PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony Fernandez goes under the knife next week for cyst removal

His later father's reflection supposedly showed up in one scene of Shake, Rattle & Roll.
by Rose Garcia
Published Jan 10, 2010
Mark Anthony is taking better care of his health since his father Rudy Fernandez's death from cancer in 2008.

Noong nakaraang Metro Manila Film Festival, may kumalat na balita na sa isang eksena ng Shake, Rattle & Roll, imbes na si Mark Anthony Fernandez ang makikita sa salamin, reflection daw ng yumaong ama nitong si Rudy Fernandez ang bumulaga sa screen.

Tinanong ng Startalk si Mark tungkol dito noong siya'y nate-taping para sa Show Me Da Manny.

"Well, ako, iniisip ko na lang, kasi, ako yung tao run, e. Ako yung gumanon sa salamin kaya alam ko na ako rin yun. Iniisip ko, baka iniisip ng ibang tao, espiritu ni Papa. Alam ko si Papa, nasa heaven na siya. Iniisip ko, yung reflection na yun, buenas."

Up to this day, Mark still hasn't gotten over the loss of his father.

"Kaya noong minsan, may nagsabi sa akin na, 'Patay na ang papa mo.' Nag-iinit ang ulo ko run. Parang, 'Ano ang gusto mong palabasin, patay na ang papa ko?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Mark, "Noong una, medyo manhid pa. Pero itong year na ito, naramdaman ko. Mabuti na lang, pagbukas ko ng TV, napanood ko naman yung Bubble Gang, naaliw ako."

OPERATION. Alam naman daw niya ang sanhi ng pagkamatay ng tatay niya. At dahil dito, mas nag-iingat na siya sa kanyang kalusugan. In fact, next week na ang scheduled operation ni Mark sa Belo Medical Clinic para tanggalin na ang cyst na may half-inch ang laki sa dibdib niya. Ito ang dahilan kung bakit nagbitiw siya sa Darna.

"Para makapag-ready po ako sa next show na bubuksan din ng same team ng Darna. Sabi ko, kailangan ko nang maghanda para sa Divas naman. At the same time, I'll go on minor operation."

Hindi man daw sila magkakatrabaho pa ni Marian Rivera sa Darna, at least nagkasama pa rin daw sila nang mag-guest siya sa comedy show ng aktres.

"At least, comedy naman ang ginagawa namin sa Show Me Da Manny."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abot-abot naman ang paghingi ng paumanhin ni Mark sa dating girlfriend na si Claudine Barretto sa hindi niya pagsipot sa meeting nila para sa pelikulang pagsasamahan nilang muli.

"Gusto kong mag-sorry kay Claudine, kay Boss Vic del Rosario, kay Veronique [del Rosario] kung bakit hindi ako nakarating ng araw na yun. That night, nag-usap kami ng manager ko. Sabi niya sa akin, 'Magkakaproblema sa scheduling. Hayaan mo na ako na lang ang pumunta, ako na lang ang kumausap.'

"Unfortunately, something came up noong papunta na siya sa meeting na yun kaya medyo na-offend nang konti yung kabilang kampo dahil sa hindi pagdating ni Sir Dondon [Monteverde, ang kanyang manager]."

Nakapag-sorry naman nang personal si Mark kay Claudine.

"Ini-explain ko sa kanya yung mga nangyari. Basically yung mga pinag-usapan namin, professional lang. On a professional side."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony is taking better care of his health since his father Rudy Fernandez's death from cancer in 2008.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results