PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chynna Ortaleza enjoys doing character roles

The young actress still has no plan to marry longtime-boyfriend Railey Valeroso.
by Rose Garcia
Published Jan 8, 2010
"Character roles talaga ang goal ko, pero hindi naman ibig sabihin, e, hindi na ako tatanggap ng ibang role. Kung ano ang ibigay sa akin ng GMA, gagawin ko sa pinaka-best ng kakayahan ko," says Chynna Ortaleza.

Kasama si Chynna Ortaleza sa bagong fantaserye ng GMA-7, The Last Prince, na nagtatampok sa tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Kontrabida pa rin ang role niya rito bilang si Lourdes, pero wala siya sa fantasy world kundi nasa human world siya at magiging isa sa "tinik sa buhay" ni Kris.

"Yung role ko rito, isa ako sa mga tauhan sa mortal world. Ipapakilala kami na mga member ng baryo nila Kris Bernal. Kaya ang introduction sa akin kanina, ako yung magiging tinik sa buhay niya. Kasi siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng aksidente yung Pagoda [fluvial parade] and because of that, yung kasintahan ko nadamay. Kung sinuman ang direct relationship ko sa story, si Kris talaga. Galit ako sa kanya. Ang daming hurt," paglalarawan ni Chynna nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng The Last Prince noong Miyerkules ng gabi, January 6, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman itatanggi ni Chynna na kung pamimiliin siya ng role, mas gusto niya sa fantasy.

"Noong una talaga, gusto kong maging part ng fantasy world dahil never pa talaga akong nagkakaroon ng role na part ng fantasy, palagi akong mortal. But since the time na nag-taping ako, nakita ko naman na pantay naman ang role ng fantasy at mortal since bababa si Prinsipe Almiro, which is si Aljur nga, sa mortal world. Mami-meet ko rin siya at isa siya sa gagamitin ko para, kumbaga, mainis si Kris."

Enjoy ba siya doing character roles?

"Oo naman!" sambit ni Chynna. "Di ba, sabi ko nga, character roles talaga ang goal ko, pero hindi naman ibig sabihin, e, hindi na ako tatanggap ng ibang role. Kung ano ang ibigay sa akin ng GMA, gagawin ko sa pinaka-best ng kakayahan ko."

Kuwento pa ni Chynna, sobra rin siyang natuwa kay Princess Punzalan, na gumaganap naman bilang witch fairy sa The Last Prince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo, hindi pa kami nagkakatrabaho, hindi pa kami nagmi-meet before. Hindi rin kami magkakaroon ng eksena na magkasama kasi. Pero ikinukuwento nga ng ibang co-stars ko, sobrang galing niya sa mga eksena niya.

"Nang makita ko, wow, alam mo yun, 'Mahal kita Ms. Princess Punzalan!' Grabe! Napaakap ako sa kanya. Alam niyo naman ako, kakaiba akong bata. Ang iniidolo ko, mga bampira! Sa Sleeping Beauty ng Disney, ang gusto ko si Maleficent! So, noong makita ko siya [Princess] at ni-reveal pa siya kanina... di ba, siya ang huling ni-reveal? Para akong fan!" natatawa niyang sabi.

GOODBYE 2009, HELLO 2010. Para kay Chynna, naging maganda ang taong 2009.

"It was the year na first time kong nakatrabaho si Direk Joel Lamangan. Nagkaroon ako ng breakthrough role sa Paano Ba Ang Mangarap? na talaga nga namang bongga sa kasamaan, pero nagkaroon naman ng tatak sa mga tao.

"Nakikita ko kapag nagpupunta ako sa mga target market talaga ng GMA, kilala nila ako bilang si Maya [her character's name in Paano Ba Ang Mangarap?] hanggang ngayon. Kaya masaya ako dun. Aside from that, tuloy-tuloy naman ang work ko sa SOP. Nag-indie film din ako, kaya nice naman ang nangyari sa last year ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kahit yung mga tragedies na nangyari sa Philippines, iba rin yung napa-realize sa akin. Na kaming mga artista, hindi ko akalain na kaya naming magtulungan para sa mga tao at nakita ko rin ang genuine drive ng mga kaibigan ko."

Masaya rin si Chynna na sa pagpasok ng bagong taon ay may bago siya agad na primetime series.

"Parang first time ko yata na maging part ng opening salvo," banggit ng young actress. "So, parang napakagandang start ng taon para sa akin. Yun din ang rason kung bakit ako palagi nagiging part ng New Year countdown. Gusto ko yung part ng bagong taon, busy ka agad.

"Actually, hindi ko talaga alam ang magiging resulta ng story namin. Pero noong makita ko kanina, tuwang-tuwa talaga ako. Parang bumalik ako sa pagkabata. Tapos, sana, tuloy-tuloy na ganun siya ka-magical para matuwa ang mga bata."

What does she look forward to this year?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, mas bongga sa 2009," sagot ni Chynna. "Nakita ko yung mga series na ilalabas ng GMA, kahit saan ako mapabilang dun, parang ang saya lang. Alam mo yun, marami pa rin akong naiisip na gawin sa 2010 para mas... hindi lang sa career ko kundi sa sarili ko. Tapos, marami kaming naiisip na nag-i-stir ng creativity namin that something to look forward din."

Pagdating naman sa kanyang personal life, kahit magse-seven years na ang relationship nila ng boyfriend na si Railey Valeroso, hindi pa rin daw nila naiisip ang magpakasal.

"No, not this year... hindi ko masasabi kung what year. Hindi ko rin masasabi what age. Happy naman ako, okey lang. Sabi ko nga, kaming dalawa, enjoy lang kami. Ayaw namin ng nape-pressure kaya siguro matagal din. Happy lang," pagtatapos ni Chynna.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Character roles talaga ang goal ko, pero hindi naman ibig sabihin, e, hindi na ako tatanggap ng ibang role. Kung ano ang ibigay sa akin ng GMA, gagawin ko sa pinaka-best ng kakayahan ko," says Chynna Ortaleza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results