Angel Locsin being courted by CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida


 
"Parang sinabi ko sa kanya na medyo natatakot akong sabihin sa kanya kasi siyempre siya yung nakikitang hope ng bansa natin, e. Para sa akin kasi, ang mas kailangan natin ngayon sa Pilipinas yung hope. At ayoko yung... dahil magulo nga ang buhay ko dahil nasa showbiz ako, ayokong yung hope na maibibigay niya sa mga tao, maapektuhan ng dahil sa akin. Sinabi ko sa kanya kung ready na ba siya na... Kung ready na ba siya na harapin yung mga yun. Ako kasi sinabi ko na, well, ako kasi gusto ko friendship muna," says Angel Locsin about CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida.

Angel Locsin being courted by CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida

Glen P. Sibonga

Rating

"Katuwaan... wala naman kaming.... wala siya talaga. Parang, 'O sige, ano ang tawag sa atin? Mag-ampalaya na lang tayo...'"

 

Sinu-sino sila sa grupo?

 

"Si Cristine Reyes, siya ang president namin. Me ganun, e. Ako raw ang muse. Hindi ko alam kung bakit. Sabi ko, mag-e-effort na lang ako. Si Bubbles Paraiso, na siya nga pala ang nag-style sa akin ngayon, thank you. Si Maxene Magalona. Si Chito Miranda [vocalist ng Parokya ni Edgar]. Si Champ [Lui-Pio, vocalist ng Hale], medyo sumasama sa amin. Sina Kanu... Bianca King."

 

EFREN PEÑAFLORIDA. Isang malaking rebelasyon naman ang isiniwalat ni Angel nang mapag-usapan nila ang tungkol sa itinanghal na CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida. Ayon kay Boy, nang ma-interview niya si Efren sa programa niyang The Bottomline, may sinasabi raw si Efren tungkol sa isang special girl sa buhay nito at ito pala ay walang iba kundi si Angel Locsin.

 

Lumalabas na biggest crush pala ni Efren si Angel, pero sabi ni Boy, biggest love naman daw. Ano ang comment ni Angel dito?

 

"Paano ba? Nakapag-usap kami. Actually, before pa naman magkaroon ng award sa kanya, magkaibigan na kami sa Facebook. Yung mga cause na ginagawa niya, sinusuportahan ko rin. Naniniwala ako sa mga gusto niyang gawin. And nagkita kami bago ako pumuntang [New York para dumalo sa International Emmy Awards, kung saan nominated siya as Best Actress para sa teleserye niyang Lobo]... sabay kami sa eroplano kasi, e. Doon na kami nagkakilala talaga.

 

"Nakapag-usap kami. Hindi ko alam kung paano ko sabihin, e... Yun nga, parang sinabi ko sa kanya na medyo natatakot akong sabihin sa kanya kasi siyempre siya yung nakikitang hope ng bansa natin, e. Para sa akin kasi, ang mas kailangan natin ngayon sa Pilipinas yung hope. At ayoko yung... dahil magulo nga ang buhay ko dahil nasa showbiz ako, ayokong yung hope na maibibigay niya sa mga tao, maapektuhan ng dahil sa akin. Sinabi ko sa kanya kung ready na ba siya na... Ay, nahihiya ako! Kung ready na ba siya na harapin yung mga yun. Ako kasi sinabi ko na, well ako kasi gusto ko friendship muna," mahabang salaysay ni Angel.

 

Biglang sumingit si Boy dahil hindi siya makapaniwala na seryoso ang naging pag-uusap nina Angel at Efren na tila tumutukoy sa kagustuhan ng CNN Hero na ligawan ang aktres. Lalo pang kinilig si Boy at ang mga tao sa studio nang aminin ni Angel na nakapunta na ng bahay nila si Efren.

 

"Paano ba? Kasi pumunta siya sa bahay. Nag-usap sila ng dad ko. Mas una niyang kinausap yung dad ko kesa sa akin. Nagulat ako pagdating ko, 'Bakit parang nagkukulong sa kuwarto yung dalawa. Ano ang nangyayari dun?'"

 

So, nag-uusap na si Efren at ang Daddy niya?

 

"Pero first time lang po yun, Tito Boy. Nahihiya ako. Ano ba 'yan, nawawala ako! Ang init ng pisngi ko," nahihiyang sabi ni Angel.

 

Isang wish naman para kina Angel at Efren ang sinabi ni Boy na kung saan man mapupunta ang  pagkakaibigan nilang dalawa, he wishes them all the best.

 

VHONG NAVARRO. Sumunod na tanong naman ni Boy kay Angel ang tungkol sa bagong leading man ng aktres na si Vhong Navarro, na makakasama ni Angel sa ABS-CBN fantaserye na Kokey@Ako. Umano'y nahuhulog na rin daw ang loob ni Vhong sa aktres.

 

"Ay, hindi naman po siguro. Hindi naman," sabi ni Angel.

 

Ayon kay Angel, magsisimula na raw silang mag-taping ni Vhong para sa Kokey@Ako bukas, January 5. Kung overwhlemed daw si Vhong na makatrabaho si Angel, excited na rin daw ang aktres na makatrabaho ang aktor at puring-puri niya rin ito.

 

"Ako din. Kasi si Vhong nakita ko, siya yung pinakamagaling talaga sa comedy sa generation namin. Matalino si Vhong. At saka iba yung appeal kasi ang galing sumayaw, di ba? Ang galing pumorma. Pero kilalanin muna namin ang isa't isa. We're friends naman e. Okay kami sa ganun, di ba?

 

"Ayoko namang magpaka-plastic na sabihin na, 'Oo, nagkaka-inlaban kami, ganyan.' Wala, kaibigan kami ni Vhong na nag-text siya gusto niyang makipag-bonding. Siguro dahil sa character na yun na pag-start namin kasi boyfriend-girlfriend kami. So, kailangan may chemistry na kaagad. E, hindi pa kami nagkakatrabaho."

 

MICO SOTTO. Hindi naman maiwasan maitanong kay Angel ang tungkol sa yumao nitong boyfriend, ang young actor na si Mico Sotto, lalo na nga't last December 29 ay nagpasalamat si Angel sa kanyang Twitter account sa lahat ng mga taong nakaalala sa death anniversary ni Mico. After all these years, bakit hindi niya pa rin nakakalimutan si Mico?

 

"Hindi, imposible naman," sagot ni Angel.

 

First love niya ba si Mico?

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
413 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7    8    9   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement