After engaging in a word war with Rufa Mae Quinto in 2008 and quashing rumors of a separation in 2009, the couple look more tranquilly to the year ahead as they relaunch their respective showbiz careers.

 

Photo: Noel Orsal

After six years, nakabalik sa music scene si Jessa Zaragoza in 2009. Walang dudang magtutuloy-tuloy na ang mga plano nila ng mister na si Dingdong Avanzado to re-establish their respective careers.

Naging matagumpay ang Jessa Sings the Great Musical Icons album na ni-release last year, at si Dingdong naman ay naghahanda na sa kanyang pagbabalik via a new album na definitely lalabas sa 2010.

"All English songs ang naroroon, at ang susunod na album ko, kung ano yung inire-request na ng fans ko, yung bagong album talaga with new compositions na puro Tagalog," sabi ni Jessa.

May bonus attraction na minus-one version ang comeback album niya na nakatulong para maging hit ito.

NO PROBLEM WITH RACHEL. Very positive nga ang pagbabalik ng mag-asawa. Naging visible sila, at humupa na rin kahit papano ang kung anu-anong tensiyon at kontrobersiyang pinagdaanan nila.

"Iba na rin kasi yung status ko, nanay na ako," paliwanag ni Jessa. "Malaki na talaga ang pagbabago. Hindi na yung konting bagay lang, nagre-react na ako. Wala na lahat yun, lalo na't New Year na.

"Isa 'yan sa maipapangako ko talaga na hangga't maaari, iwas kami ni Dingdong sa ganyang mga bagay, at kung hindi talaga maiiwasan, haharapin na lang namin with so much positivity. Alam naman ninyo ang showbiz."

Sa tagal na rin ng dalawa, super secure na si Jessa kay Dingdong. In fact, kung may mga nagpaplano ng projects na pagsamahin si Dingdong with Rachel Alejandro or Rufa Mae Quinto, na parehong ex-girlfriends niya, walang magiging problema kay Jessa.

"Naku, wala na! Kami nga ni Rachel, nagkasama na sa isang concert.  Successful yung Ladies of the '90s namin. Sila ni Dingdong, nag-tour pa sa Australia for a series of performances. Okey kami ni Rachel. Hindi kami close, pero nagkakaintindihan kami, walang problema sa amin," ani Jessa.

Last year ay kumalat ang balitang naghiwalay ang mag-asawa at nasangkot si Rachel bilang "third party," bagay na agad na pinabulaanan nina Jessa at Dingdong.

"RESPETUHAN NA LANG." Tungkol kay Rufa Mae, "Tahimik na kami kaya respetuhan na lang yun," ang sabi ni Jessa.

"Para sa akin, nasabi ko na ang mga gusto kong sabihin, at kung hindi man kami nagkakausap pa, by all means, sure naman ako na isang araw, magmi-meet kami at magkakausap na parang walang nangyari, dahil para sa akin, wala na yun, tapos na," paglilinaw ng singer-actress.

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng sexy comedienne at ng mag-asawang Jessa at Dingdong dahil sa interview na binigay ni Rufa Mae sa YES! magazine noong Pebrero 2008, kung saan dinetalye ng aktres ang kanyang makulay na lovelife. (CLICK HERE for related article.)

Wish lang ni Jessa na sa 2010, wala na yung ganyang tila walang katapusang isyu sa kanila ni Rufa Mae. Darating din daw ang araw na talagang matatapos ito at malalagyan ng tuldok.