"Matagal ko nang pangarap 'yan. Alam mo ang Filipino, may sikat na singers. Kumakanta sa Journey [Arnel Pineda], si Lea [Salonga], si Charice Pempengco... May ganun tayo, nananalo tayo sa mga contests. We have nice Filipino songs na talagang memorized ng buong bayan. Pero, bakit wala tayong musical?" says director Chito Roño about directing his new movie genre for the first time.

Photo: Noel Orsal

Hindi na halos matandaan ni Direk Chito Roño kung ano ang huling series na idinirek niya sa telebisyon. But as far as he remembers, Spirits raw yata ang last TV show niya five years ago pa. Sa Lastikman, which starred Vhong Navarro, naman daw ay prologue lang ang ginawa niya. Parehong sa ABS-CBN ipinalabas ang Spirits at Lastikman.

Kaya aminado si Direk Chito na na-miss niya ang pagdidirek sa telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang directing job sa upcoming afternoon series ng ABS-CBN na Magkano ang Iyong Dangal?, which stars Bangs Garcia, Sid Lucero, and Rayver Cruz. Magsisimula na itong umere sa January 25 pagkatapos ng Wowowee.

"Nagkaroon ng opening to direct a TV series. Maikli lang naman. Minimum of one season, tapos na ang kuwento. Kaya sabi ko, sige. Type ko talagang balikan ang TV. Tapos sabi ko, puwedeng sampalan na lang, iyakan? Walang mga chroma at kung ano-anong effects? Although, I really enjoyed effects. But this is really a soap opera to the max," pahayag ng award-winning director tungkol sa Magkano ang Iyong Dangal?

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Chito sa set visit ng Magkano ang Iyong Dangal? sa Marikina Riverbanks noong Biyernes, January 8. (CLICK HERE to learn more about this TV show)

FIRST FULL-LENGTH MUSICAL FILM. Bukod sa Magkano ang Iyong Dangal?, tinatapos din ni Direk Chito ang para sa kanya'y "one of his most ambitious films"—ang musical na Emir. In fact, kasalukuyang nasa Morocco si Direk Chito para sa shooting ng naturang indie film.

"I'm very excited. It's entitled Emir. Royal title siya sa Middle East. Yung Emirates, di ba, may seven emirs yata that comprise emirates? It's a full-length musical na parang ang ibig sabihin nun, it's like a Broadway-type na musical na konti lang ang spoken lines. Pero I have like 21 or 22 songs," kuwento niya.

Ang Emir ba ang isa sa most ambitious projects niya?

"Talagang ambitious kasi hindi ako marunong gumawa ng musical!" natatawang sabi niya. "Kumbaga, inspired lang ako. Pangarap kong gawin dahil gustung-gusto ko ang musical. Tapos, gusto kong ipakita sa Filipino na may iba tayong genre that we can be proud of. 

"Ang gagaling ng mga composers natin, ang gagaling ng mga singers natin. Ilagay natin sa isang dramatic vehicle. Ito talaga, it's an entire dramatic retelling of story or telling of the story by using music and dance."

All-original Filipino songs daw ang maririnig sa kabuuan ng Emir, na ginawa ng ilang Filipino composers like Gary Granada, Diwa de Leon, Ebe [of Sugarfree] and Vin Dancel [of Peryodiko]. Sa ending ay may surprise song din daw.

Ayon sa direktor, never pa palang nagkaroon talaga ng full-length musical produced sa Pilipinas.

"Never naman... never tayong nagkaroon ng talagang full musical na parang Sweeney Todd, Chicago... na parang song and dances are really part of the dramatic storytelling. Na yung mga lines, kinakanta talaga."

DREAM COME TRUE. Was it really his dream to direct a full-length musical?

"Matagal ko nang pangarap 'yan," sambit ni Direk Chito. "Alam mo ang Filipino, may sikat na singers. Kumakanta sa Journey [Arnel Pineda], si Lea [Salonga], si Charice Pempengco... May ganun tayo, nananalo tayo sa mga contests. We have nice Filipino songs na talagang memorized ng buong bayan. Pero, bakit wala tayong musical?"