"Itutuloy ko yung kaso para hindi na ito maulit. Kasi kung ganun lang mangyayari, e, di lahat ng tao magugulat na lang kayo, yung mga anak ninyo, mga pamangkin ninyo, na-video na diyan ng kung sino-sino. Kung hindi man sex video, mamaya may nagtatago ng hidden cam. At least, sa paglabas ko, kahit papa'no, nakatulong din sa atin, na nakatulong din sa ibang tao na warning na para gawin yun," says Katrina Halili about the case she filed against Hayden Kho.
Katrina Halili can forgive Hayden Kho but will still pursue case against him
Wednesday, January 13, 2010
06:55 PM
Rating
Halos kasabay ng birthday ni Katrina Halili last January 4 ang pagsampa sa korte ng kasong inihain niya laban kay Hayden Kho. Kaya itinuturing ng aktres na "birthday gift" ito para sa kanya.
"Opo, siyempre naman, di ba? Masaya din ako kasi nangangahulugan lang na may kaso talaga. 'Tsaka ang haba ng mga nilakad ko sa kaso, di ba? Nag-PRC [Professional Regulation Commission], nag-PMA [Philippine Medical Association] ako, nag-DOJ [Department of Justice], nag-Senate pa ako. Tapos lahat yun, ikukuwento mo isa-isa. Tapos lahat yun, tatanungin ka. Nakakapagod yun. Pero at least, may mga nangyayari sa ginawa ko," saad ni Katrina sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Paano at kailan niya nalaman na sumampa na sa korte ang kaso na inihain niya laban kay Hayden?
"Nalaman ko, tumawag sa akin yung Papa ko. Tapos attorney ko, tumawag. Yun nga raw, may kaso. Kaya lang, natunugan 'ata ni Hayden agad kaya hindi ko siya naposasan... Hindi, joke!" biro niya.
Pero dugtong niya, "Well, sana lang nakulong siya. Kaya lang nakapagpiyansa siya agad. Kahit one hour lang. Ma-piktyuran ko lang sana siya."
Nag-voluntary surrender kasi si Hayden at agad nakapag-post ng P20,000 bail. (CLICK HERE to read related story.)
KATRINA WANTS HAYDEN BEHIND BARS. Firm pa rin talaga si Katrina sa pagnanasa niyang makulong si Hayden dahil sa pagkuha nito ng sex video nila na kumalat sa Internet.
"Siyempre po, sana makulong siya para po sa mga nagawa niya. Kasi sa lahat ng mga nagawa niya, parang puro ano... Huwag na lang, baka ma-quote-unquote ako na mayabang. Kasi, parang sa tingin ng tao, siya yung kawawa, ganun," bitin na sabi ni Katrina.
Ganun pa rin ba kataas ang level ng galit niya kay Hayden?
"Opo, pero ginagawa ko lang po ito para hindi siya gayahin ng ibang tao," paliwanag niya. "Para matuto po yung ibang tao na huwag gawin yun, yun po. Kasi yung sa akin, kaya ko na siyang patawarin. Kung sincere siya na hihingi ng tawad, papatawarin ko.
"Itutuloy ko yung kaso para hindi na ito maulit. Kasi kung ganun lang mangyayari, e, di lahat ng tao magugulat na lang kayo, yung mga anak ninyo, mga pamangkin ninyo, na-video na diyan ng kung sino-sino. Kung hindi man sex video, mamaya may nagtatago ng hidden cam. At least, sa paglabas ko, kahit papa'no, nakatulong din sa atin, na nakatulong din sa ibang tao na warning na para gawin yun."
Noong dumaan ang Pasko, naisip ba niya na patawarin na lang si Hayden at ipasa-Diyos na lang ang lahat?
