PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang denies report that Wowowee will be reformatted

The comedienne also comments about the 20-day preventive suspension imposed on "Showtime."
Published Jan 15, 2010
"Ano pa ba ang babaguhin sa Wowowee? Me babaguhin pa ba? Ang alam ko, magdadagdag lang ng host," says Pokwang about the rumored reformatting of the ABS-CBN noontime show.

May balitang lumabas na magre-reformat diumano ang noontime variety show ng ABS-CBN na Wowowee, hosted by Willie Revillame. At sa pagbabagong-bihis daw nito ay magbabawas din diumano ng co-hosts.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang comedienne na si Pokwang kagabi, January 14, sa taping ng gag show na Banana Split. Since isa si Pokwang sa co-hosts ng Wowowee ay tinanong namin siya tungkol sa kumakalat na balita.

Magre-reformat nga ba ang Wowowee at magtatanggal ng co-hosts?

"Walang ganoong isyu," tanggi ni Pokwang. "Ano pa ba ang babaguhin sa Wowowee? Me babaguhin pa ba? Ang alam ko, magdadagdag lang ng host."

Ang balita ay si Krista Ranillo raw ang idadagdag na host sa Wowowee. Pabor ba si Pokwang na makasama sa show si Krista kahit negative ang image nito ngayon sa publiko dahil sa pagkakaugnay nito sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao?

"Wala akong balita na siya ang idadagdag," sabi ni Pokwang. "Pero kung saka-sakali, kung sino man, basta lumaki yung pamilya mo, mas masaya, di ba? Saka naayos na naman yung gulo sa kanila ni Manny, di ba? Naklaro na, so bigyan din naman natin ng trabaho yung mga dapat magkatrabaho,"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHOWTIME SUSPENSION. Bago ang Wowowee ay napapanood muna sa ABS-CBN ang isa ring variety show, ang Showtime, hosted by Anne Curtis, Kim Atienza, and Vhong Navarro. Kinukumpara ngayon ang dalawang show. Mas entertaining daw ang Showtime at minsan ay nauungusan na nito sa rating ang Wowowee.

Pero sa kabila nito ay hindi naman daw ikinatuwa ni Pokwang ang ibinigay na 20-day preventive suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Showtime. Sinuspinde dahil sa mga sinabi ng judge ng programa na si Rosanna Roces laban sa resident judge na si Vice Ganda noong January 4 episode at laban sa mga guro noong January 7 episode. (CLICK HERE to read related story.)

"Napapanood namin yung Showtime pag nasa dressing room kami," banggit ni Pokwang. "Kung sinasabi ng iba na mas entertaining yung show nila at mas mataas yung rating, sige, go go go, walang problema sa amin. At least kasamahan namin sila sa ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang natuwa sa amin nung malaman naming sinuspinde ang kanilang show. Unang-una, hindi naman karapat-dapat na ganoong biglaang suspendihin. Na-shock talaga kami, nalungkot din kami kasi kaibigan naman namin sina Anne, sina Vhong at Vice Ganda. Actually si Anne, madalas sa dressing room namin 'yan pagkatapos ng kanilang show. Tumatambay 'yan doon."

Dagdag pa niya, "Nakakabigla lang talaga. Bakit ganito kabilis? Nag-sorry na naman sila, di ba?

Habang suspendido ang Showtime, ang Magpasikat muna ang ipinalit dito, kung saan ay mga artista ang contestants at naglalaban-laban dito. Pero balak din daw suspendihin ito ng MTRCB. Parang hindi rin daw kasi nawala ang Showtime at pinalitan lang ng title. Ang format daw kasi ng Magpasikat ay para ring Showtime.

Ano naman ang masasabi rito ni Pokwang?

"Masyadong nagiging mahigpit yata ngayon ang MTRCB sa ABS. E, siguro mas maganda puro prayer meeting na lang ang ipalabas nila gaya ng 3 o'clock habit. Lahat puro ganoon na lang tutal ayaw naman nila ng masayang show. Dasal-dasal na lang tayo sa harap ng TV, di ba?" biro ni Pokwang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ano pa ba ang babaguhin sa Wowowee? Me babaguhin pa ba? Ang alam ko, magdadagdag lang ng host," says Pokwang about the rumored reformatting of the ABS-CBN noontime show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results