May kumakalat na text message ngayon sa showbiz circles tungkol sa "panunugod" diumano ng TV host-actress na si Kris Aquino sa isang babae na sinasabing nauugnay sa kanyang mister, ang Purefoods basketball player na si James Yap.
Galing diumano sa isang nagngangalang Mayen Austria, o sa kampo nito, ang text message.
Narito ang kabuuang text message na nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga:
Published as is: "To everyone. Kris Aquino passed by house to make me sugod. She spoke to my mom. Very mad, berating us saying i always text and call james. That my mom didn't bring me up right. That we shouldn't be talking to married men. She said she's leaving james and to know that i am the last straw and the reason for their break-up. My family has great respect for Teopacos who are our family friend. Mrs. Teopaco is Cory's youngest sister. My mom raised us right. My mom didn't deserve all that. James missed called and texted na he warned me pupunta siya [Kris] sa house. He called me to apologize and say sorry. Kris said we had something going on. I don't deserve this. Most especially my mom. I have chemical depression and could have easily taken an overdose of pills because of the incident. With the hugs and love of my mom and sisters, and tranquilizers, i'm okay. Do you want Kris to be in malacanang."
BACKGROUND. Bago pa man lumabas sa media ang isyung ito ay nagkausap na sa telepono ang editor-in-chief ng YES! na si Jo-Ann Maglipon at ang prized talent ng ABS-CBN na si Kris Aquino, noong Huwebes ng tanghali, January 14.
Sa pag-uusap na iyon, sinabi ni Kris ay ayaw niyang lumaki ang isyu, kaya't hindi niya ipinalalathala ang usapan nila ni Jo-Ann. Gusto lang daw niyang ipaalam sa magazine editor ang panig niya dahil nakaabot na sa kanya ang mapanirang text message na diumano'y galing kay Mayen Austria.
Idinagdag ni Kris na ang text message ay unang bumagsak sa telepono ng isa sa mga ate niya, na siyang nagpadala nito kay Kris. Ayon din sa TV host, wala siyang ideya kung kani-kanino na ito nakarating at kung sino sa media ang pinadalhan na ng gumawa ng original text.
"It reached my sister," sabi ni Kris sa telepono. "I imagine it could've been sent to more people, including the media."
Kung siya lang daw, hindi na ito dapat lumabas pa. "You won't see me putting this out on SNN. I'm not the one to start, and make this an issue. It's a domestic thing. But I can't control what others will do with this. I don't know if other editors and reporters have already been sent this text." Ang SNN, o Showbiz News Ngayon, ay ang Monday-to-Friday evening program ni Kris at Boy Abunda sa ABS-CBN, kung saan ang mga kaganapan sa local showbiz ay mabilis na naibo-broadcast.
Ang idinaramdam daw ni Kris ay ginagawang "political issue" ang isang bagay na para sa kanya ay isang "domestic issue."
Hindi maikakaila na sa kampanya para sa pagka-presidente ng Pilipinas ng kanyang kapatid na si Benigno Aquino III—o mas kilalang Noynoy—sa eleksyon sa Mayo, kakabit ang pangalan ni Kris. Sinabi na sa telebisyon ni Kris na all-out siya sa pagtulong sa kampanya ni Noynoy. Kasama na rito ang pagbebenta niya ng bahay nila ni James sa Valle Verde upang mapondohan pa ang national campaign ng kapatid. Tulong-tulong daw silang magkakapatid, lalo na ngayong yumao na ang ina nila, ang dating Presidente Corazon Aquino.
Kaya't kung sakali raw at makarating sa PEP ang text message na tinitira siya, pinahihintulutan niya ang PEP na ilabas na ang kanyang pakikipag-usap kay Jo-Ann.
Hindi nga inilabas ng PEP ang usapan nina Kris at Jo-Ann hanggang sa araw na ito, Biyernes, January 15—nang lumabas na ang isyu sa ibang media outlets, at matapos kuhanan ng pahayag ang kampo ni Mayen Austria.
