Halos kasabay ng birthday ni Katrina Halili last January 4 ang pagsampa sa korte ng kasong inihain niya laban kay Hayden Kho. Kaya itinuturing ng aktres na "birthday gift" ito para sa kanya.
"Opo, siyempre naman, di ba? Masaya din ako kasi nangangahulugan lang na may kaso talaga. 'Tsaka ang haba ng mga nilakad ko sa kaso, di ba? Nag-PRC [Professional Regulation Commission], nag-PMA [Philippine Medical Association] ako, nag-DOJ [Department of Justice], nag-Senate pa ako. Tapos lahat yun, ikukuwento mo isa-isa. Tapos lahat yun, tatanungin ka. Nakakapagod yun. Pero at least, may mga nangyayari sa ginawa ko," saad ni Katrina sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Paano at kailan niya nalaman na sumampa na sa korte ang kaso na inihain niya laban kay Hayden?
"Nalaman ko, tumawag sa akin yung Papa ko. Tapos attorney ko, tumawag. Yun nga raw, may kaso. Kaya lang, natunugan 'ata ni Hayden agad kaya hindi ko siya naposasan... Hindi, joke!" biro niya.
Pero dugtong niya, "Well, sana lang nakulong siya. Kaya lang nakapagpiyansa siya agad. Kahit one hour lang. Ma-piktyuran ko lang sana siya."
Nag-voluntary surrender kasi si Hayden at agad nakapag-post ng P20,000 bail. (CLICK HERE to read related story.)
KATRINA WANTS HAYDEN BEHIND BARS. Firm pa rin talaga si Katrina sa pagnanasa niyang makulong si Hayden dahil sa pagkuha nito ng sex video nila na kumalat sa Internet.
"Siyempre po, sana makulong siya para po sa mga nagawa niya. Kasi sa lahat ng mga nagawa niya, parang puro ano... Huwag na lang, baka ma-quote-unquote ako na mayabang. Kasi, parang sa tingin ng tao, siya yung kawawa, ganun," bitin na sabi ni Katrina.
Ganun pa rin ba kataas ang level ng galit niya kay Hayden?
"Opo, pero ginagawa ko lang po ito para hindi siya gayahin ng ibang tao," paliwanag niya. "Para matuto po yung ibang tao na huwag gawin yun, yun po. Kasi yung sa akin, kaya ko na siyang patawarin. Kung sincere siya na hihingi ng tawad, papatawarin ko.
"Itutuloy ko yung kaso para hindi na ito maulit. Kasi kung ganun lang mangyayari, e, di lahat ng tao magugulat na lang kayo, yung mga anak ninyo, mga pamangkin ninyo, na-video na diyan ng kung sino-sino. Kung hindi man sex video, mamaya may nagtatago ng hidden cam. At least, sa paglabas ko, kahit papa'no, nakatulong din sa atin, na nakatulong din sa ibang tao na warning na para gawin yun."
Noong dumaan ang Pasko, naisip ba niya na patawarin na lang si Hayden at ipasa-Diyos na lang ang lahat?
"Mahirap po kasing magpatawad sa isang tao na hindi humihingi ng tawad, di ba?" sagot niya. "Hindi ko naisip yun kasi hindi naman siya humihingi ng tawad, e. At ano kasi, puro trabaho lang inisip ko. Iniisip ko na lalabas na yung warrant of arrest. Yun ang iniisip ko nung Christmas. Kaso, napahaba pa nung Christmas. Pero lumabas naman."
FIRST HEARING. Nakahanda na ba siya sa unang pagdinig ng kaso niya, Violation of R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Children Act) laban kay Hayden sa korte?
"Siyempre po. Pero sa totoo po, ayoko po talaga. 'Tsaka hindi ko kaya. Mahina ang loob. Nilalakasan ko lang ang loob ko kasi ano, e, kailangan kong tapusin [ang laban]. Iniisip ko na lang po, tutulungan ako ng attorney ko, family ko, and siyempre si God, pray. Wala namang ibang makakatulong sa akin kahit ibang tao, sarili ko lang.





pinoy2000
.
ipaglaban ni katrina para maparusahan ang nagvideo sa kanya..well nagrebound lang ang karma, pano naman yung kasalanan niya na pumatol s bf ng may bf di ba?? wag nga magmalinis tong si katina..pwede namang mangati pero wag sa pagmamay ari ng iba, ok?? worse yung nagmamay ari eh hindi ka tinuring na iba!!
Buka ng buka ng bibig, nakakairita na. Paulit ulit lng naman ng sinasabi.
Sana wala ng ganitong article tungkol sa kanila.
Pigang piga na isyu sa iyo. Take a hint girl, wala ka na career kaya stop na. 2010 na eh. Di mo napansin kaw na lng dumadakdak. And read the comments/ sentiments ng mga tao dito sa PEP. Kakainis na eh
cagayana2
Pls. think about it before you react. you are talking nonsense.
bakit hindi ka ba tao? kahoy kaba o creep o non-living things w/out feelings? nangangati nga ang hayop tao pa. normal ka ba na tao? pwede naman yun gagawin w/out taking a video. pero ginawa lang nyang kalaswaan binaboy nya ang gingawa nila. kaya maganda na pinaglalaban nya para matauhan ang mga taong gumagawa ng video sa mga pinag gagawa nila