PART 1: Kris Aquino explains in detail why she decided to confront her husband's caller

Glen P. Sibonga
Monday, January 18, 2010 @ 09:40AM  |  165454 views

 

"Marami po na siyempre yung mga gustong mang-away o manggulo sinasabi, 'Ang kitid naman ng utak ni Kris! Nakalimutan na ba niya ang kanyang nakaraan?' Simple lang po ang sasabihin ko sa inyo. Kung anuman ang nakaraan ko, noong July 10, 2005 pinakasalan ako ni James Yap. For whatever I may have gone through in my life, alam yun ni James Yap. At pinakasalan niya ako at ibinigay niya ang kanyang pangalan sa akin. Ngayon, sa ilalim po ng batas... at siguro na rin sa pagbibigay pahintulot ni James, may karapatan ako bilang asawa niya. Na kung anuman po ang mga pinagdaanan ko dati, past is past, and at present I happen to be Mrs. James Yap," explains Kris Aquino.

Photo By: Nerisa Almo













Punto por punto ay inilahad ni Kris Aquino ang kanyang panig at bersiyon ng istorya sa kinakaharap niyang malaking kontrobersiya ngayon habang kausap ang co-host na si Boy Abunda sa kanilang programang The Buzz kahapon, January 17.

Kamakailan ay naging laman ulit ng mga balita ang tungkol sa isa na namang kaganapan na nagpayanig sa kanilang relasyon ng asawa niyang basketball player na si James Yap. Matatandaang una nang nagulo ito noong maugnay si James sa isang empleyado ng Belo Medical Clinic. Namatay nang kusa ang kontrobersiya dahil pinili ni Kris na ayusin ang kanilang pagsasama ni James.

Pero simula nitong nagdaang linggo ay muli nahaharap sa panibagong pagsubok ang pagsasama ng mag-asawa. Naging malaking balita ang ginawang pagsugod diumano ni Kris at pagkumpronta sa isang babaeng nangangalang Mayen Austria, isang fan at kaibigan daw ni James at ng PBA team nitong Purefoods Tender Juicy Giants. Halos magkapitbahay lang sila sa Valle Verde 2, Pasig, dalawang kalye lang daw ang layo ng mga bahay nila. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Kris, kinausap muna niya ang kanyang mga kapatid bago niya ginawa ang pagsasalita sa The Buzz.

"I had to discuss all of this with my family in depth before I face all of you," simula niya. "Nakiusap po nang mahinahon ang mga kapatid ko na mag-ingat ako sa mga pananalita ko and just to stick to the facts. So, even before I came here sa dressing room, my sister Pinky said nagsisimba siya ulit ngayon para ipagdasal ako."

At sinimulan ni Kris ang pagsisiwalat ng kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagsasabi ng kanyang karapatan bilang asawa ni James Yap.

"Boy, let me start. Marami po na siyempre yung mga gustong mang-away o manggulo sinasabi, 'Ang kitid naman ng utak ni Kris! Nakalimutan na ba niya ang kanyang nakaraan?' Simple lang po ang sasabihin ko sa inyo. Kung anuman ang nakaraan ko, noong July 10, 2005 pinakasalan ako ni James Yap. For whatever I may have gone through in my life, alam yun ni James Yap. At pinakasalan niya ako at ibinigay niya ang kanyang pangalan sa akin. Ngayon, sa ilalim po ng batas... at siguro na rin sa pagbibigay pahintulot ni James, may karapatan ako bilang asawa niya. Na kung anuman po ang mga pinagdaanan ko dati, past is past, and at present I happen to be Mrs. James Yap. That's the first."

THE SOURCE OF THE PROBLEM. Detalyado namang isinalaysay ni Kris ang pinagsimulan ng problema kaugnay ng pagpunta niya sa bahay ng mga Austria.

"Point number two, I now speak to all the wives listening. Nagla-lunch kami ng asawa ko. I was on call, may taping ako ng Kung Tayo'y Magkakalayo. Kaya lang po na-delay nang na-delay. So, at 2 p.m. noong umuwi si James from practice, we were having lunch, magkatapat ganyan. So, meaning to say po, we still cohabit. We still live in one roof.

"Sinagot ni James ang telepono... Again, I will understand James when he told me na, 'Alam mo kung may itinatago ako sa iyo, hindi ko naman siguro sasagutin ang phone in your presence.' I heard a girl crying. Magkatapat kayo, minsan may maaaninag ka talaga doon sa conversation lalo na kung nakikinig ka, di ba? Kasi it was quiet and I could hear a voice very clearly saying, 'James, tell me what's wrong with me? Ginawa ko naman na ang lahat.' And then, ang sinagot po ng asawa ko, 'Alam mo, kung ayaw sa iyo, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo.' And then I heard more crying. Until... James could see, kasi ganyan, di ba? [inilalarawan ni Kris ang posisyon nilang mag-asawa]. Ang kilay ko po umaabot na sa kisame namin. So, sinabi ni James, 'Alam mo, mamaya na lang tayo mag-usap.'"

At hindi na nga napigilan ni Kris na mag-usisa kay James tungkol sa babaeng caller.

"So, nagtanong po ako, 'Babe, what's that?' Ganun na ang tono ko. 'Si Mayen!' Sabi ko, 'O, what does she want with you?' Okay, dati po nag-o-order kami ng cupcakes at mga cookies sa kanila. Pero through phone lang yan. I didn't know how she looks, okay.

"And then I said, 'Is she crying over you? What's happening?' Tapos ang sinabi ni James sa akin, 'No, ang sinabi niya, iniwan daw siya ng boyfriend niya for another girl kaya iyak siya nang iyak.' Sabi ko, 'Friend mo yung guy?' Hindi. Sabi ko, 'Ano ang pangalan nung lalaki?' Some Cabahug. That was the last name na binanggit. Sabi ko, 'O, kung hindi mo kaibigan, bakit ikaw ang iniiyakan?' And sinabi niya, 'Hindi ko nga alam, e.'

WANTED TO CONFRONT MAYEN. Dito na nagsimulang mairita si Kris hanggang sa maisip nga niyang gusto niyang puntahan ang bahay ni Mayen.

"Alam mo, parang nababastos ako... 'Are you telling me the truth ba talaga na may boyfriend iyan na iniiyakan? Baka naman obsessed iyan sa iyo?' So, I told James, 'Anyway, they live two streets away. Gusto ko siya puntahan para naman makita niya that I'm a real person at nababastos ako sa ginagawa niya. Kasi the whole time na nag-away tayong dalawa bago mag-Pasko, umalis ka dito sa bahay na ito, and yet wala akong pinagsabihan except my closest family. In the merely five years of our marriage, all the time na nagkagulo tayong dalawa, wala akong lalaking iniyakan.' Of course, I'm not counting you as lalaki, you get it [sabi niya kay Boy]?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

344 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name