Actor-TV host Richard Gomez is all set on his candidacy as congressman in the 2nd district of Ormoc City.

Photo: Noel Orsal

Determinado si Richard Gomez sa gagawing pagtakbo bilang kongresista sa 4th district ng Ormoc City, Leyte. Kaya kailangan nitong hatiin ang panahon ngayong holiday season sa tahanan nila ng kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez at anak na si Juliana sa East Greenhills—kung saan sila nag-celebrate ng Christmas kasama ang mga kaibigan sa showbiz at relatives ni Lucy—at sa Ormoc City (Lucy's hometown) this coming New Year bilang maagang preparasyon sa gagawing kampanya, simula sa March 2010.



Festive man ang mood ilang araw bago mag-Pasko, hindi naging maganda o kaaya-aya ang mga naikuwento ni Richard sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Ngayon pa lang ay meron nang tensiyon kaugnay ng kanyang kandidatura.



For one, ang kanyang kalaban sa pagiging congressman, na hindi pinangalanan ni Goma, ay nag-file daw ng disqualification case laban sa kanya. Bagay na ikinaka-amuse lang ng actor-TV host.



"He wants to run for congressman, e, hindi niya naiintindihan yung batas," katwiran ni Richard. "Kung tatakbo ka, kailangan mo lang ng one year residency [sa distritong nais paglingkuran]."

Dagdag-impormasyon pa ni Richard: "Sa dalawang malalaking surveys, ang laki ng lead ko sa kanya. I'm running at 54 percent, yung kalaban ko, at 30 percent lang. So, anong ground ng disqualification na nai-file niya?



"Inaasahan naman namin 'yon, inaabangan talaga namin. Alam namin na magpa-file ng kahit ano yun para makagulo sa tao. Anak siya ng incumbent namin [Rep. Dodong Codilla]. Tumakbo siya dati ng mayor, natalo. Tapos ngayon, tatakbo siya for Congress, last term ng tatay niya."



Bagama't tanggap ang kaguluhan sa larangan ng pulitika, nais ding ituwid ni Richard ang anumang maling impormasyong nais ikalat ng mga kalaban hinggil sa kanyang kandidatura.



"Ang ginagawa nila, misinformation," saad ni Goma. "Mayroon daw kasing ipinakakalat na kesyo, 'Si Goma, tatakbo lang ng mayor! Hindi magku-congressman!'"



Bukod dito, mayroon din daw instances ng pangha-harass sa mga kandidatong nasa partido nina Richard, ang Liberal Party, na diumano'y pinupuwersang mag-withdraw sa kandidatura. O kaya'y inuutusan diumano ang mga lider ng barangay na huwag ikampanya si Richard at mga kasama sa partido.

"Malakas ang harassment do'n. Inaasahan na rin namin 'yon," sambit ng aktor.

LIFE AFTER DOUGLAS Q. Bukod sa kaabalahan sa muling pagpasok sa pulitika, nagpapatuloy si Richard Gomez sa mga dating gawain. 

"Continue with what I'm doing. Ang importante lang, at the end of the day, kailangan masaya ka sa ginagawa mo," sabi niya.

Kumusta ang pagiging artista niya, sa pamamahala ng bagong manager na si Wyngard Tracy? Si Wyngard ang napiling manager nina Goma at Lucy matapos pumanaw noong Hunyo 13, 2009 ang kaibigan at former manager nilang si Douglas Quijano.

"We're very happy with him," sabi ni Goma. "Katulad ni Douglas, nakakausap mo siya any time, [laging] may mahalaga kayong pinag-uusapan..."

Kinumpirma rin ni Goma ang naunang naging pakikipag-usap kay Johnny Manahan ng Star Magic para mag-manage sa kanya.

"Kasi importante na yung magha-handle sa amin, e, kilala ka talaga for the longest time," banggit ni Richard. "Next to Douglas will be Mr. M na nakasama na namin since Broadcast City days noon, sa Big, Big Show."

(Ang Big, Big Show ay isang variety show noon sa defunct BBC-2, bago muling naibalik ang Channel 2 station sa rightful owner, ang mga Lopez ng ABS-CBN network, matapos ang 1986 EDSA People Power Revolution).

"Bagets pa tayo no'n," pahabol pang sambit ng aktor, na nangingiti. "Anyway, Mr. M is very busy with Star Magic. Sinabi niya talaga, 'I will be unfair [with you] kung iha-handle kita. You need somebody who can just focus on you...' Na naiintindihan naman namin."

BEST TV GAME SHOW HOST. Career-wise, kapwa stable ang posisyon ng mag-asawang Richard at Lucy Torres-Gomez. Despite what happened middle of this year, when they were both in deep mourning after Douglas's demise, patuloy rin naman ang kaabalahan ng mag-asawa hanggang sa huling buwan ng taon. Wari'y nagsilbing therapy sa kanila ang kaabalahan sa propesyon upang maiwasan ang sobrang kalungkutan.

Patuloy nga si Lucy sa paghu-host ng top-rating pa ring Shall We Dance? ng TV5 at The Sweet Life sa Q Channel 11, habang si Goma ay naging busy sa mga teleserye at paghu-host ng game show na Family Feud ng GMA-7, kung saan nanalo siyang Best TV Game Show Host sa ginanap na 23rd Star Awards for Television ng PMPC (Philippine Movie Press Club).

Hinggil sa nabanggit na parangal ay buong-kaluguran ang naging pagtanggap ng aktor, pati ng kanyang celebrity wife (last year's recipient of the Best Talent Search Host award herself), nang personal na tanggapin sa pamunuan at mga kasapi sa PMPC ang napanalunang trophy. Ito ang unang award ni Goma bilang TV celebrity host.

"Pasensiya na dahil hindi ako nakapunta sa awards night," ani Richard, na nagpa-abiso agad noong gabi ng Nobyembre 29 dahil na-stranded silang mag-asawa pabalik ng Maynila mula Ormoc City, Leyte.