May kumakalat na text message ngayon sa showbiz circles tungkol sa "panunugod" diumano ng TV host-actress na si Kris Aquino sa isang babae na sinasabing nauugnay sa kanyang mister, ang Purefoods basketball player na si James Yap.
Galing diumano sa isang nagngangalang Mayen Austria, o sa kampo nito, ang text message.
Narito ang kabuuang text message na nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga:
Published as is: "To everyone. Kris Aquino passed by house to make me sugod. She spoke to my mom. Very mad, berating us saying i always text and call james. That my mom didn't bring me up right. That we shouldn't be talking to married men. She said she's leaving james and to know that i am the last straw and the reason for their break-up. My family has great respect for Teopacos who are our family friend. Mrs. Teopaco is Cory's youngest sister. My mom raised us right. My mom didn't deserve all that. James missed called and texted na he warned me pupunta siya [Kris] sa house. He called me to apologize and say sorry. Kris said we had something going on. I don't deserve this. Most especially my mom. I have chemical depression and could have easily taken an overdose of pills because of the incident. With the hugs and love of my mom and sisters, and tranquilizers, i'm okay. Do you want Kris to be in malacanang."
BACKGROUND. Bago pa man lumabas sa media ang isyung ito ay nagkausap na sa telepono ang editor-in-chief ng YES! na si Jo-Ann Maglipon at ang prized talent ng ABS-CBN na si Kris Aquino, noong Huwebes ng tanghali, January 14.
Sa pag-uusap na iyon, sinabi ni Kris ay ayaw niyang lumaki ang isyu, kaya't hindi niya ipinalalathala ang usapan nila ni Jo-Ann. Gusto lang daw niyang ipaalam sa magazine editor ang panig niya dahil nakaabot na sa kanya ang mapanirang text message na diumano'y galing kay Mayen Austria.
Idinagdag ni Kris na ang text message ay unang bumagsak sa telepono ng isa sa mga ate niya, na siyang nagpadala nito kay Kris. Ayon din sa TV host, wala siyang ideya kung kani-kanino na ito nakarating at kung sino sa media ang pinadalhan na ng gumawa ng original text.
"It reached my sister," sabi ni Kris sa telepono. "I imagine it could've been sent to more people, including the media."
Kung siya lang daw, hindi na ito dapat lumabas pa. "You won't see me putting this out on SNN. I'm not the one to start, and make this an issue. It's a domestic thing. But I can't control what others will do with this. I don't know if other editors and reporters have already been sent this text." Ang SNN, o Showbiz News Ngayon, ay ang Monday-to-Friday evening program ni Kris at Boy Abunda sa ABS-CBN, kung saan ang mga kaganapan sa local showbiz ay mabilis na naibo-broadcast.
Ang idinaramdam daw ni Kris ay ginagawang "political issue" ang isang bagay na para sa kanya ay isang "domestic issue."
Hindi maikakaila na sa kampanya para sa pagka-presidente ng Pilipinas ng kanyang kapatid na si Benigno Aquino III—o mas kilalang Noynoy—sa eleksyon sa Mayo, kakabit ang pangalan ni Kris. Sinabi na sa telebisyon ni Kris na all-out siya sa pagtulong sa kampanya ni Noynoy. Kasama na rito ang pagbebenta niya ng bahay nila ni James sa Valle Verde upang mapondohan pa ang national campaign ng kapatid. Tulong-tulong daw silang magkakapatid, lalo na ngayong yumao na ang ina nila, ang dating Presidente Corazon Aquino.
Kaya't kung sakali raw at makarating sa PEP ang text message na tinitira siya, pinahihintulutan niya ang PEP na ilabas na ang kanyang pakikipag-usap kay Jo-Ann.
Hindi nga inilabas ng PEP ang usapan nina Kris at Jo-Ann hanggang sa araw na ito, Biyernes, January 15—nang lumabas na ang isyu sa ibang media outlets, at matapos kuhanan ng pahayag ang kampo ni Mayen Austria.
KRIS'S STORY. Totoo raw na pinuntahan ni Kris si Mayen Austria sa bahay ng huli sa Valle Verde 2 sa Pasig City nung January 13, bandang 4:00 p.m. Ayon mismo sa TV host-actress, "two streets away" lang ang layo ng bahay nila ni James dito, at sinadya talaga niyang kausapin si Mayen.
Pero taliwas daw sa isinaad sa text message, hindi "inaway" o "ininsulto" ni Kris si Mayen at ang ina nito. Sa paglalahad ni Kris ng naging exchange nila, ito raw ay naging "frank" but "polite," "honest" but "civil."






James should end it with Kris and NOT do a TIGER on her.
stay away from james!its obvious ikaw 2ng dikit ng dikit kay james noh!
Go Kris.
at nakapag change ka agad ng UN ha... di lumabas din ang totoo... ikaw eh nega talaga simulat simula kaya di ka makapag isip ng matuwid! ilang username ang gamit mo? at ilang beses mo ginamit yang linyang quot;what goes around comes aroundquot; ? alam namin yun no!kahit anong panlalait mo ke kris... Ke kris kami...
at anong breeding ang sinasabi mO? nagsisigaw ba si Krisyy sa kalye? ang sabihin mo yang Mayen na yan ang walang breeding... balahurang babae!
tama as in tama ang ginawa ni Kris... kulang pa nga yun. kung ako yun kakalbuhin ko yang mayen na yan.gets mo?
sa palagay ko ok lang ang ginawa ni kris para maputol kung anuman ang namagitan sa dalawa lalo na kasal sila ni james. pero kung di pa rin mag work out ang relasyon nila, at least masabi ni kris sa sarili na ginawa niya lahat to save the marriage.
goes to show her lack of breeding and how super insecure she is about her married life... she should have just cleared things with her husband in the first place and not gone to mayen's house....
wala ka pa yatang asawa kaya nasabi mo yan,kasi kung me asawa ka na kahit ba walang endorsements gagawin mo rin ang lahat para- ma-save ang marriage mo.yung pinirmahang contract sa kasal mas sagrado pa kesa kontrata ng mga product endorsements kaya di ako naniniwalang dahil lang doon kaya sumugod si kris sa bahay ng nagngangalang mayen.kung makapag-asawa ka na mararamdaman mo rin yung ganun,hindi mo masasabi sa asawa mo na ah, bahala na kung magkahiwalay tayo wala naman tayong kontratang pinoprotektahan.swerte lang sila at di sila binastos ni kris, sinabihan lang ang ina ni mayen na hindi siya comfortable na tinawagtawagan ng anak niya ang kanyang asawa.kasi kung ako pa si kris ay iba ang gagawin ko susugod din ako kaya lang magdala ako ng megaphone para maraming makakarinig at malalaman na ng lahat ang ginawa ng mayen na yan.