Kris Aquino says "I will protect my territory"; adds that confrontation with James Yap's fan was "civilized"

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Friday, January 15, 2010 @ 07:33PM  |  398292 views

 

In a phone interview with PEP, Kris Aquino admitted going to the house of Mayen Austria and having a frank talk with her. The trigger: Mayen was said to have been calling Kris's husband, James Yap, to talk about her love problems.

Photo By: Noel Orsal













Nang sumagot daw si Mayen na matagal na niyang kaibigan si James, inamin ni Kris na umabot siya sa puntong sinabihan niya si Mayen ng: "Don't cross the line!"

Sinabi raw si Mayen sa kanya na hindi naman daw ganoon kadalas niyang tinatawagan si James. Mula rito ay may ilan pang matatas na exchange ang dalawa, pabalik-balik sa punto ni Kris na huwag nang gambalain ang asawa at sa punto ni Mayen na wala siyang ginagawang masama. 

Ngunit sa huli, satisfied daw si Kris na maganda ang inasal niya. Pati nang paalis na raw siya ay maayos daw siyang nakapagpaalam. Nagpasalamat pa raw siya sa ina ni Mayen sa pakikinig sa kanyang saloobin. Ang sa kanya raw ay gumawa siya ng hakbang upang ipaglaban ang kanyang asawa at mga anak, na dapat lang daw gawin ng isang wife and mother.

MAYEN'S WITNESSES. Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang panig ni Mayen mula pa nitong umaga.

Tatlong beses tinawagan ni PEP managing editor Karen Pagsolingan ngayong araw, January 15, ang nakuha naming landline number ng mga Austria. Nakakasiguro kami sa numero dahil galing ito sa isang kaibigan ng pamilya na gradweyt din ng Poveda.

Ang unang tawag ng PEP ay naganap bandang 10:45 a.m., at isang babae ang sumagot. Nang tanungin namin kung puwede naming makausap si Mayen, sinabi nitong: "Wala po, e, umalis."

Tumawag uli kami kaninang 12:15 ng tanghali, pero walang sumasagot ng telepono.

Sinubukan ulit naming tumawag kaninang 1:16 ng hapon, at sa pagkakataong ito ay isang babae uli ang sumagot, pero hindi ito ang una naming nakausap. Nang ipakilala ni Karen ang kanyang sarili at sinabing taga-PEP siya, sinabi ng babae na: "We're not granting interviews. I'm sorry."

Kaugnay nito, isang text message pa ang natanggap ng PEP mula sa isang nagsasabing malapit siya sa pamilya ni Mayen. Si Kris at Mayen daw ay magkaklase dati sa Poveda Learning Center. Sa pamilya raw ng huli nag-o-order ng mga cake para sa birthday ng mga anak si Kris.

Ayon sa text message: "Nag-eskandalo daw [si Kris]. Saksi ang mga teacher ng Poveda na nandun sa house [nina Mayen]." 

Dagdag pa ng source, ang January 13 text message daw, na tinitira si Kris, na galing sa sinasabing numero ni Mayen, ay ipinadala umano ng "kapatid nitong si Mia."

Sinubukan naming kumpirmahin ang datos na ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message sa cellphone number ni Mayen, pero ang sinasabi ng voice prompt ay "the number you have dialled is incorrect."

Ayon naman sa isang broadsheet, kinumpirma ng uncle ni Mayen, na nagpakilalang si Gabby Lopez (hindi konektado sa chairman ng ABS-CBN), ang "panunugod" ni Kris. Si Lopez ay nagbigay ng panayam sa broadsheet. Sampung minuto raw nanatili sa gate ng tahanan ng mga Austria si Kris sa Valle Verde 2 sa Pasig City.

Nasa bahay raw ng mga Austria si Lopez, kasama si Legazpi City Bishop Joel Baylon, nang dumating si Kris. Nakausap din ng naturang broadsheet si Bishop Baylon. Kinumpirma rin niya na nandun nga siya sa bahay ng mga Austria nang dumating si Kris.

Nalaman lang daw ni Bishop Baylon ang nangyari "when Mayen, between sobs, related to us the incident immediately after Kris left."

« Prev  1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

1622 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name