Nagkabati na pala ang aktres na si Snooky Serna at ang Regal matriarch na si Lily Monteverde. During the wake ina ni Snooky na si Mila Ocampo, who died last January 6, ay isa si Mother Lily sa nagpunta rito.
For the record, sumama ang loob ni Mother Lily kay Snooky dahil sa pagiging pasaway ng aktres noon. May mga times kasi na hindi sinisipot ni Snooky ang shooting ng pelikulang ginawa niya sa Regal Films. Minsan naman ay laging late ng ilang oras kung dumating si Snooky sa shooting. Dahil dito, hindi na nga kinausap ni Mother Lily si Snooky ng ilang taon. Kung hindi pa namatay ang mommy ni Snooky ay hindi pa sila magkakabati ng Regal matriarch.
"Si Mother ang isa sa mga unang dumalaw," banggit ni Snooky. "Na-surprise nga ako kasi hindi ko talaga akalain na sa lahat ng trouble na nangyari sa amin, maiisip pa niyang dumalaw sa amin. Kasi nagpadala na siya ng flowers, e. Nagulat ako the next day pumunta pa siya at nagtagal pa siya sa funeral parlor."
Dagdag pa niya, "Na-feel ko na naman yung love niya. 'Baby' na naman ang tawag sa akin ni Mother. Kilig na naman ako as usual kapag ganoon ang tawag niya sa akin."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Snooky kagabi, January 10, sa presscon ng Sagrada Familia na ginawa sa Puti Bar, Timog, Q.C.
Mga ilang taon ba silang hindi nag-usap ni Mother Lily?
"Ilang years ba kaming hindi nag-usap? Alam ninyo, too many years to mention. Ang tagal-tagal naming hindi nag-usap talaga. Sumama talaga yung loob ni Mother Lily sa akin. And hindi ko naman siya masisisi talaga kasi marami naman talaga akong naibigay na sama ng loob sa kanya noon. And I say this truthfully with a sincere repenting heart na I feel sorry na nasaktan ko si Mother.
"Ako kasi, matigas yung ulo ko, e. Very rebellious yung nature ko. Very stubborn ako. Ang madalas na nangyayari sa amin ni Mother noon, parang nagkakaroon kami ng clash of ideas or clash of opinions, parang ganoon"
Kahit nagkabati na sina Snooky at Mother Lily ay hindi ito nangangahulugan na posible nang bigyan ulit ng Regal matriarch ng pelikula ang aktres.
"Presinta nga ako nang presinta kay Mother, pero dedma lang siya!" tawa niya. "Pero sana naman ma-soften na yung heart niya na kunin niya ako ulit. Na bigyan niya ako ng isa pang chance. Nami-miss ko na yung mga days ko sa Regal."
NOT INSECURE WITH GLORIA DIAZ. May natapos gawing pelikula si Snooky. Ito nga ay ang Sagrada Familia kung saan gumaganap siya bilang nanay ni Lovi Poe. Si Emilio Garcia ang asawa niya at si Gloria Diaz naman ang gumaganap na biyenan niya.
May naisulat sa isang pahayagan na diumano'y na-insecure daw si Snooky kay Gloria. Mas maganda raw kasi ang role nito kumpara sa kanya at mas naalagaan daw ang role ng veteran actress.
Nagbigay siya ng pahayag tungkol sa sinasabing insecurity niya diumano kay Gloria.
"Alam niyo ako, kung meron man akong konting insecurity, siguro it's a positive insecurity na para bang, 'Wow, ang galing namang umarte nitong babaeng ito. Sana I wish I could act as good as her.' Pero hindi yung insecutiry in a negative way na para bang may kahalong inggit or what.
"I've always been a fan of Gloria Diaz. So there's no way of making insecure. If not pa nga, happy ako na na-fulfill niya yung role niya as a mother to Emilio and lola to Lovi. Very deglamourized siya sa movie, unlike the usual Gloria Diaz that we know," mahabang saad ni Snooky.
Maraming nakakapansin na kapag may ginagawang pelikula si Snooky ay lagi siyang naiintriga. Ano ang masasabi niya rito?
"Di ba, sabi nila kapag daw ang puno ay hitik, binabato siya? Kaya nga sabi ko sa sarili ko, hindi po sa pagmamayabang, hitik pa rin pala ang puno ko kaya binabato pa rin ako. E, di okey lang. Tutal naman, I believe in the saying that the truth will always prevail," saad ni Snooky.
