"Pangalawa, nagpapasalamat ako sa PMPC, sa patuloy na pagbibigay ninyo ng tiwala sa akin, sa ginagawa naming trabaho sa pelikula at telebisyon..."
Nakakatuwa ang nabanggit pa ni Richard sa press, na aniya'y magiging "acceptance speech" daw sana niya kung nakarating silang mag-asawa sa awards night.
Ani Richard: "Kasi yung mga girlfriends ko dati napapasalamatan ko. Ngayon, ino-offer ko naman ito sa aking asawa... Honey, para sa iyo ito! Thank you very much!"
Sa ngayon ay si Dingdong Dantes muna ang humalili kay Goma bilang host ng Family Feud. Nagkaroon kasi ng kaguluhan nang magdesisyon ang Supreme Court na payagan ang mga artistang tatakbo sa 2010 elections na lumabas pa rin sa TV. By that time ay nai-announce na ng GMA-7 na papalitan muna ni Dingdong si Richard.
Muli namang ipalalabas sa Miyerkules, December 30, sa ganap na ika-10 ng gabi, sa Net 25, ang kabuuan ng 23rd Star Awards for Television.
RICHARD (STILL) LOVES LUCY. Si Richard mismo ang nagkuwento ng tungkol sa sinabi sa kanya ni Lucy upon winning. "Sabi niya, 'Honey, dati napapanood ko yung mga awards night, pinapasalamatan mo yung mga girlfriends mo. Hindi ko pa nae-experience 'yon... ito na yung chance mo para sabihin mo, na 'Ang pagkapanalo ko na ito ay ino-offer ko sa 'yo...'"
Sinundan ng halakhak ang pagkukuwentong ito ni Goma. Natatawa rin si Lucy. "Ang tagal niya na talagang gusto 'yon. Ang tagal na talaga niyang hinintay. Kasi kinainggitan niya sina Dawn [Zulueta], si Sharon [Cuneta]... si Patricia [Borromeo]... Di ba, nung mga girlfriend ko sila? Alam niya [Lucy] lahat!"
"Napanood ko yata!" pagmamalaking saad daw ni Lucy, na admirer na ni Richard, bilang award-winning actor noon sa mga pelikulang tulad ng Hihintayin Kita sa Langit, Saan Ka Man Naroroon, Wating, Dahas, at Sa 'Yo Lamang.
Matagal na ring wala sa himpapawid ang una nilang sitcom together, noong nasa Kapamilya network pa sila, pero ang pagmamahalan ay nananatili, matapos ang halos labindalawang taon mula nang sila'y ikasal noong April 28, 1998 sa Ormoc City. Exception nga sina Richard at Lucy sa showbiz marriages that do not last. Na ngayo'y gusto nang masundan ang nine-year-old daughter na si Juliana.
"'Yan talaga ang aking wish ngayon," seryosong sambit ni Goma.
At hindi man daw siya mapagsunod sa anumang New Year's resolution ("Wala akong nabubuong resolution," ani Goma) ay sigurado ang aktor sa kanyang pagiging faithful bilang husband ni Lucy.
"Konti pang pagka-honest, magiging pari na ako!" kuwelang sambit ni Goma.



