news

Jodi Sta. Maria says her family remains normal despite being the daughter-in-law of a senator
by Archie de Calma posted on January 5, 2010  STATS: 13772 Views | 18 Comments

 

"Normal kami, na kung paano rin ang pagiging normal ng ibang pamilya. Hindi porke senator ang father-in-law ko, may pagkakaiba yun. Wala naman. May time kami together. Iniisip lang ng iba na kapag political family, magulo, pero hindi. Balanse ang lahat," says Jodi Sta. Maria-Lacson.

Photo By: Noel Orsal

Ang tunay na mahuhusay na artista, kailanman ay hindi mawawala. Isa na siguro sa pasok sa ligang ito si Jodi Sta. Maria.

Kasama si Jodi sa powerhouse cast ng bagong ABS-CBN teleserye na Tanging Yaman, na tumatalakay sa isang pamilya na may mataas na posisyon sa gobyerno. Tipong may kaugnayan sa tunay na buhay ni Jodi ang partisipasyon niya sa naturang serye, being married to Pampi Lacson, son of Senator Panfilo Lacson. Kumbaga, ang involvement ni Jodi sa mga Lacson ay naghahantad din sa kanya kung paano ang isang pamilya'y puwedeng maapektuhan ng pulitika.

Siya si Marina Dimaguiba sa Tanging Yaman, mula sa masang mag-anak na kinabibilangan ng kapatid niyang si Fina (Erich Gonzales) at asawang si Apol (Nonie Buencamino).

"May presidente, may mga senador... tungkol sa buhay sa Malacañang. Pero ang core of the story nito, tungkol pa rin sa pamilya. May factors lang na pulitika. At hindi naman nakaka-affect dito ng pagiging daughter-in-law ko sa tunay na buhay ng isang senator.

"With regards to my dad [in-law], mahirap magsalita about his plans. Hindi kasi yun basta nasasabi lang sa amin. It's his own thing, kumbaga.  I'm in no position naman yata para magsalita kung anu-ano ang plans niya," sabi ni Jodi.         

Kung ang husband naman niya ang tatanungin, wala raw siyang alam kung may political ambitions din ito.

"Mas focused si Pampi sa negosyo," sabi ni Jodi. "At saka sa family rin. May mga taong nag-uudyok din sa kanya para mag-run, pero hindi nakukuha sa biglaan ang ganyang mga desisyon. Dapat, handa siya sa lahat."

May kaibahan ba sa ibang normal na pamilya ang kinabibilangang pamilya naman ni Jodi?

"Normal kami, na kung paano rin ang pagiging normal ng ibang pamilya. Hindi porke senator ang father-in-law ko, may pagkakaiba yun. Wala naman. May time kami together. Iniisip lang ng iba na kapag political family, magulo, pero hindi. Balanse ang lahat. My father-in-law naman is not the type na kung ano ang problema sa trabaho, dinadala sa pamilya. Pag nasa bahay siya, ama siya ng mga anak niya, lolo siya ng mga apo niya," saad ni Jodi.

Nakausap ng PEP si Jodi sa presscon ng Tanging Yaman kagabi, January 4, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

LOYAL KAPAMILYA. Isa si Jodi sa homegrown talents ng ABS-CBN na nananatiling loyal sa Kapamilya network. Bakit kaya?

"It's because ABS-CBN has always been good to me," sagot niya. "Kaya nga after more than nine years in the business, naririto pa rin ako. Wala akong rason para iwan ang Dos.

"Happy ako sa projects ko dito. Magaganda ang roles na ibinibigay nila sa akin. Pero never akong humiling sa kanila kung anong klaseng role o project ang gusto ko. Kasi kapag nagtatanong naman sila kung ano ang gusto kong role, hindi ko rin masabi o matiyak kung ano yun. Ang nangyayari, kapag may role na ganyan, inalok sa akin, ninanamnam ko, pinagbubutihan ko. Ginagampanan ko sa abot ng aking makakaya," sabi ni Jodi.

Nagmula sa youth-oriented drama series na Tabing-Ilog noon si Jodi, at ang kapansin-pansin, karamihan ng mga nanggaling dito ay active pa rin sa showbiz. Nariyan sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Baron Geisler, Patrick Garcia, Paolo Contis, at Desiree del Valle.

"It's one thing we can be proud of," nakangiting sabi ni Jodi. "Maganda ang training namin sa soap na yun. Happy kami dahil yung direktor namin doon, si Malu Sevilla, na-handle kami nang tama. Nai-guide kami kaya marami sa amin, minahal talaga ang industriyang ito, at dito na kami magsisitanda. 

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  daffodils87

    02/06/2010 | 09:11 PM
    What's going on with Senator Lacson? I heard he is now a WANTED citizen. What did he do?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  bigfoot12

    01/06/2010 | 11:15 AM
    nakita ko si jodi sa glorietta, kasama family nya.. grabe ang ganda ganda at ang simple lng.. hindi nmn sya snob..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  maymay

    01/06/2010 | 08:17 AM
    I totally agree with 15 Nothing Personal How can we make our country better when our politicians our corrupt.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  nothing_personal

    01/06/2010 | 04:04 AM
    what's the big deal if your inlaw is a politician or a friend is a politician. keep in mind pepsters that we have so many politicians that are corrupt. they are rich not because they earned it, they are rich because they take the people's money. remember that.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  alibangbang99

    01/06/2010 | 03:35 AM
    gusto ko talaga sya. maganda, mahusay umarte at sosyal kung kumilos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  lancomeX

    01/06/2010 | 01:30 AM
    i like her,magaling tlga xa.d 2lad ng mga ibang stars jan n starlets p lng pero feeling stars na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  futyakmod

    01/05/2010 | 10:23 PM
    magaling.. talented.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  popstar

    01/05/2010 | 10:16 PM
    Senator? And...so what? And not even her father. Why this should even be asked is beyond me. Why can't her life be normal? Does she live with the in-laws? Is the FIL controversial? Safety issues?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  mm280

    01/05/2010 | 07:37 PM
    i like Jodi. she is one of very few actresses that i admire in philippine showbiz. she is humble and has her life under control. magaling siyang mag balance sa kanyang buhay in amp; out of her career.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • southerngirl

    01/05/2010 | 06:46 PM
    Ang husay niya as kontrabida doon sa soap ni Piolo and Claudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chewpot

    01/05/2010 | 06:06 PM
    She is really beautiful and talented...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • djelibeybi

    01/05/2010 | 05:59 PM
    i just love this girl!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • meangenesnoopy

    01/05/2010 | 05:59 PM
    miss ko na si rovic at eds...huh..love u jodi...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettyasian

    01/05/2010 | 05:56 PM
    para din siang c tanya garcia..fortune amp; security ang inisip sa pagaasawa, well muka naman clang happy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kinam_kapuso

    01/05/2010 | 04:54 PM
    Miss ko tuloy Tabing Ilog... watched it pa nga sa rerun sa kapamilya Channel ng TFC
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • thimsdubai

    01/05/2010 | 04:43 PM
    i love Jodi...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • timelessclassicss

    01/05/2010 | 04:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Mistique

    01/05/2010 | 04:37 PM
    Siya ang pinaka gusto ko sa Tabing Ilog.. kung di sya siguro nag asawa ng maaga isa sya sa mga prime leading ladies sa ABS.. sayang ang opportunity pero mukhang contented naman sya sa family life nya kaya no regrets pa rin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About