KRIS'S STORY. Totoo raw na pinuntahan ni Kris si Mayen Austria sa bahay ng huli sa Valle Verde 2 sa Pasig City nung January 13, bandang 4:00 p.m. Ayon mismo sa TV host-actress, "two streets away" lang ang layo ng bahay nila ni James dito, at sinadya talaga niyang kausapin si Mayen.
Pero taliwas daw sa isinaad sa text message, hindi "inaway" o "ininsulto" ni Kris si Mayen at ang ina nito. Sa paglalahad ni Kris ng naging exchange nila, ito raw ay naging "frank" but "polite," "honest" but "civil."






Kung ako nga pag may natawag sa bf ko, naiinis na ako, anu pa pag asawa?
people here shouldn't judge Kris, it really isn't right for a woman to call a married man because of her love problems? para saan di ba? i mean, wala ba siyang ibang friends?
madami lang talaga malalanding girls! beware! Go Go Kris!~
I dont understand why people who probably live and earn their living in the Philippines are embarrassed about how Pinoys really are.
Kung diyan palang ikinahihiya na natin ang kapwa Pinoy - I think you shoudl avoid showbiz din because some people might call it naman as b akya...that is following the argument just presented here.
at hindi lang nag yeyes yes ang mga tao dito.... wag mong gawin tnga mga nagcocomment dito..most women here admitted they/we wld do the same thing, dahil nangyayari talga yan sa mag asaw/mag bf/gf, at bago pa lumala ang situation, kausapin na ang dapat kausapin...
besides hindi naman talaga maganda o tama ang tumawag sa isang may asawa at iyakan abt ur lovelife, lalo nat di naman sila bestfriends ni james..magkaibigan lang sila..di nga sya kilala ni kris..
at nag explain din naman si kris na ang pagtawag tawag ni mayen would not help kris and james marriage esp that they are having problems now... which is true... kris is just being a smart woman!
yung pepster na maraming comment na ayaw niya kay kris nanood pa pala ng the buzz.
weder kris is a martyr/ desperate or watsover atleast she is trying her best to protect yung alam nyang sa kanya...
ganun talaga kapag makapamilya...ikaw ba? may pamilya ka ba? or manira ng pamilya ang gusto mo?
are you MAYEN AUSTRIA? haha...la lang...
malandi talaga ang babaeng yan, if i were u sinabunutan ko sya ng bonggang bonga dahil hindi ako sikat like u kaya tama ang ginawa mo poise, she should stop calling James, mga ganyan klaseng tawag ay simpleng paglalandi pero grabe si james lang utak inabisohan pa ang babaita, yon ang hindi ko matatanggap, dapat parusahan mo rin si james but do it privately
hay kris ang dami mo problema pero kaya mo yan Girl, go!
mukhang 2 na ang nang-aaway sa akin. don't attack the messenger but the message. that's what i mean by sticking to the issues not on the person... unfortunately that's not the case here...
Unless you are a housewife and in a serious legit relationship with someone - you are not in the position to give an advice. As one very good pepster once said, if you have any morals in you - you will be outraged about the whole thing.
So which side of the drama are you with? The desperate housewife or the desperate m istress?
the message may be the same but the delivery is different. dunno if you get what i am trying to say.
winadoo
stick to the issues. the first to crack is the l o s e r. you are already boiling just like your idol. lol
hahaha! u dont use foul languange??? pero nanlalait ka?? ano tawag mo dun??
di mo ako naman ako na oofend..paulit ulit kz ung sinasabi mo...madaming posts..iisa ang ibig sabihin..may gusto kang sabihin na di mo maderecho..
Buti pa log out na ako before all the desperate housewives here gang up on me ... LOL
Mahirap talagang own by the public kaya nag kakaganyan yong walang time sa isat-isat
Payong na matulis aw payong kaibigan dapat yong may asawa na wag mo na patulan o tawagan kasi nakaksira ka nag pamilya.