Napasabak agad sa intriga ang latest Pinoy Big Brother Double Up evictee na si Sam Pinto sa kanyang live guesting sa The Buzz noong January 10. Kaagad kasing tinanong ng mga host na sina Boy Abunda, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino kung totoo nga bang naging boyfriend ni Sam ang aktor na si Jake Cuenca?
Itinanggi ito ni Sam, pero inamin niya na nanligaw sa kanya noon si Jake bago pa ito sumikat nang husto sa ABS-CBN. Ngunit naudlot din daw ang panliligaw ng aktor nang maging busy ito sa kanyang TV projects.
"Ayun, naging busy siya sa soap niya... Tayong Dalawa," sambit ni Sam.
Tanong ni Kris, "Tapos, parang hindi ka na niya pinansin because he was busy?"
"Yeah!" sagot ni Sam.
Na-hurt ba siya?
"A bit, yeah."
May communication pa ba sila after nito?
"After that, wala na."
Ang masakit daw para kay Sam ay hindi man lang daw siya kinausap ni Jake para ipaliwanag na gusto munang mag-focus ng aktor sa career nito. Parang nawala na lang daw itong bigla.
Napalitan na ba niya si Jake?
"No."
May dine-date na ba siya ngayon?
"Wala. I don't like. Wala lang."
Ngayon, no hard feelings na raw siya para kay Jake at may mensahe pa nga siya para sa aktor.






TO NO. 55: very good! well research ka. at least, may basis ka. dumami pa sana ang katulad mo. keep it up, girl!
iwasan mo na lang si jake, baka mapariwara ka lang. ikaw rin.
sweet at angelic ang mukha..
i like her
isa lang masasabi ko. ang ganda ni sam!
Sana Sam Paguita nalang. joke! or San Acosta, yun namin middle name nya.
pretty tlga si sam pero no appeal. well, atleast for me.
tsaka yeah,feeling na rin. she might be matalino like sa studies nya? or dahil englisher like what rica says sya pero hindi nakakadala ng conversation. boo yun para sakin. cguro boring ito kasama. well opinion ko lang yun.
I dont think rica ever mentioned na she doesnt like SAM, i think she refered to another housemate na plastic but its not SAM, but correct me if im wrong.
very pretty lady. hope that mag-workshop sya to enhance and discover her hidden talent.
hayaan mo na si jake cuenca...hindi mo sya kawalan sam! at least, my big revelation ka about him! hahaha! mahilig pa lang mang-iwan sa ere, kaya siguro binasted ni bea!
pero maganda talaga sya..
hi, Sam!