Sa live guesting ni Angel Locsin sa New Year presentation ng The Buzz kahapon, January 3, isa-isang napag-usapan ang tungkol sa mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya, gayundin ang mga bagong hinaharap nito sa 2010.
Una na nga rito ang ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano na ibinuko ng nag-i-interview na host na si Boy Abunda ang ginawang pagdalaw kay Angel sa dressing room bago ito sumalang sa The Buzz.
Kaagad ngang kinumusta ni Boy kay Angel ang relasyon nila ni Luis ngayon.
"Ayun nga, e.... tungkol dun," tila hindi makasagot si Angel.
Nasorpresa ba siya sa ginawa ni Luis?
"Medyo naisip ko na. Pero ayoko naman kasing mag-expect. Ang tagal naming hindi nakapag-usap. Tapos kagabi, tumawag siya. 'Medyo ang sama ko doon sa interview. Magpapaliwanag lang ako.' Kasi parang ang tagal naming hindi nagkita tapos nagkita kami. Sobrang awkward lang ng kilos ko. Parang hindi ko alam kung papaano kikilos. So, yun," lahad ni Angel.
Gaano katagal ba silang hindi nagkita?
"Hindi naman buwan o ano. Kaya lang... Well, kasi 2010 na, parang gusto ko fresh start, bago na. Di ba, alam mo yun na kung magmu-move on, magmu-move on, ganyan."
Ang pagkikita nila ni Luis ay senyales na muli silang nagkakaayos at nagiging magkaibigan. Ano ang feeling niya tungkol dito?
"Hindi ako makasagot," sambit ni Agel. "Sa akin kasi, mas importante yung friendship, e. Sa ngayon, hindi naman ako naghahanap ng pumasok sa isang relasyon o ano. Mas okay sa akin yung okay yung relasyon ko sa lahat ng tao. Mas okay na sa akin yun."
Pero ready na ba siya to fall in love again?
"Sa ngayon, hindi pa ho muna siguro," sagot ng aktres.
Napagod ba ang puso niya?
"May quota rin siya!" natatawang sabi ni Angel. "Well, masarap ma-in love. Pero masarap ma-in love sa tamang tao, sa tamang panahon. Pag alam mong ibinigay ni God sa iyo."
AMPALAYA/CALAMANSI ANONYMOUS. Sumunod namang pinag-usapan ang tungkol sa bagong grupo ni Angel kasama ang ilang kaibigang artista at singers na tinatawag na Ampalaya Anonymous na naging Calamansi Anonymous na raw. Ano ba ang ibig sabihin nito?






testing123; to be fair natawa ako sa post mo
Di pa artista si Marian, katulong ko na tong mga to. Naging fan lang sila nong time ng Marimar! At di ko naman sinasabi na mahihirap lang fans ni Marian dahil yung kumare kung madjongera, maka Marian yun. Pero tama ka bakit nga ba ako nagtyatyaga dito? Pagbigyan mo na ang matanda, bihira nga lang ako dito eh
winklebee: Bakit pano ba yan naging hero? Dahil nangarap sya di ba kahit mahirap lang sila
aba ngayon CNN Hero of the Year na. Kundi sya nangarap baka parangal lang mula sa kagawad ng Baranggay Santolan matanggap nya
Having said that, I don't think sasagutin sya ni Angel!
btw, pansin ko nung sunday sa SOP parang wala sa sarili si marian nung nagpeperform. nawawala sa lyrics and step sa sayaw. siguro naiimagine nya pa yung mga churvahan nila ni DD sa boracay nung new year! whewww marian kainggit ka!
timelessclassicss: Wag mo nga akong lektyuran tungkol sa sinong may likha ng Darna and about Darna. Ano kala mo sa akin, matandang walang pinag aralan. Kahit Biag ni Lam-Ang at ni Gabriela silang ikwento ko pa sa yo eh. Di ko nilalait ang Darna per se kundi itong Darnang, remake na ni remake na naman! Ang daming pasikot sikot at pansahog na ekstra na halatang dinagdag lang ng writers para ma expose ang ibang talents ng GMA. Nawala ang essence ng original na Darna kaya ayan di makausad usad sa ratings. Darna sa TNS 20+ lang. Eh minahal yan dati di lang ng Mega Manila kundi buong kapuluan
as for efren.. well no one believed na isang katulad nya ay mananalong CNN Hero of the year.. so what's the big deal kung nililigawan nya si angel?! gets? dream big! always reach for the stars! ;
take note... maraming mahirap kisa sa mayaman. tulad mo nag iisa ka lng na MAYAMAN?? dito sa pep. nag tyatiyaga makipagpalitan ng mga sagot sa mga mahirap na fans ni MARIAN.hahahahaha