Angel Locsin being courted by CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida

Glen P. Sibonga
Monday, January 04, 2010 @ 09:23AM  |  110125 views

 

"Parang sinabi ko sa kanya na medyo natatakot akong sabihin sa kanya kasi siyempre siya yung nakikitang hope ng bansa natin, e. Para sa akin kasi, ang mas kailangan natin ngayon sa Pilipinas yung hope. At ayoko yung... dahil magulo nga ang buhay ko dahil nasa showbiz ako, ayokong yung hope na maibibigay niya sa mga tao, maapektuhan ng dahil sa akin. Sinabi ko sa kanya kung ready na ba siya na... Kung ready na ba siya na harapin yung mga yun. Ako kasi sinabi ko na, well, ako kasi gusto ko friendship muna," says Angel Locsin about CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida.

Photo By: Noel Orsal













"Pero first time lang po yun, Tito Boy. Nahihiya ako. Ano ba 'yan, nawawala ako! Ang init ng pisngi ko," nahihiyang sabi ni Angel.

Isang wish naman para kina Angel at Efren ang sinabi ni Boy na kung saan man mapupunta ang  pagkakaibigan nilang dalawa, he wishes them all the best.

VHONG NAVARRO. Sumunod na tanong naman ni Boy kay Angel ang tungkol sa bagong leading man ng aktres na si Vhong Navarro, na makakasama ni Angel sa ABS-CBN fantaserye na Kokey@Ako. Umano'y nahuhulog na rin daw ang loob ni Vhong sa aktres.

"Ay, hindi naman po siguro. Hindi naman," sabi ni Angel.

Ayon kay Angel, magsisimula na raw silang mag-taping ni Vhong para sa Kokey@Ako bukas, January 5. Kung overwhlemed daw si Vhong na makatrabaho si Angel, excited na rin daw ang aktres na makatrabaho ang aktor at puring-puri niya rin ito.

"Ako din. Kasi si Vhong nakita ko, siya yung pinakamagaling talaga sa comedy sa generation namin. Matalino si Vhong. At saka iba yung appeal kasi ang galing sumayaw, di ba? Ang galing pumorma. Pero kilalanin muna namin ang isa't isa. We're friends naman e. Okay kami sa ganun, di ba?

"Ayoko namang magpaka-plastic na sabihin na, 'Oo, nagkaka-inlaban kami, ganyan.' Wala, kaibigan kami ni Vhong na nag-text siya gusto niyang makipag-bonding. Siguro dahil sa character na yun na pag-start namin kasi boyfriend-girlfriend kami. So, kailangan may chemistry na kaagad. E, hindi pa kami nagkakatrabaho."

MICO SOTTO. Hindi naman maiwasan maitanong kay Angel ang tungkol sa yumao nitong boyfriend, ang young actor na si Mico Sotto, lalo na nga't last December 29 ay nagpasalamat si Angel sa kanyang Twitter account sa lahat ng mga taong nakaalala sa death anniversary ni Mico. After all these years, bakit hindi niya pa rin nakakalimutan si Mico?

"Hindi, imposible naman," sagot ni Angel.

First love niya ba si Mico?

"Akala ko dati merong... Alam mo yun, pagka bata ka akala mo yung love, yun na yung love. Pero pag na-experience mo lang at saka mo lang masasabi na, 'A, eto pala yung love.' Hinding-hindi siya mawawala sa buhay ko. Parte siya ng buhay ko talaga. Kahit six years ago na yun, parang feeling mo, napaka-fresh pa rin, ganun. Pero siyempre mas happy ka dahil alam mong mas masaya siya kung nasaan man siya ngayon. Kasi ano ba naman ang binatbat nung pagmamahal namin kumpara sa pagmamahal ni Lord?"

NEW YEAR. Ano ang maaasahan sa kanya  ngayong 2010?

"Itong Kokey mag-start na kami. Tapos sobrang looking forward din ako dun sa soap na binubuo ng ABS-CBN sa amin ni John Lloyd [Cruz]. Matagal ko nang inaawitan si John Lloyd, so okay na. Napansin naman yung pagpapapansin ko. Masaya na ako doon. Ayun, hindi pa ako nakakapag-workshop para kay John Lloyd. Sana ma-appreciate ng mga tao."

Nagbigay rin ng update si Angel sa inilunsad nilang Shop and Share ni Anne Curtis na may layuning magbigay tulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng nooong 2009.

"Update lang sa Shop And Share, nakalampas na tayo sa one million mahigit. And maglalagay kami ng parang press statement, kami ng Red Cross, para ipaalam sa inyo kung ano na ang inabot nung mga itinulong niyo. Maraming salamat."

« Prev  1  2  3  

Related Articles

413 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name