Bagama't isa sa mga hosts ng Entertainment Live si Luis Manzano, hindi siya nakaligtas sa pang-iintriga ng mga co-hosts niyang sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Mariel Rodriguez.
Isang special interview ang isinagawa ng E-Live girls kay Luis kahapon, January 9, kaugnay sa ex-girlfriend nitong si Angel Locsin. Nataon pa ito sa huling araw ni Luis sa E-Live dahil magiging busy na ito sa malapit nang ipalabas na bagong talent show ng ABS-CBN, Pilipinas Got Talent, kung saan isa si Luis sa mga hosts along with Billy Crawford.
Lalong umigting ang isyung Luis at Angel dahil sa pagsulpot ng mga bagong manliligaw ng award-winning actress. Isa rito ay ang 2009 CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida. Kinausap pa nga raw mismo ni Efren ang tatay ni Angel.
Nandiyan din ang vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, pero pinabulaanan ni Angel na nanliligaw sa kanya ito. Close friends lang daw sila ni Chito, lalo na sa barkadahang Ampalaya Anonymous na naging Calamansi Anonymous. Ito'y isang grupong itinayo ni Angel para sa mga celebrities at mga non-showbiz friends na nakaranas ng recent breakups. Kasama dito sina Cristine Reyes, Bubbles Paraiso, Maxene Magalona, Champ Lui-Pio ng bandang Hale at Bianca King.
Mukha namang hindi pahuhuli si Luis kina Efren at Chito dahil nag-uumpisa na namang manuyo ito kay Angel para ituloy ang kanilang naputol na relasyon.
REAL REASON FOR BREAKUP. Sinimulan ni Toni ang pagtatanong kay Luis, at once and for all sana ay makukuha na ang sagot kung bakit naghiwalay sila ni Angel. Pero di pa rin pinagbigyan ito ng co-host.
"Sa amin kasi ni Angel, we started out na even if showbiz kami, we chose to keep it very, very private. Wala naman kaming pino-promote na pelikula, pino-promote na serye. So, lahat ng mga pinagdaanan namin, as much as possible we would like to keep it between ourselves," pakiusap ni Luis.
"It was a very, very personal issue. And especially lahat ng mga naglabasang issue, walang katotohanan yun. Kahit ako nagulat sa mga ganung isyu. It's betwen Angel and I kung anuman yung naging problema naming dalawa."
NOT THREATENED BY ANGEL'S NEW SUITORS. Si Bianca naman ang sumunod na nagtanong. Ayon sa morenang TV host, "Si Angel na ang sumagot sa kanyang VTR na you are communicating. Since you are communicating right now, how do you feel na maraming nagpaparamdam kay Angel? Like nandiyan ang panliligaw ni Ef [Efren Peñaflorida] o kung sinu-sino pa mang nandiyan sa tabi. Nate-threatened ka ba?"
"You know, nung kami pa nga ni Angel, it was one of those things na alam ko na pag magkasama kami sa mall, o kahit saan man, I know for a fact na at least ninety-nine percent of the guys na nakikita ko, admire Angel. At yung one percent kahit na siguro gay ay talagang ina-admire pa rin siya dahil sa kanyang kagandahan at sa kanyang puso.
"If I feel being threatened? Ayokong isipin yun. Ang sa akin is, we're starting all over again. So, might as well start the right way. Ayokong isipin yung mga external factors na yun na ganyan dahil makakagulo lang yun kung anuman yung gusto naming ayusin or kung ano ang gusto kong mangyari between us.
"Ang sa akin it's between Angel and I. Wala namang kinalaman kung sinuman [ang nanliligaw kay Angel]. That doesn't mean na wala akong respeto sa kanila."
WINNING ANGEL BACK. Tanong naman ni Mariel, "Sinabi mo na kanina na binabalikan mo si Angel..."
"Yes," sambit ni Luis bilang kumpirmasyon na nanliligaw nga ulit siya kay Angel.
What are you doing to win her back?






siguro, di alam ng ilan as inyo...Oyo boy was tried to get back with Angel pero natauhan na si Gel and she moved on....kasi kahit magkabalikan ang dating mag bfgf...ther is always the tendency ng mga di pagkakaintindihan...
and right....Luis saw a competition...hindi lang kay efren or chito..kundi sa mga leading man ni Gel na this 2010....si Jlc at5 Vhong..remember mga freinds daw nya yang mga yan kaya alam na alam nya ang mga takbo ng utak...di ba naman...
luis told ruffa he's trying to win angel back, and make up for his mistakes in the past he realized that angel is a good girl worth fighting for
awwwwwwwwwwwwwwww how sweet!
tito boys said it takes a lot of courage, a lot of humility and lot of love on the part of luis. you should always give love a 2nd chance.
pati si ruffa kinilig.
tama un sinabi ni kris sa the buzz, may foundation na kayo and luis was there at the lowest point of your life ready to defend you. HE IS YOUR KNIGHT IN SHINING ARMOR.
both your families are favor sa relationship nyo. so please give each other another try.
spicy1
ai sinabi mo pati ako very proud dahil angelights ako..ang haba ng hair ni Angel talaga....pang buena pamilya siya heeheheh kaya inggit na inggit sila kay Angel dahil idol nila..wala ka man lang nababalitaang nililigawan ng isang lalakeng galing sa buena pamilya...Eh hindi naman kasi siya disenteng tignan eh..walang K iparada sa Alta Sosyedad! lol
imagine pag nakatalikod parang may suot na pampers! nyahaahahah at parang nalalaglag ang pampers dahil mababa ang lagay hihihihhi