Nag-isang taon nitong nakaraang November ang anak ni Paolo Ballesteros na si Keira Claire. Parang kailan lang noong tumungo ng U.S. ang aktor para samahan sa panganganak ang ex-girlfriend na si Kaye. Mismong sa birthday ni Paolo, November 29, naisilang ang bata.
Nasa States ngayon si Kaye, kaya nasa kanyang lola siya ngayon sa Capitol Hills, Quezon City.
"So napupuntahan ko siya kapag wala akong taping," kuwento ni Paolo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Last Prince ng GMA-7.
After more than a year, ano ang feeling ng pagiging isang tatay?
"Of course, ang sarap ng feeling, ibang klase," nakangiting saad niya.
BRINGING UP KEIRA. Okay naman daw sila ni Kaye.
"Umuwi nga siya nung birthday ng anak namin nung November, tapos dito siya nag-Christmas tapos umalis siya nung gabi ng December 25 kasi may trabaho siya ng 26."
Sa Chicago nagtatrabaho si Kaye. Dati silang magkasintahan ni Paolo noong estudyante pa sila sa Baguio.
"Ayun pinag-uusapan pa rin namin kung anong gagawin namin," sabi ni Paolo.
Wala nang relasyon ang dalawa pero magkaibigan pa rin sila at magkatuwang sa pagpapalaki kay Keira Claire.
Sa isang buong taon mula nang isilang si Keira ay mas madalas na nasa poder ito ng ina ni Kaye.
"Mabait naman yung mommy niya so any time puwede akong pumunta dun.
"Pinag-usapan namin na dun muna yung bata. Pero hindi ko pa alam kung hanggang kailan yung setup na ganun. Siguro pag-uusapan pa ulit namin.
"Kasi ako meron din akong mga tapings, so maganda na yung natututukan yung baby. At hindi naman nilalayo sa akin."
WORKING WITH GODMOTHER EULA. Sa The Last Prince, gumaganap si Paolo bilang si Anexi na kaibigan ni Prinsipe Almiro, ang role ni Aljur Abrenica.






Keep it up Paolo, pero in fairness Pretty ka pa sa mga Baba Boom girls Ha.
In fairness,super pretty siya kapag naka Precious Paula siya,lalo na nung Sabado sa Bababoom. Mas maganda pa siya sa mga babae. Wala akong nakikitang masama kung gay man siya,unti unti na din siyang nagpapakita ng sign na aamin na talaga siya. Hwag naman sana siyang yurakin ng iba.