang galit dito. Ayon pa kay Hayden, hindi raw kaaway ang tingin niya kay Lolit kahit inaaway siya nito.
Matatandaang nagpahayag si Hayden na hindi siya magpapa-inteview sa Startalk, o maging sa anumang programa ng GMA-7, dahil daw sa mga pahayag ni Manay Lolit laban sa kanya. Naging very vocal kasi si Manay Lolit sa opinyon niya tungkol kay Hayden kaugnay ng relasyon nito kay Dra. Vicki Belo at sa pagkalat ng sex videos nito na kasama ang iba't ibang babae, kabilang na sina Katrina Halili at Maricar Reyes.
Kilalang malapit na kaibigan ni Lolit si Dra. Belo.
Sa Startalk naman noong Sabado, December 19, tinanong ni Joey de Leon si Manay Lolit kung ano ang reaction niya sa naging pahayag na yun ni Hayden.
"Alam mo, sana lahat ng sinasabi ni Hayden, totoo," umpisa ng talent manager-TV host. "Di ba, napakahusay niyang magsalita? Sana man lang totoo yung sinasabi niya."
Ibig ba niyang sabihin, walang totoo isa man sa mga sinabi ni Hayden?
"Oo," diretsong sagot ni Manay Lolit. "Dine-dare ko siya. Kung talagang hindi siya galit sa akin, mag-guest siya rito at pa-interview siya sa atin, di ba? Kung hindi siya galit, patunayan niya. Kung sinasabi niya lang, pero hindi niya ginagawa, sinungaling talaga siya!"
HUMILITY, INTEGRITY, SERVICE. Since malapit na ang Bagong taon, ang New Year's Resolution ni Hayden, ayon kay Joey, ay meron daw HIS—humility, integrity, and service. Ano ang masasabi ni Lolit dito?
"Paano magkakaroon ng integrity ang isang tao na gumawa ng sex video, di ba?" sabi niya.
"Service yun," hirit naman ni Joey.
"A, ibang service?" natatawang sabi ni Lolit. "O, di ba? Kaya nga sabi ko, paano siya magkakaroon ng mga ganoong qualities, samantalang may mga ginawa siyang kababuyan?"
Nasabi rin ni Hayden sa kanyang interview sa Tweetbiz that he's taking a sabbatical. Which means ayaw raw niyang malaman ang mga nangyayari at ayaw niyang may makitang kasamang iba ang love niya.
Ito naman ang sagot ni Lolit dito: "Joey, isang bagay lang ang sasabihin ko sa 'yo. Kaya lumabas na naman si Hayden at may mga ginagawang ganyan, sabik na sabik na naman siyang makita ang sarili niya sa TV at sa mga diyaryo. Napakahilig niyang talaga sa publicity!"
Yun ang tingin niya?
"Oo! Talagang-talaga! Kitang-kita mo naman ang personalidad niya, 'no!" walang prenong sabi ni Manay Lolit.






So bakit nga kasi nagpapa-interview pa siya. Kahit almost zero ang credibility ni Lolit but between her and Hayden mas sugapa sa publicity si Hayden at mas kapani-paniwala si Lolit.
he should instead focus on his own personal problems and welfare. get some therapy and stay out of the spotlight para magpagaling.
ang may paki ako ay dun sa mga pinya.
kawawang mga pinya.
imbes na kinakain ko nlng, sinira pa nitong si hayden.
tsk..tsk..
nagpapakatotoo lang siya sa mga sinasabi nya against hayden kahit na nga hired publicist pa din siya ni Belo. trabaho lang 'to para sa kanya at diyan siya kumikita.