news

Snooky Serna makes peace with Mother Lily

by Rommel Placente posted on January 11, 2010  STATS: 225 Views | 10 Comments

 

 

"Di ba, sabi nila kapag daw ang puno ay hitik, binabato siya? Kaya nga sabi ko sa sarili ko, hindi po sa pagmamayabang, hitik pa rin pala ang puno ko kaya binabato pa rin ako. E, di okey lang. Tutal naman, I believe in the saying that the truth will always prevail," says Snooky Serna.

Photo By: Noel Orsal

Nagkabati na pala ang aktres na si Snooky Serna at ang Regal matriarch na si Lily Monteverde. During the wake ina ni Snooky na si Mila Ocampo, who died last January 6, ay isa si Mother Lily sa nagpunta rito.

For the record, sumama ang loob ni Mother Lily kay Snooky dahil sa pagiging pasaway ng aktres noon. May mga times kasi na hindi sinisipot ni Snooky ang shooting ng pelikulang ginawa niya sa Regal Films. Minsan naman ay laging late ng ilang oras kung dumating si Snooky sa shooting. Dahil dito, hindi na nga kinausap ni Mother Lily si Snooky ng ilang taon. Kung hindi pa namatay ang mommy ni Snooky ay hindi pa sila magkakabati ng Regal matriarch.

"Si Mother ang isa sa mga unang dumalaw," banggit ni Snooky. "Na-surprise nga ako kasi hindi ko talaga akalain na sa lahat ng trouble na nangyari sa amin, maiisip pa niyang dumalaw sa amin. Kasi nagpadala na siya ng flowers, e. Nagulat ako the next day pumunta pa siya at nagtagal pa siya sa funeral parlor."

Dagdag pa niya, "Na-feel ko na naman yung love niya. 'Baby' na naman ang tawag sa akin ni Mother. Kilig na naman ako as usual kapag ganoon ang tawag niya sa akin."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Snooky kagabi, January 10, sa presscon ng Sagrada Familia na ginawa sa Puti Bar, Timog, Q.C.

Mga ilang taon ba silang hindi nag-usap ni Mother Lily?

"Ilang years ba kaming hindi nag-usap? Alam ninyo, too many years to mention. Ang tagal-tagal naming hindi nag-usap talaga. Sumama talaga yung loob ni Mother Lily sa akin. And hindi ko naman siya masisisi talaga kasi marami naman talaga akong naibigay na sama ng loob sa kanya noon. And I say this truthfully with a sincere repenting heart na I feel sorry na nasaktan ko si Mother.

"Ako kasi, matigas yung ulo ko, e. Very rebellious yung nature ko. Very stubborn ako. Ang madalas na nangyayari sa amin ni Mother noon, parang nagkakaroon kami ng clash of ideas or clash of opinions, parang ganoon"

Kahit nagkabati na sina Snooky at Mother Lily ay hindi ito nangangahulugan na posible nang bigyan ulit ng Regal matriarch ng pelikula ang aktres.

"Presinta nga ako nang presinta kay Mother, pero dedma lang siya!" tawa niya. "Pero sana naman ma-soften na yung heart niya na kunin niya ako ulit. Na bigyan niya ako ng isa pang chance. Nami-miss ko na yung mga days ko sa Regal." 

NOT INSECURE WITH GLORIA DIAZ. May natapos gawing pelikula si Snooky. Ito nga ay ang Sagrada Familia kung saan gumaganap siya bilang nanay ni Lovi Poe. Si Emilio Garcia ang asawa niya at si Gloria Diaz naman ang gumaganap na biyenan niya.

May naisulat sa isang pahayagan na diumano'y na-insecure daw si Snooky kay Gloria. Mas maganda raw kasi ang role nito kumpara sa kanya at mas naalagaan daw ang role ng veteran actress.

Nagbigay siya ng pahayag tungkol sa sinasabing insecurity niya diumano kay Gloria.

"Alam niyo ako, kung meron man akong konting insecurity, siguro it's a positive insecurity na para bang, 'Wow, ang galing namang umarte nitong babaeng ito. Sana I wish I could act as good as her.' Pero hindi yung insecutiry in a negative way na para bang may kahalong inggit or what.

"I've always been a fan of Gloria Diaz. So there's no way of making insecure. If not pa nga, happy ako na na-fulfill niya yung role niya as a mother to Emilio and lola to Lovi. Very deglamourized siya sa movie, unlike the usual Gloria Diaz that we know," mahabang saad ni Snooky.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  panyera

    01/13/2010 | 06:16 AM
    madatung na ang snooky ok lang maski di sya bigyan ng project ni mother lily ang mahalaga ang friendship nila ay ok na.snooky is a great actress me puwang talaga sya sa showbiz sya ng ang taong type ng showbiz pero ang snooky me ayaw sa showbiz kaya sya tinatamad haay sayang kaya ang mga time na nasayang nya.yung iba dyan maging artista lang sasali pa sa mga pacontest at nagtitiis sa mahahabang pila for audition.good luck to snooky habang me buhay me pag asa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • imyselfandi

    01/13/2010 | 12:10 AM
    One of the best ka talaga SNOOKY, wag lang mag paka tamad sa trabaho.

    Showbiz is the place for you. GOOD LUCK!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • catalina

    01/12/2010 | 07:30 AM
    In fairness magaling talagang artista si Snooky. Yun nga lang mga prsonal demons niya yung tardiness at absenteeism niya. Kung mabago niya yun, baka tuloy-tuloy na ang mga pagdating sa kanya ng movie projects. Condolence sa pagyao ng mother niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • southerngirl

    01/12/2010 | 03:49 AM
    Ganyan talaga ang ina. Pusong mammon. Kung anak mo naging pasaway at nakita mong nag sorry na hindi mo ba patatawarin? So glad bati na silang dalawa. Higit sa lahat ngayon kailangan ni Snooky ng mother figure sa buhay niya dahil kamamatay pa mandin ng nanay niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • isseymiyaki

    01/12/2010 | 12:49 AM
    the truth will prevail? para saan un? naconfused na ata ako...sige na nga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Clara Pastor

    01/11/2010 | 10:57 PM
    hoped for the best snooky.huwag k ng magpabaya s career mo not only in acting kundi sa magandang kapalaran na dumating sa buhay mo,you are lucky enough na may isang tao na nagmamahal sa yo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • paket

    01/11/2010 | 08:10 PM
    may kuliling yata si snooky no?? para lang naman hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sorethumb

    01/11/2010 | 07:52 PM
    I think Mother's going to the wake of Snooky's mom is a very good omen. Chinese yang si Mother, alam niya ang tamang paraan at panahon kung dapat at hindi na siya makipagbalikan kay Kukay, if you ask me, Mother kahit matapang ay may soft spot pa rin kay Kukay. Let's face it, ang sama ng loob, pag nag-heal, mas maganda ang samahan. How was it said? quot;Love is lovelier, the second time around?quot; Sagrada's not only a work of art, it's a masterpiece. Snooky has lost projects in the past, and has bounced back. She has a good manager amp; a lot of good-influence friends around her these days socio-civic, business industry, etc. I think she's in good company amp; has really learned her lessons well than before.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • blondie

    01/11/2010 | 03:03 PM
    Sana makabalik na siya dto sa agrada familia. abi ni Maria Bautista fil critic na her performance is tour-de-force.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • myrnav

    01/11/2010 | 02:28 PM

    Snooky seems so unstable that she is losing projects.


    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About