Isang pamilyar na kanta ni Yeng Constantino, "Hawak Kamay," ang narinig ng entertainment press na dumalo sa New Year get-together with the press na in-organize ni Senator Loren Legarda kagabi, January 13, sa Annabel's restaurant.
Binago ang lyrics ng kanta para umakma sa political jingle na gagamitin ni Sen. Loren sa kanyang kampanya sa muli niyang pagtakbo bilang vice president ng bansa sa May 2010 elections.
Nang ma-interview si Sen. Loren ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay kaagad niyang nilinaw na nabili na niya ang rights para sa naturang kanta. Kaya sigurado raw na hindi magkakaroon ng aberya.
"Binili namin yung rights ng 'Hawak Kamay' music na iaakma... na-change yung ibang lyrics na gagamitin ko. Siyempre, i-acknowledge natin lahat, yung creator, yung original song ni Yeng. Of course, binili natin yung rights ng song. Because it's a political jingle, inakma, we changed the lyrics, pinalitan, at merong ibang kumanta with the same tune, same song, but medyo iba yung lyrics," paliwanag ng senadora.
Naging isyu kasi sa pagitan nina presidential candidate Gilbert "Gibo" Teodoro at singer-composer Rico Blanco ang diumano'y unauthorized na paggamit ng likhang kanta ni Rico na "Posible" bilang political jingle sa TV advertisemet ni Gibo na napapanood sa telebisyon ngayon. (CLICK HERE to read related story.)
"Ako, we bought the rights and it's not very cheap," dagdag pa ni Sen. Loren.
Ayon sa senadora, magsu-shoot pa raw siya ng video, gamit ang "Hawak Kamay" para sa kanyang ilalabas na TV ad.
MOTHER LILY'S SUPPORT. Sa mga nakaraang eleksiyon, naging malapit si Sen. Loren sa entertainment press dahil kay Mother Lily Monteverde. Dahil alam ngang close sila ni Mother Lily, nakuha na ba niya ang suporta nito ngayong 2010 elections?
"Of course!" sambit niya. "Ayokong sumagot para kay Mother, pero siyempre, Mother and I, ang layo na ng aming pinagdaanan, ang dami na. And she's also having her own presscon for me. I'm sure, hihilingin ko sa birthday ko."
Open na kasi na supporter si Mother Lily ni Noynoy Aquino for president, nakasisiguro bang siya ang ikakampanya ni Mother for vice president?
"Of course, hindi lang siya... si Mother, si Father [Remy Monteverde], si Roselle [Monteverde-Teo, anak ni Mother Lily]. Sabi ko, 'Hindi ka puwedeng lumihis dahil ako ay anak mo.' Sabi niya, 'Siyempre naman, 'no.' Nakaukit sa puso niya 'Loren'. I think so. At pag lumihis siya, sumbong niyo sa akin! Hindi, joke lang. Love na love ako ni Mother e," biro ni Sen. Loren.
SHOWBIZ CRUSH. On a lighter note, natanong din si Sen. Loren tungkol sa mga crush niya sa showbiz.
"Oo, marami. Kaya lang, hindi rito, e. Si George Clooney at si Harrison Ford," sabi niya.
Sa local showbiz ba wala siyang crush, like sina Piolo Pascual, Sam Milby, Jericho Rosales, at Dingdong Dantes?
"Oo, lahat yun. Si Piolo kasi noong 2004, sinabi niya—hindi ko siya kilala noon, ha—tinanong sa kanya kung sino ang kanyang presidente at bise presidente noong 2004. Sabi niya, si Bro. Eddie [Villanueva] and Loren Legarda. That was six years ago, thanks to Piolo. Tapos yung nasa billboard ng Bench... si Dingdong."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
17 kummer32
16 kummer32
15 bukopie28
14 tili_2death
13 emma_rose
Hypocrite at sinungaling. grabe yung alipusta nya kay Villar noon dahil sa C5, ngayon kumampi para sa kampanya??!!!
hay Loren, laki ng butas ng ilong mo...
12 totoysipa
Ito ba ang klase ng Vice-President na gusto natin?
11 kummer32
10 kummer32
9 lupine
8 lupine
7 careermuna
6 careermuna
5 dongdai
4 shakshark
3 bukopie28
Ang yabang talaga ng senadora na to. akala mo kung sino. celebrity na daw sya, kaya di na nya kelangan ng mga tulong ng iba pang celebrities.
2 bobcash69
1 ragingbull6