Katrina Halili can forgive Hayden Kho but will still pursue case against him

Trisha Alvarez
Wednesday, January 13, 2010 @ 06:55PM  |  19727 views

 

"Itutuloy ko yung kaso para hindi na ito maulit. Kasi kung ganun lang mangyayari, e, di lahat ng tao magugulat na lang kayo, yung mga anak ninyo, mga pamangkin ninyo, na-video na diyan ng kung sino-sino. Kung hindi man sex video, mamaya may nagtatago ng hidden cam. At least, sa paglabas ko, kahit papa'no, nakatulong din sa atin, na nakatulong din sa ibang tao na warning na para gawin yun," says Katrina Halili about the case she filed against Hayden Kho.

Photo By: Noel Orsal













"Pero kahit paano, alam ko po na iba kasi kapag nasa korte na kami magharap. Kasi hindi ko alam kung yayabangan pa rin niya ako. Kasi sa tuwing magkikita kami, lagi niya akong niyayabangan. Laging masama ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Yun nga po ang nakakaloka.

"So, paano mo patatawarin ang taong ganun? Ang sama ng tingin sa 'yo. Para siyang babae. Parang nagtataas ng kilay. Bakla ba siya? Joke! Kasi wala namang lalakeng ganun. Kung lalake siya, hindi ka na magsasalita ng kahit ano, kahit may kasalanan ka, di ba?

"Parang ang ano, 'Okey lang 'to, malalampasan ko 'to.' Pinaglalaban ko lang ang sarili ko. Manalo, matalo, haharapin ko yung kaso ko. Ayos lang sa akin. Mahalaga lang sa akin na ipagtanggol ko ang sarili ko, na ipaglaban ko ang sarili ko. Alangan namang itinulak niya ako, dinuruan niya ako sa mukha, ganun na lang, hayaan ko siya? So, ipinaglalaban ko lang ang sarili ko," mahabang pahayag ni Katrina.

Ano ang inaasahan niyang mangyayari ngayong naka-one step forward na siya sa kasong isinampa niya kay Hayden?

"Siyempre, sana po may mangyari sa ipinaglalaban ko. 'Tsaka ako po kasi, ang gusto ko po talaga, malaman niya ang pagkakamali niya. At saka huwag siyang tularan ng ibang tao. Malaman po niya yung mali niya, tapos magsisisi siya. Ngayon po, yung makulong, yung korte na lang po ang magdedesisyon kung  ikukulong siya.

"Ako, malaman lang niya at ma-realize niya. Kasi hanggang ngayon, hindi pa niya nare-realize. At i-clear ko ulit, kasi ako na naman ang lumalabas na mayabang. Hindi po ako nagyayabang. Ipinaglalaban ko lang po ang sarili ko at saka wala naman akong sinabi na malinis akong tao at saka mabait at wala akong kasalanan. May kasalan po ako at hinaharap ko yun. Ipinaglalaban ko lang ang sarili ko," diin ni Katrina.

HAYDEN-VICKI RECONCILIATION. Ano ang reaksiyon niya sa pagbabati nina Hayden at Dra. Vicki Belo?

"Nag-sorry naman kasi siya [Hayden] sa mga taong yun, di ba? So, ayun. Hindi siya humingi ng tawad sa akin," sagot ng aktres.

Patatawarin ba niya si Hayden kapag humingi ito ng tawad sa kanya?

"Kapag humingi siya ng tawad, oo naman po. Tao lang naman po ako. Pero, siyempre, itutuloy ko po yung  kaso," paglilinaw ni Katrina.

Pati mga anak ni Dra. Belo na sina Cristalle at Quark Henares ay napatawad na rin daw si Hayden. Ayon pa kay Cristalle, baka hindi lang bukas ang mata at tenga ni Katrina kaya wala siyang ibang nakikita o naririnig. Ano ang reaksiyon niya rito?

"Yung mga nagsasabi naman po na mga ganyan na tao, e, yung ibang tao. Pero, di ba, si Hayden, parang wala naman? Parang hindi naman siya sincere."

Pakiramdam ba niya ay nag-iisa na lang siyang tumutugis sa mga ginawa ni Hayden?

"Minsan po," sagot ni Katrina. "Kasi nung lumabas po yun, nung inisip ko pa lang na lalaban ako, wala naman akong inisip na kasama, e. Basta sinabi lang ng tatay ko at attorney ko na, 'Kung gusto mong lumaban, nandito lang kami sa likod mo parati. Pero alam mong ikaw lang talaga 'yan.' So, sabi ko, oo."

OTHER PEOPLE INVOLVED. Ayaw namang mag-comment ni Katrina sa dalawang kaibigan ni Hayden na nasangkot din sa uploading ng sex video nila ng dating cosmetic surgeon.

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

96 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name