"Mahirap po kasing magpatawad sa isang tao na hindi humihingi ng tawad, di ba?" sagot niya. "Hindi ko naisip yun kasi hindi naman siya humihingi ng tawad, e. At ano kasi, puro trabaho lang inisip ko. Iniisip ko na lalabas na yung warrant of arrest. Yun ang iniisip ko nung Christmas. Kaso, napahaba pa nung Christmas. Pero lumabas naman."
FIRST HEARING. Nakahanda na ba siya sa unang pagdinig ng kaso niya, Violation of R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act) laban kay Hayden sa korte?
"Siyempre po. Pero sa totoo po, ayoko po talaga. 'Tsaka hindi ko kaya. Mahina ang loob. Nilalakasan ko lang ang loob ko kasi ano, e, kailangan kong tapusin [ang laban]. Iniisip ko na lang po, tutulungan ako ng attorney ko, family ko, and siyempre si God, pray. Wala namang ibang makakatulong sa akin kahit ibang tao, sarili ko lang.
"Pero kahit paano, alam ko po na iba kasi kapag nasa korte na kami magharap. Kasi hindi ko alam kung yayabangan pa rin niya ako. Kasi sa tuwing magkikita kami, lagi niya akong niyayabangan. Laging masama ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Yun nga po ang nakakaloka.
"So, paano mo patatawarin ang taong ganun? Ang sama ng tingin sa 'yo. Para siyang babae. Parang nagtataas ng kilay. Bakla ba siya? Joke! Kasi wala namang lalakeng ganun. Kung lalake siya, hindi ka na magsasalita ng kahit ano, kahit may kasalanan ka, di ba?
"Parang ang ano, 'Okey lang 'to, malalampasan ko 'to.' Pinaglalaban ko lang ang sarili ko. Manalo, matalo, haharapin ko yung kaso ko. Ayos lang sa akin. Mahalaga lang sa akin na ipagtanggol ko ang sarili ko, na ipaglaban ko ang sarili ko. Alangan namang itinulak niya ako, dinuruan niya ako sa mukha, ganun na lang, hayaan ko siya? So, ipinaglalaban ko lang ang sarili ko," mahabang pahayag ni Katrina.
Ano ang inaasahan niyang mangyayari ngayong naka-one step forward na siya sa kasong isinampa niya kay Hayden?
"Siyempre, sana po may mangyari sa ipinaglalaban ko. 'Tsaka ako po kasi, ang gusto ko po talaga, malaman niya ang pagkakamali niya. At saka huwag siyang tularan ng ibang tao. Malaman po niya yung mali niya, tapos magsisisi siya. Ngayon po, yung makulong, yung korte na lang po ang magdedesisyon kung ikukulong siya.
- Katrina Halili on Hayden Kho's return to showbiz: "Ow? That guy? He's coming back? Oh, good luck to him!"
- Katrina Halili on next move after contract with GMA-7 expires on March 2012: "Kung ano po 'yong magandang offer na aalagaan ako, doon po ako."
- Katrina Halili's message to Rhian Ramos: "Sana, maging strong lang siya. Sabi ko nga, kapag nalampasan niya ito, at least, mapupunta na siya sa next life niya."
- Katrina Halili denies rumors saying that a DOM is financially supporting her
- Katrina Halili happy that Hayden Kho's medical license is cancelled on the basis of her complaint
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Bianca King says she has introduced rumored boyfriend Dennis Trillo to her mom and lola: " Wala namang problema."
- Kris Bernal and Mark Herras reunite in afternoon soap
- Nancy Castiglione on Vicki Belo and Hayden Kho Jr. split: "I don't really know what's going on."
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
-
Extra Extra
Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Alice, who is based here for now, and her husband, who is based in Canada, plan to spend Christmas in the U.S. As she puts it, they're separated: "By distance ha, hindi sa puso!"
-
Indie
PEP REVIEW: Pintakasi : How art saves
Pintakasi will have February 8 and February 29 screenings in select SM cinemas.
-
Health and Beauty
PEP EXCLUSIVE : Ronnie Liang talks about maintaining his lean frame
What did he do during his break from showbiz?
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

